SEASON 2 - CHAPTER 2

185 2 2
                                    

JOAN

"Pao, is that you?" may nakatayong matangkad na babae sa likuran niya at sa kanya ako nakatingin.

"Mowee, ikaw yata ang tinatawag no'n," sabay lipat ng tingin sa lalaking 'to.

Sexy, matangkad, maganda, mistisa ang tipo ng isang 'to sa babae, naku naman!

"Ano'ng ako? Eh Pao raw,"

Mukha ba akong Pao? Eh wala naman sa pangalan ko ang Pao na 'yan.

"Pao! I think it's really you," wow, english speaking talaga siya oh.

Tinapik ko 'yong kaliwang kamay niya, para kasing may sapi, ayaw makinig.

"Christian Paolo ang pangalan mo, 'di ba?"

So sino nga kaya si ate girl? A. ex, B. pinsan, C. dating kaklase, D. kabit, E. masasapak ko na itong lalaking 'to kapag hindi pa tumingin at ipakilala ako.

"Eh isa lang naman ang tumatawag sa akin ng Pao... si ... 'wag mong sabihing nandito si..."

At lumingon na nga si Pao, ah este si Mowee sa babaeng tinutukoy ko, napatayo siya bigla at lumapit si ate girl sa kung nasaan kami.

Ngumiti naman agad si ate girl. In fairness, mukhang maganda nga siya. Naka-shades kasi kaya hindi ko masyadong makita kung maganda talaga pero sa tindigan niya at kutis, eh mukhang maganda. Naka-crop top shirt, maong shorts at sandals na kulay peach.

"Pao! Ikaw nga, aww... na-miss kita," may payakap si ate girl. Gusto mong mamayapa?

"Pao," 'yon lang ang nasabi ni Mowee tapos kumalas na sa pagkakayakap sa kanya ni ate girl.

Teka lang, Pao rin ang tawag niya? Tawagan nila 'yon? Naks, may endearment. Eh 'di kayo na! Kayo na ang sweet! Ihalo ko kayo sa kape ng kapitbahay namin eh!

Three seconds pa at hindi ako ipakilala ni Mowee, ako na magpapakilala sa sarili ko.

One...

Two...

Th-

"Ah, Pao, girlfriend ko nga pala si Joan, Mowee si Paoline, former classmate ko," ah, so Paoline pala ang name niya. Dating kaklase ang sagot sa multiple choice kanina.

"Hi at-Paoline," oh my gosh! Matatawag ko pa siyang ate girl. No!

Teka parang familiar siya sa akin. Parang nakita ko na somewhere. Hindi ko lang matandaan kung saan.

"Hmm, hi!" bati niya sabay beso pa sa akin tapos tuluyan na silang umupo.

"Ikaw, ha, Pao, hindi mo sinasabi na may girlfriend ka na pala," tumawa pa siya sabay hampas kay Mowee sa braso. Mukhang nag-uusap sila behind my back. Teka nga....

Tumawa rin si lalaki, "nawalan kasi tayo ng contact. May kasama ka ba?" Ah, praning lang pala ako, wala pala silang contact.

"Yeah, right. And yes, may kasama ako. Ang dami nga nila but then, nagkaroon ng technical problem kaya lumabas muna ako," may batalyon, gano'n?

"Oh, well, nice to see you again," sabi ni Mowee kasi akala niya, aalis na si ate girl.

"Same here, wait, mind if I join you for a while? Catch up lang," aba talagang susulitin ni ate girl.

I mind! Date namin ito! Asungot lang, 'te? Pero sige na nga at mukha namang aalis din maya-maya. Pero familiar talaga 'yong mukha niya, hindi ko maisip kung saan ko nakita, naka-shades pa rin kasi siya kaya hindi ko makita 'yong mga mata.

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon