Kabanata 19

1.9K 60 5
                                    

Kisses

Nang maubos ko ang buko juice ko ay agad akong nagpalit ng damit. Isang simpleng t-shirt lamang at pajama na may tatak ng pinapasukan kong school ang isinuot ko para kapag naplakda sa kalsada ay hindi gaanong magagasgasan.

“Saan ka pupunta, Kisses?” tanong ng aking ina nang makabalik ako sa likod ng bahay.

Nginitian ko ito nang matamis. “Bibigyan ko ho ng mga prutas si Lucy.”

Agad itong napatango nang marinig ang pangalan ng kaibigan ko. “Okay, sige. Basta kapag alas seis na, dapat ay nandito ka na. Teka, kasama mo ba si Hunter?” Ngumiti ito nang pilya na ikinakilig ko naman.

“Yes, Mom. Don’t worry,” sabi ko bago humalik sa pisngi nito.

Nagpaalam din ako sa aking ama at sa iba pa bago ko ayain si Hunter na naubos na ang inumin. Tinulungan pa ako nito na ilagay sa basket ng bike ko ang mga prutas na dadalhin ko sa bahay ni Lucy.

Eksaktong pagsara ng gate ay siyang pagpadyak ko habang ngingiti-ngiti. Banayad lamang ang takbo ng bisikleta ko habang sinasabayan ang mga lakad ni Hunter na patingin-tingin sa paligid.

“Kinakausap ka pa rin ba ng Tope na iyon?”

Lumingon ako sa lalaki na ngayon ay nasa akin na ang atensiyon. “Uhm, oo naman. Siyempre ay kailangan kong makisama roon. Nagwo-work siya sa amin, e.”

Natahimik ito sandali kaya nagpatuloy ako sa ginagawa.

Masarap ang bawat hampas ng hangin sa mukha ko. Malilim naman ang daang tinatahak namin kaya hindi masakit sa balat ang sikat ng araw ngayong hapon.

“May bagong wanted ngayon, a. Nabalitaan ko,” saad ko nang maalala ang napanood ko kagabi na pugante. Milyones ang pabuya sa taong makakahuli roon kaya si Hunter agad ang naisip ko since iyon naman ang trabaho niya.

“Oo, inaasikaso na namin iyon,” tugon nito. Nilingon ko ito na nakapamulsa habang hindi inaalis sa akin ang tingin. “Huwag kang lalabas mamayang gabi, ha? Delikado sa kalsada. Pagsabihan mo rin ang kapatid mo. Lagi ko iyong nakikita sa bar nang hating-gabi.”

Napalabi ako sa huling sinabi nito. “Matigas na ang ulo ng kapatid ko. Kahit si Daddy ay hindi niyon pinakikinggan. Bahala siya kapag napahamak diyan.” Lagi na lang kasing inuman at gala ang iniintindi. Pati si Mommy ay nai-stress na. “Shems! May schedule pala ako tomorrow sa practice para sa school activity namin.”

Nagtungo ito sa harapan ko at hinawakan ang manibela gamit ang isang kamay upang pigilin ang bisikleta ko.

“Susunduin kita bukas, just to be safe. Delikado pa naman sa daan.”

“Sasakay ulit ako sa motor mo?” Nagningning bigla ang mga mata ko. Ibig sabihin lang niyon ay makakagala ulit kami kung saan-saan. Ang sarap pa naman sumakay sa motor, nililipad ang buhok ko sa ere.

“Gusto mo ba n’yon?” may ngiti sa mga labing tanong nito, kahit pa alam na niyang gustong-gusto ko roon. Halata naman sa mukha ko, e.

“Siyempre naman. Tara na nga!”

Pagdating namin sa bahay nila ay walang katao-tao. Iniwan na lang tuloy namin doon ang mga prutas at saka ako nakigamit ng banyo—epekto ng buko juice na ininom ko na kanina ko pa iniinda habang nagbi-bike.

Kinabukasan ay naging abala ako para sa huling school activity namin. Naatasan ako bilang leader ng grupo kaya nagseryoso naman ako upang maging maayos at maganda ang performance namin. Ilang weeks din ang naging preparasyon namin para rito. At bukas na kami huhusgahan ng mga hurado sa school.

Isang open area ang napili naming spot at tamang-tama iyon dahil walang ibang makakaistorbo. Ang lahat ay may ginagawa dahil ayokong may papetiks-petiks dito. Sayang lang at hindi ko naging kagrupo sina Thea at Gisselle. Pero okay lang dahil nariyan naman sina Lucy at Bea na kasama sa mga dancer.

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon