Kabanata 2

3.2K 84 23
                                    

Kisses

“Oh, ang dami naman niyan, anak. Parang kinalbo mo na ang garden ng classmate mo,” bungad sa akin ni Mommy habang sinusuri ang mga halaman na nahingi ko.

“Hindi naman, Mom. Ang dami nga pong halaman doon ni Lucy. Pati si Bea ay binigyan niya,” kuwento ko rito at naupo sa couch. Tumabi ito sa akin at inalis ang blouse ko.

“Ganoon ba? Magpalit ka na roon. Lalabhan ko itong uniporme mo,” anito na ikinangiti ko. Ako na ang nag-alis ng palda ko kaya naiwan ang puting sando ko at short. Agad akong tumakbo papunta sa room ko at doon nagpalit ng saplot.

Pagbaba ko ay maabutan ko si Dad na tawa nang tawa habang pinagmamasdan ang mga halaman na nakalapag sa bandang main door ng bahay. Nilingon ako nito at napahagod ng buhok.

“Seriously, Kisses Monday? Ano ba itong pinagkukuha mo sa halamanan ng kaibigan mo? Dumali ka pa ng Makahiya. Ang dami mo na ngang pinaglalaruan na Makahiya roon sa palayan,” tatawa-tawang anito na ikinanguso ko.

Agad naman itong sinita ni Mommy na patawa-tawa rin sa couch. “Hayaan mo na ang dalaga natin. Iyan ang gusto niya, e.” Tumayo ito at kinuha ang laptop sa mesa, bago muling umupo sa couch. “May mga halaman ako roon na pinarami ko na. Ibigay mo kay Lucy bukas para naman mapalitan ang mga hiningi mong bulaklak,” anito pa na ikinaningning ng mga mata ko. Hindi na pala mababawasan ang koleksiyon ko ng mga bulaklak.

“Okay po. Thanks, Mom.” Naupo ako sa tabi nito at niyakap ang leeg nito. Mayamaya ay umayos ako ng upo nang may maalala. “Nasaan na pala si Twinnie, Mom?”

“Nasa taas na at may ginagawa ata,” anito habang tutok sa screen ng laptop ang mga mata.

Tumango-tango ako bago muling umakyat. Nagtungo ako sa kuwarto ng kapatid ko na naabutan kong kinakalabit ang gitara niya.

Tumigil ito nang makita ako at sumimangot.

“Manggugulo ka na naman, Kisses. Tigilan mo nga ako.”

Wala pa nga akong sinasabi ay inunahan na agad ako nito. Tuloy ay napasimangot din ako at kinuha ang camera nito sa gilid.

“Kuhaan kita ng litrato, Selle. Ilagay mo sa profile picture mo. Wala ka kasing litrato roon,” suhestyon ko rito na ikinakunot ng noo nito.

“Ayoko nga. Kita mong mukha akong alupihan,” anito na ikinalabas ng dila ko sa pandidiri.

“Hindi, a. Rambutan kamo,” biro ko na ikinatalim ng tingin nito. “Sige na kasi. Upo ka lang diyan at kunwari ay naggi-gitara. Sayang naman itong camera mo kung hindi nagagamit.”

Umayos ako ng puwesto at itinutok dito ang camera. Noong una ay nakasimangot pa ang mukha nito habang nanggigigil na nakatingin sa akin, ngunit mayamaya ay umayos naman. Agad ko itong kinuhanan ng litrato at napangiti.

“Kapag ako hindi maganda riyan, sisipain talaga kita palabas.”

“Ay, bakit kailangang mambanta?” Ipinakita ko rito ang litrato niya. Natigilan naman ito bago ako blangkong tingnan.

“Itapon mo na nga lang iyan. Mas lalong nakakasira ng mood,” banas na anito.

Umismid tuloy ako rito. Kinuha ko ang laptop nito sa tabi na walang password. Ipinasa ko roon ang litrato niya bago iyon i-upload. Nahiga ito sa kama niya matapos akong irapan. 

“Ang ganda-ganda mo tapos ganiyan ka ka-harsh sa sarili mo.”

“Umalis ka na nga pagtapos mo riyan. Naiinis ako sa iyo dahil kinukurakot mo ang shop ko,” anito na ikinamaang ko.

Agad akong sumampa sa kama nito at inalis ang makapal nitong kumot. “Hoy, hindi kaya. Nanghihingi ako nang maayos sa mga staff mo roon. Alam mo naman na wala akong money-money,” pagdadahilan ko na talaga naman.

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon