SEASON 2 - CHAPTER 1

224 3 3
                                    

CEE

Girlfriend ko na ang babaeng mahal ko! Sa wakas!

Hindi ko na kailangan pang pigilan ang nararamdaman ko at ang malupit pa r'yan ay mahal din niya ako. Ano pa ba ang tatalo roon?

Hindi ko na kailangan makipagkompitensya kay tisoy at higit sa lahat ay mahahalikan ko na ang mga labi niya.

Joke lang at baka masapak ako ng wala sa oras.

Hindi mawala ang ngiti ko, para bang permanente na sa mga labi ko.

Kami na kasi ni Mojow eh! Hindi ako makapaniwala! Parang dati lang ay hindi ko maamin sa sarili ko na gusto ko nga siya.

Pakiramdam ko ay natupad na ang isa sa mga pangarap ko.

Ang pangarap kong ibigin niya.

Anak ng tokwa! Tokwito! Nagka-girlfriend lang ako, napakakorni ko na. Sige, ayos lang, basta ba si Mojow ang dahilan.

Ewan ko na lang kung paano kami nito, bangayan kami lagi.

'Yong tawagan nga namin ang dami pang diskusyon bago naging final.

"Mojow ko, ganito na lang ba ang tawagan natin? CEEra ulo ko ang tawag mo sa akin, parang ang pangit yata? Parang hindi malambing," tanong ko sabay yakap sa kanya at kumalas na rin kinalaunan.

"Hmm... mag-isip tayo ng iba," sagot niya.

"Ano'ng gusto mo? Baby? Honey? Sweetie? Honey pie? Honey bunch? Munchy? Popcorn? Darling? Sweetheart? Babe?" suggest ko.

"Ang common! Ayoko nga! Buko kaya? o kaya Mako?" sabi niya.

"Mas common naman yan. Ah... Moko na lang sa'yo."

"Ayoko nga! Parang Mokong naman. eh kung CEErKO sa'yo payag ka? Ha?"

"Ayoko rin, hmm... alam ko na, paghaluin kaya ang pangalan natin. MoCee kaya? Mojow and Cee, okay na ba 'yon?"

"Eh parang tunog clothing line. O s'ya, Cee at Joan na lang para matapos na 'to," bumuntong hininga siya matapos sabihin 'yon.

"Mojow naman! Ang init na ng ulo mo, relax lang," sabi ko.

"Eeeh..."

"Mowee kaya? Halong-halo 'yon," nakita ko sa mukha niya ang pag-iisip.

"Mowee, mowee... puwede!" mukhang aprub na.

"Sige, 'yon na lang," ayan, ayos na!

"Sige," 'yan lang ang kanyang sinabi.

"I love you, Mowee," sweet ko talaga!

"I love you, too, Mowee," ang laki ng ngiti niya.

Hinalikan ko siya sa pisngi na nagpapula roon. Kinilig siya! 'Yon lang naman ang nangyari.

Ang malupit do'n ay 'yong kiss.

First monthsary namin ngayon, ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay birthday ko tapos isang buwan na agad ang nakalipas.

Akalain mong lumipas ang isang buwan ng hindi kami naghiwalay. Topakin kasi 'yang si Mowee eh at napaka-moody.

Napakaaarte! Ang daming gusto pero ayos lang kaya iniintindi ko na lang, ganyan naman talaga ang mga babae, likas ang kaartehan at kadramahan.

Ang dapat na lang gawin nating mga lalaki ay umunawa at pakiligin sila.

Nandito ako sa tapat ng pinto nila at papasok na dahil may date kami, kalalabas ko lang sa office at nagbihis lang saglit at dumeretso na ako rito.

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon