JOAN
"Ken..." sabi ko habang nakatingin sa kanya pero iwas ang tingin niya sa akin dahil nakatuon ang atensiyon niya kay Cheska. Napakaseryoso ng itsura na sadyang ikinagulat ko dahil ngayon ko lang siya nakita na ganito ang tingin sa isang tao.
Ang mas ikinagulat ko ay no'ng hatakin niya si Cheska palabas ng bahay kaya naman nagising ito pero pasuray-suray ang lakad dahil na rin siguro sa rami nang nainom niyang alak.
Sumunod ako palabas dahil baka kung ano'ng mangyari sa kanila. Hindi ko agad napansin pero sinundan pala ako ni Cee.
Nang malapit na ako sa labas, pinigilan niya ako na lumapit sa dalawa.
"Dito na lang tayo, hayaan muna natin silang mag-usap, kailangan nila 'yan," sabi niya at may point siya dahil hindi naman namin kailangan makialam sa business nila kahit malapit kami sa kanila.
"Sige," sagot ko at naka-abang lang sa mga mangyayari.
Tahimik kaming nagtago sa isang tabi at naghintay sa posibleng mangyari at maya-maya ay nagsalita uli si Cee.
"Joan, pasensiya ka na sa nangyari, nakakahiya 'yong ginawa ng kapatid ko, birthday mo pa naman ngayon," seryosong sabi niya sa akin kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Sanay na ako sa Mojow kaya medyo nanibago ako no'ng banggitin niya ang first name ko.
"'Wag na muna nating isipin ngayon," lumilipad kasi ang isip ko dahil sa nangyayari.
"Oh, sige," sabi naman niya.
"At isa pa, blessing in disguise na rin siguro ang nangyari dahil nalaman natin ang totoo," hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang magsinungaling si Cheska. Kinain na nga ba siya ng selos niya?
"Hindi ko na talaga maintindihan 'yang kapatid ko. Nasisiraan na yata ng ulo. Ilang beses ko nang sinabi na 'wag kaisipin na ampon siya dahil wala namang magbabago," ewan ko kung ano'ng gustong ipahiwatig ni Cee sa sinasabi niya pero kinakabahan ako sa puwedeng mangyari.
"Baka naman naguguluhan lang siya. Siyempre, baka hirap siyang tanggapin ang totoo," depensa ko. Wirdo man pero naiintindihan ko si Cheska, para sa isang babae, gagawin mo ang lahat maprotektahan lang ang kung ano ang meron ka.
"Hay, naku, kung ano-ano na ang naiisipang gawin," sabi ni Cee. Natahimik kami dahil narinig namin ang boses ni Kenneth. Hindi namin sila nakikita kaya puro tunog lang ang pinagbabasehan namin ng lahat.
"Totoo ba 'yong narinig ko sa loob?" tanong ni Kenneth.
"Ha?" pagpapatay malisya ni Cheska.
Tumahimik saglit kaya medyo kinabahan na naman ako, pero nagsalita uli si Ken.
"Totoo bang hindi ka buntis?" tanong uli niya. Hindi makasagot si Cheska sa tanong ni Kenneth. Malamang kasi totoo nga dahil 'yon din naman ang narinig ko kanina.
"Totoo ba?" tanong uli ni Kenneth. Sumisigaw na siya kaya naman hindi na rin napigilan ng kasintahan ang emosyon.
"Oo, hindi totoo na buntis ako, masaya ka na ba?" sigaw ni Cheska. Umaapaw ang emosyon sa boses pa lang.
"Masaya? Pa'no mo nasasabi sa akin yan, ha? Paano ako magiging masaya sa ginawa mo?"
"Ken..." malumanay na banggit ni Cheska sa pangalan ng kaibigan ko.
"Oo, aaminin ko, natakot ako no'ng nalaman kong buntis ka dahil hindi ko alam ang gagawin pero unti-unti kong natanggap dahil sabi ko magkakaroon na tayo ng anak, siguro magiging responsible na talaga ako," maluha-luha na si Ken sa paglalabas ng sama ng loob niya sa nobya, halata sa boses niya. Hindi na nakapagsalita si Cheska sa naririnig niya. Malamang ay kinakain na siya ng konsensiya.
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT (Editing)
RomanceSi Joan ay isang babae na naiipit sa isang sitwasyon na hindi niya gusto pero wala siyang magawa dahil nagmamahal siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makikilala siya na akala niya ay gugulo lalo sa kanyang buhay pero siya ang makapagpapabag...