CHAPTER 23

436 6 1
                                    

CEE

Linggo na ng umaga, palapit na nang palapit ang pag-alis ni Mama at Cheska. Hindi naman ako dapat nalulungkot pero hindi ko itatanggi na ganoon nga ang nararamdaman ko sa nalalapit nilang paglisan.

"Oh, Ma, okay na ba lahat ng gamit n'yo?" tinapik ko pa ang isa sa mga maleta na dadalhin nila.

"Ayos na anak, ingat ka rito, ha? Lalo na ngayon at mag-isa ka," ang Mama ko naman! Ginawa pa akong parang bata.

"Naku, Ma, lagi naman 'yang nandoon kina Joan," totoo naman 'yon dahil madalas nga ako kina Mojow.

"Ano'ng balita kay Joan? Kayo na ba?" Ano raw? Ano'ng kami na? Ano'ng balita? Nasabi ko ba kay Mama ang plano ko o kahit ang nararamdaman ko para kay Mojow? Bakit hindi ko maalala?

"Ma, hindi ko naman nililigawan 'yon," alam siguro ni Mama na may gusto ako kay Mojow. 'Yon yata 'yong tinatawag nila na mother's instinct.

"Kuya! May gusto ka pala sa kanya, sus naman!" Maka-"sus naman," ang isang ito, wagas.

"'Wag nga kayong magulo. Ako na ang bahala," hindi na ako makatanggi, alam na nila. May magagawa pa ba ako? At isa pa, si Kenneth naman ang unang nakapansin talaga.

"Paano ko ba naman hindi mapapansin e 'yong pinagkaingat-ingatan n'yang savings sa bangko hindi nagdalawang-isip na bawasan ng fifty thousand para sa regalo kay Joan, sabi ko sa sarili ko, I think and feel na special ang babae na reregaluhan niya," oo na nga, siguro hindi ko lang kayang aminin noon at sobrang in denial ako dahil hindi ko kayang tanggapin na napa-ibig ako ng isang babaeng ni sa panaginip ay hindi ko akalain na magugustuhan ko, sige na!

"Alam mo Ma, iba kasi s'ya sa lahat nang nakilala kong mga babae. Hindi s'ya 'yong tipo ng babae na nadadala ng basta salita, mas gusto n'ya 'yong nakikita niya ang effort, tipong napapasaya s'ya," ganoon talaga ang pagkakakilala ko kay Mojow e. Basag trip kasi siya sa mga bola-bola lines.

"Sus naman! Tama na 'yan at baka mahuli na tayo sa flight natin, Ma," at may punto naman siya roon dahil babiyahe pa kami pa-Maynila.

"Oh s'ya, isakay na lahat ng 'yan sa sasakyan," kanya-kanya kaming bitbit nang mabibigat na maleta nila patungo sa sasakyan.

Pagkatapos maghakot ay sumakay na rin kami pero si Kenneth ay nagdesisyon nang hindi sumama. Ayaw niya raw makitang umalis si Cheska dahil baka magka-iyakan pa sila. 

Pumunta rin kami sa bahay nina Mojow dahil sabi ni Mama ay gusto niyang magpaalam dito at itatanong ko rin kung makakasama nga siya. 

Inabutan ko ang buong dela Vega family sa may gate nila at doon din ay may nakaparada na van, pumarada naman ako kasunod ng van na sinasabi ko. Bumaba muna ako para puntahan siya, naiwan sina Mama at Cheska sa loob ng van dahil mainit.

"Good morning po, paalis na nga po pala kayo. Safe trip po, Tito," ngumiti naman siya nang makita ako sa gate nila.

"Salamat, Cee," sinuklian ko siya nang ngiti at tinulungan sa dalang maleta palabas ng gate.

"Ay, s'ya nga po pala, eto po 'yong game ng Miami, nilagay ko na po sa flash drive," as promised kay Tito, ang game na hindi niya napanood.

"Thanks you," inilagay niya 'yon sa unahang parte ng backpack na bitbit.

"Welcome po," napansin ko na nakatingin lang sa amin sina Tita at walang imik.

"Mojow! Ihahatid n'yo ba ang dad mo?" gusto ko kasi talaga siyang isama sa airport para ihatid sina Mama e.

"Ah, hindi, kasi magkakasama sila ng workmates n'ya kaya hindi na kami pinasama," so puwede nga siyang sumama sa amin, mabuti naman kung ganoon.

"Tita, tito, p'wede ko po bang isama si Joan sa Manila? Ihahatid ko lang din po sina Mama at Cheska sa airport," eto na ang tamang tiyempo para itanong ang bagay na 'yon.

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon