Kisses
“Hala, oo nga, ano! Iyan pala ang trabaho niya,” komento ni Bea sa tabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki na palinga-linga.
Tumawa si Lucy sa tabi at siniko kami na ikinatingin namin dito. “Hindi, a. Parte lang iyan ng trabaho niya.”
“What do you mean? May iba pa siyang trabaho?” takang wika ko bago magpunas ng bibig. Itinapon ko sa basurahan ang mga kalat.
“Yep, trabaho niyang hagilapin ang mga wanted na inia-atang sa kaniya ng mga pulis.” Bahagya nitong inilapit sa amin ang mukha at ngumisi. “Malaki ang pera riyan, pero lubhang napakadelikado ng ginagawa nila. Kaya nga bibihira kang makakuha ng impormasiyon sa lalaking iyan. Masyadong tago sa publiko. Basta ang alam lang namin ay iyon ang trabaho niya.”
Napatango-tango ako. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit mukhang misteryoso ang lalaki at napakatahimik.
“Ang angas naman pala niya,” komento pa ni Bea na sinegundahan ko ng tango.
“Kilala n’yo ba si Sir Guevarra?”
“Sino naman ang isang iyon?” balik na tanong ni Bea. Kahit ako man ay hindi ko kilala kung sino ang mamang iyon.
“’Yong hepe ng pulis dito. Iyon ang bagong amo ni Kuya Noah dahil kalilipat niya lang dito sa Zambales, sabi ko nga ay galing siyang Manila. Si Sir Guevarra ang kumuha sa kaniya kasi magaling daw talaga iyang si Kuya Noah. Pero secret lang natin iyon, a.”
Tumango ako rito. “Makakaasa ka. Pero bakit pala kailangan pang kumuha ng mga pulis ng tulad nila?” takang tanong ko na hindi maalis-alis ang tingin sa lalaki na huminto sa gilid at bumili ng streetfoods. Kita ko pa kung paano bumuka ang bibig nito at tila may itinanong sa tindero ng streetfoods.
“Marami rin kasing inaasikaso ang mga pulis kaya kumukuha sila ng bounty hunter para mapadali rin ang buhay. Hindi naman kasi sila puro sa office lang nila nagtatrabaho, marami pang inaasikaso ang mga iyan. At ang mga bounty hunter, malaking tulong sa kanila. Bawat ulo ng mga wanted, may patong na pera riyan. Hindi lang libo ang pabuya, kundi milyones. Hati-hati ’yan sila. Malaking pera talaga, kaso buhay naman ang kapalit.” Napailing-iling pa ito.
Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang. Kakaiba pala ang lalaking iyon. Ngayon ko lamang din narinig ang ganoong klaseng trabaho.
“Ilang taon na ba iyan, Lucy?” anang Bea na curious na curious sa lalaki.
Nagkibit-balikat naman ang kausap at nadismaya. “Hindi ko alam. Kahit si Papa ay hindi rin alam, limot na raw niya kung kailan ang kaarawan ni Kuya Noah.”
Pasimple akong nag-iwas ng tingin nang aksidenteng nagtama ang mga mata namin ng lalaki mula sa malayo. Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko kung paano ito matigilan nang tila mapansin kami.
“Single and ready to mingle na ba siya? Baka puwede akong mag-apply bilang taga-alaga niya in sickness and in health? Handa na akong kumerengkeng. Pero kung hindi papalarin, kahit si Kisses na lang ang makatuluyan niya, okay na ako.”
Agad na sumama ang tingin ko kay Bea na puro na naman kalokohan. “Bakit damay na naman ako?”
Hindi na ito nakasagot pa nang bigla na lang sumulpot sa likuran namin ang lalaki na kanina lamang ay pinag-uusapan namin.
“Bakit, Kuya Noah? May kailangan ka?” takang tanong ni Lucy sa lalaki na naupo sa tabi niya. Hinarap kami nito at seryosong tiningnan.
“Wala, nais ko lang magpahinga.” Isinuksok nito sa itim na backpack niya ang hawak na mga bill bago kami muling harapin. “Hindi pa ba kayo uuwi?”
BINABASA MO ANG
The Deadly Hunter
General FictionMontehermoso Series 5 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Kisses Monday Montehermoso and Hunter Noah Saavedra WARNING: Mature content. Read at your own risk. October 8, 2021 - November 24, 2022