JOAN
"Nandito tayo sa bahay namin," sagot ni Cee.
"At bakit tayo nandito?" tanong ko na puno ng kuryosidad ang mga mata.
"Basta," sagot naman niya kaya muntikan ko na naman siyang mahampas sa braso sa inis.
"Sabihin mo muna," ito talaga! Gusto pinipilit pa siya, pambihira!
"Surprise!" hay naku! Ang kulit!
"Ano ba?" sabay hatak niya sa kamay ko na ikinagulat ko.
"Ah!" sigaw ko. My gosh! Na-out of balance tuloy ako dahil sa ginawa niya.
"Mojow!" sigaw ni Cee at sakto naman na nasalo niya ako sa mga bisig niya. Napapikit ako sa takot dahil akala ko ay mababagok ang ulo ko or something.
"Mojow, okay ka lang ba?" tanong agad ni Cee pagkasalo sa akin.
'Pag mulat ko, ang posisyon namin ay 'yong parang last pose sa ballroom. 'Yong nakahawak ang lalaki sa likuran ng babae at nakabitin sa hangin ang ulo ng babae.
Nagtagpo ang aming mga mata. Ang mundo ay pansamantalang tumigil sa paghinga. Lahat ng kumakain ay natulala. Ang mga mamamatay, nagtagal pa ng dalawang segundo sa mundo. Ang isa't isa lamang ang nakikita namin. Pakiramdam ko ay may kuryente akong naramdaman Hindi ko maintindihan kung dahil ba 'yon sa malamig na hangin o dahil pa sa ibang dahilan na hindi ko rin alam kung ano.
"Anak," narinig ko ang isang boses ng babae mula sa gate ng bahay na kanina ay tinitingnan ko. Nagulat kami parehas kaya naman napaayos kami ng tayo.
"Ma, ito nga pala si Joan pero Mojow ang tawag ko r'yan. Mojow, Mama ko," sabi ng CEEra ulo at may pagtawa pa talaga, nakakainis! Nakakahiya tuloy sa Mama niya.
"Good evening po, Mrs. Villonco," bati ko sa Mama niya. Formal ang ginamit ko dahil ayokong masabihan na feeling close.
"Good evening din, iha, please... don't be too formal, call me Tita Cherry," ngumiti siya pagkatapos niya 'yong banggitin.
"Or better yet Mama na rin," bulong niya pero narinig ko. Ang weird naman niya!
By the way, si Tita Cherry ay nasa kanyang 40s, I think. Bakas pa ang kanyang kagandahan sa ganoong edad. Matangkad na babae at napaka-elegante ng dating. May brown na buhok, singkit ang mga mata, tulad ng kay Cee, makinis ang balat, balingkinitan at maikli lang ang buhok. 'Yong tinatawag nilang pixie cut.
"Ma!" saway ni Cee.
"Ano raw sabi?" tanong ko kahit narinig ko naman talaga. Iwas awkward moment na lang.
"Sabi ni Mama, pumasok na raw tayo sa loob, 'di ba, Ma?" sabi ni Cee.
Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Infairness, maganda ang bahay, mapaloob o labas. Elegante at mataas ang ceiling at halatang ginastusan ang mga gamit nila at appliances dahil hindi basta-basta 'yong design.
"Iha, I heard so much about you," sabi niya nang makaupo kami sa kulay itim nilang sofa.
"Talaga po?" aba biruin mong kinukuwento pa nga ako ni Cee sa Mama niya. Ano naman kaya ang sinasabi niya tungkol sa akin?
"Oh, yes, kaya nga I'm really happy to finally meet you," nakatutuwa siya dahil mukhang mabait at napaka-welcoming ng aura.
"Thank you, po,"
"Ang ganda mong bata,"
"Salamat po, Tita, kayo rin po," sagot ko. Hindi 'yon bola dahil maganda pa rin talaga siya.
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT (Editing)
RomanceSi Joan ay isang babae na naiipit sa isang sitwasyon na hindi niya gusto pero wala siyang magawa dahil nagmamahal siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makikilala siya na akala niya ay gugulo lalo sa kanyang buhay pero siya ang makapagpapabag...