SEASON 2 - CHAPTER 12

132 2 0
                                    

JOAN

Dere-deretso ako ng lakad hanggang sa makarating sa tapat ng kotse ni Mowee. Maya-maya ay  dumating na rin siya. Pagbubuksan sana niya ako ng pinto ng sasakyan, pero tinitigan ko siya nang masama kaya tinanggal na niya ang kamay niya sa handle.

"Mowee, ano bang problema?" tanong niya. Nasa likod ko siya dahil nakaharap ako sa kotse niya. Hindi rin ako sumagot at tumayo lang nang walang imik.

"Mowee," sabi niya sabay hawak sa bewang ko. Gusto mong sagutin ko kung ano'ng problema ko?

Ang problema ay 'yang sinasabi mong best friend mo na aliw na aliw ka dahil akala mo sobrang bait. Eh hina-harass ako at lumalabas ang totoong kulay kapag ako lang ang kausap. Para siyang kotrabida na kapag nakaharap sa camera ay may paiyak-iyak pa pero kapag walang camera, hay naku, grabe ang kasamaan.

Kulang na lang ay ipa-assassinate ako nang mawala na ako sa mundong ito dahil ang pinalalabas niya ay ako ang kontrabida sa love story na meron kayo. Kung sabagay, uso na ngayon ang best friend na nai-in love sa best friend na may girlfriend na. Naki-uso pa talaga siya. Oo, diyosang bumaba sa lupa mula langit ang itsura niya pero naiwan sa impyerno ang ugali.

Tapos hindi mo man lang sinabi sa akin na saksakan ka pala ng yaman. 

Hindi naman ako galit dahil do'n pero 'yong thought na akala ko ay alam ko ang halos lahat sa'yo pero mali pala ako. 

Nakaka-disappoint. 

Akala ko kasi open ka sa akin dahil close tayo. Pero bakit ito, hindi ko man lang nalaman? Dapat alam ko na 'yon sa itsura pa lang ng bahay n'yo pero wala ka namang sinabi.

Hindi man as girlfriend mo o best friend, as kaibigan man lang na hindi mo ako pinagmukhang tanga. Hindi ko maintindihan kung ano bang big deal sa bagay na 'yon.

"Gusto ko nang umuwi," sabi ko sabay bukas ng pinto ng sasakyan niya.

"Mowee, mag-usap muna tayo," sabi niya.

"Ihahatid mo ba ako o magta-tricycle na lang ako?" tanong ko. Napabitiw siya sa bewang ko.

"Ihahatid kita, sakay ka na," no'ng nasa loob na kami ng sasakyan ay hindi siya nakatiis na hindi magsalita.

"Ayoko ng ganito, Mowee," sabi niya.

Hindi ako nagsalita. Kailangan kong mag-isip. 

Hinatid niya ako sa bahay. Wala pa rin kaming imikan sa sasakyan. 

Binuksan ko 'yong pintuan ng sasakyan at akmang bababa.

"Teka lang, Mowee, mag-usap muna tayo," sabi niya.

"Pagod ako," paliwanag ko. 

Tapos bumaba na ng sasakyan at pumasok na sa loob. Nakakaasar! Hindi man lang niya ako sinundan tapos umalis pa siya agad. 

Sige, ganyan ka. Do'n ka na sa best friend mong Diyosa.

Pagpasok ko sa bahay ay nanonood pa rin sina Kuys ng pelikula.

"Oh, Bebe Jo, kumusta ang dinner?" tanong ni Kuys BJ.

"Ayos," simpleng sabi ko. Nahalata nila na may mali sa akin kaya nagkatinginan silang apat.

"Sige, mga kuys, aakyat na ako," sabi ko. 

Hindi ko na sila hinintay na sumagot at umakyat na ako sa kuwarto. Kailangan kong mag-isip ng dapat gawin dahil hindi puwede na ganito ang lahat.

Ayaw ko nang magulong buhay. Kailangan ko ng lakas. Kaya kinuha ko ang laptop at pumunta sa terrace. Inilapag ko ang laptop sa lamesa at naupo ako sa upuan. 

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon