Kabanata 15

2.1K 73 22
                                    

Kisses

“Uy, ano’ng ginagawa mo riyan?”

Daglian akong napatayo nang tuwid bago lingunin ang kapatid na nagtataka kung bakit ako mukhang ewan ngayon na pinagtataguan si Hunter.

Hilaw akong natawa rito. “Pew! Hinabol kasi ako ng aso ng kapit-bahay. Kainis!”

Hindi ako nito pinansin at tinalikuran pa, dahilan upang mapasimangot ako.

Nanatili lamang kami roon ng kalahating oras bago muling bumiyahe patungo sa kung saan. Nakatulog ako sa biyahe dahil sa pagod at pagkabagot, kaya nang magising ay nananamlay pa.

“Alfonso my friend!” bungad sa amin ni Tito Leonel na kasama ang asawa.

Nagbatian kami ng mga ito bago papasukin sa bahay nila na kay gara. Hindi nga ako nagkamali na pakakainin nila kami ng masasarap na pagkain dahil sa sala pa lamang ay amoy na amoy ko na ang heaven.

“Nandito na naman ang pangit na si Kisses?” kunwaring gulat na turan ng panganay na anak ni Tito Leonel, si Bernard na kay sarap sakal-sakalin.

Inilabas ko lamang ang dila ko rito bago maupo sa sofa nila. Napansin ko pa na naroon din ang mga kaibigang pulis ni Dad na bestfriend niya na noon pa.

“Aba, aba! Ang lalaki na ng mga dalaga ni Montehermoso, a! Puwede na paligawan sa mga binata ko, pare,” dinig kong wika ng isang kaibigan ni Dad na retired police officer na lihim kong ikinanguso. “May boyfriend na ba ang mga iyan?”

Nangasim ang mukha ng aking ama sa narinig mula sa kaibigan niya. “Wala pa. Hindi pa puwede mag-boyfriend ang mga iyan at napakabata pa. At kung sakaling puwede na, background check muna bago ligaw,” natatawang turan ng aking ama na alam kong totohanin talaga niya oras na may manligaw sa amin.

Lihim akong napayuko at nakonsensiya. Hindi niya alam na nililigawan na ako ni Hunter at ang malala, may nangyari na agad sa amin sa ganoong stage.

Kinagat-kagat ko nang pasimple ang kuko sa hintuturo bago ilabas ang phone nang mag-vibrate iyon.

Huwag kang magpapaligaw sa iba.’

Iyon ang bumungad sa akin pagbukas ko ng phone. Daglian kong itinago iyon bago pa ako balingan ni Dad ng tingin.

Nagpaalam ako sandali sa mga ito bago lumabas ng bahay at nagpahangin. Napapaypay pa ako ng mukha habang palinga-linga sa paligid at baka nandito na na naman si Hunter. Ngunit wala naman akong napansin na bakas niya kaya panandalian akong nakahinga nang maluwag.

“Psst, pangit na Kisses. Gusto mong kumain ng pizza?”

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang lumitaw na lang bigla ang boses ni Bernard. Inismiran ko agad ito bago ibalik ang tingin sa labas ng gate nila. Mababa lamang ang pader kaya kitang-kita ang tahimik na kalsada sa labas.

“Ayoko nga. Mayroon na akong pizza sa sasakyan,” kunwaring pagsusungit ko rito.

Tumawa ito bago maupo sa tabi ko. “Kanino galing? Sa boyfriend mo?”

Imbis na tawanan ito ay natigilan ako sandali. Ewan ko at bigla na lamang akong kinabahan sa tanong niyang iyon. Hindi ako komportable lalo na ngayon na may Hunter na sa buhay ko na inililihim ko mula sa pamilya.

Natatakot ako sa magiging reaksiyon ni Dad dahil ang expectation nito ay hindi muna kami magpapa-akyat ng ligaw ni Gisselle. Wala munang landian, pero ano itong ginawa ko? Nagpadala ako sa bugso ng damdamin at kalandian ni Hunter.

Inilingan ko ang lalaki bago ngumuso nang pasimple. “Hindi, a . . .”

“You wanna come with me? Bibili ako ng chocolate sa convenience store nearby. I know your weakness, Kisses,” anito na inunahan agad ako sa pagtanggi.

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon