SEASON 2 - CHAPTER 13

106 2 0
                                    

JOAN

'Pag alis ng diyosa, lumabas na ako sa pagkakatago ko sa may halaman at pumasok na sa bahay nila.

"Good morning po," sabi ko. Nakuha ko ang atensyon ni Sir kaya napatingin ulit sya.

"Good morning iha. Umalis na si Christian Paolo kanina," sabi niya. 

Wait, akala ko ay nandito si Mowee? Saan pumunta 'yon? Oh, well, mamaya ko na 'yon iisipin.

"Sir, kailangan ko po kayong makausap," sabi ko sa kanya.

"Oh, what about?" tanong niya. 

Naku po, eto na, paano ko ba sasabihin na narinig ko ang usapan nila kanina? Ah, madali lang, ganito...

"Narinig ko po 'yong usapan n'yo kanina ni Paoline," ano kayang magiging reaksyon niya? Napansin ko na nag-iba ang aura niya, kung kanina, napaka-welcoming at nakangiti pa, bigla siyang naging seryoso. Promise, nakatatakot siya kahit wala pang sinasabi. Grabe! Kung 'yong tingin niya nakamamatay, patay na ako ngayon.

"I think it is none of your business," sabi niya. Ang seryoso ng tono ng boses kaya bigla akong kinabahan. None of my business nga ba? 'Di ba involved rin ako rito kasi dahil sa akin kung ano-ano'ng naiisipan ng diyosa?

"Ang totoo po n'yan, business ko rin po ito," sabi ko. Sa totoo tayo, hindi naman kasi mamba-blackmail ang diyosa kung single si Mowee.

"Why?" tanong niya kahit palagay ko, alam na niya ang sagot.

"Kasi po, hindi kayo guguluhin ni Paoline kung single si Cee at dahil girlfriend niya po ako,  involve po ako."

"So, you want to help, right?"

"Oo naman po."

"Then, leave my son," ito ang hindi ko mapapayagang mangyari kahit pa magalit si Sir sa akin. Kahit ano pang mangyari. No way!

"Hindi ko po magagawa 'yon,hindi ko 'yon magagawa, walang sinuman ang makapaghihiwalay sa amin ni Mowee. Yes naman! Ang selfish pero 'yon ang totoo.

Minus my OA, totoo 'yon. Ayaw ko kasing maulit pa ang nangyari dati na kinontrol ng iba ang kung ano ang mayroon sa amin ni Mowee. 

Bad trip kaya ang nangyari na 'yon. Naniwala ako sa isang kasinungalingan. Mahirap na! At isa pa, mahal ko kaya ang lalaking 'yon, siyempre, kapag mahal mo, dapat ipaglaban.

"Well then, walang patutunguhan itong usapan natin. You can't help me with anything," sabi ni Sir. 

Aalis na sana siya sa harapan ko pero nakuha ko uli ang atensyon niya. Gusto ko naman kasi talagang makatulong sa kanila, pero hindi naman 'yon ang tanging paraan.

"Sir, kailangan n'yo lang pong gawin kung ano ang tama," sabi ko. 

Kapag nasa tama ka, walang sablay. Dahil kung may masaktan man sa una, ang punto, ginawa mo ang nararapat kaysa naman magpatuloy ang mali na puwedeng makasama pa lalo sa sitwasyon.

"So, sinasabi mo na mali ang mga pamamaraan ko?" tanong niya. Tapos bumalik siya sa harapan ko. Ano'ng sasabihin ko ngayon? Tama! Kailangan kong sabihin ang totoo.

"Hindi naman po sa gano'n, Sir, pero isipin n'yo po, kung hahayaan n'yong hawakan kayo sa leeg ni Paoline, hanggang kailan po?" nakatingin lang siya sa akin. Ano kayang tumatakbo sa isip niya ngayon? Hala, baka dalawa na ang gustong magpa-assassinate sa akin.

"Lalabas din po ang totoo kahit ano'ng pigil n'yo. 'Wag n'yo pong hayaan na kontrolin kayo ng iba dahil may hawak s'yang sikreto tungkol sa inyo," sabi ko. Hindi pa rin siya nagsalita sa mga sinasabi ko sa kanya.

It Started with a McFLOAT (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon