Kisses
Namutla ako nang may mapagtanto at agad na inilayo sa akin ang bata. “T-This is not my baby, Hunter.” Kanda iling ako at agad na napaluha nang balutin ng takot ang puso ko.
Nakatulog lang ako sandali matapos manganak, at may kinuha lang sa labas si Hunter. Saglit lang iyon, pero bakit ganito na?
“W-Where is my Huntress? Akin na ang baby ko!” tarantang sigaw ko na ikinagulat ng nurse sa gilid.
Inabot nito ang bata mula sa akin kaya dinaluhan ako ni Hunter. May mga sinabi pa ito ngunit lutang ang isip ko dahil sa matinding takot sa puso ko.
Nakita niya rin malamang ang hitsura ng baby namin kanina, kaya alam kong alam niya ang mukha niyon. Hinanap nila iyon ngunit bigong makita ang sanggol.
Dumating na rin ang family ko, kasama si Gisselle at Kuya Joseph na nakasuot pa ng uniporme niyang pampulis.
Iyak ako nang iyak dahil sa takot at pangamba kung nasaan na napunta ang anak ko. Kung sakali mang nagkapalit, dapat ay mamumukhaan namin iyon doon sa room ng mga bagong panganak na sanggol! Pero wala, e! Wala talaga doon ang anak namin! May tag naman sa ankle ng bata pero alam kong hindi ko anak iyon! Hindi siya si Huntress ko!
Nanginginig ang aking kalamnan nang maiuwi ako. In-assure kami ni Kuya Joseph na iti-trace ang pinagdalhan sa bunso ko, ngunit hindi pa rin ako mapakali.
I’m afraid. I’m afraid something bad might happen to her. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ang bunso ko.
“Please, Hunter! Find her, please!”
Ilang ulit na akong nagmakaawa sa lalaki. At laging tango lang ang sagot nito pero wala pa rin.
Ilang araw na ang lumipas at para na akong masisiraan ng bait kung sino ang kumuha ng anak ko, kung saan dinala at kung nakakadede ba iyon nang maayos.
Ang daming ideya na pumapasok sa isip ko. Papaano kung iniwan na lang iyon basta ng kumuha sa kaniya sa kalsada? Ipinamigay? Ibinenta?
Lalo pa akong nanghina at napaiyak nang ibalita sa amin ni Kuya Joseph na nahagip nga sa CCTV ng hospital na may kumuha sa room ng mga sanggol kay Huntress at pinalitan ng ibang bata. Bagong panganak din na bata na hindi ko alam kung saan nanggaling na ina. Nakasuot iyon ng damit pang-nurse, pero ang katotohanan ay nagpapanggap lang pala iyon. May suot iyong surgical mask kaya hindi makilala kung sino. Wala ring nakakaalam ng pangalan ng hayop na iyon.
Why did they let this happen?! Nagpupuyos ako sa galit sa hospital dahil sa kapabayaan nila.
Mabuti na lang at tinulungan kami ni Kuya Joseph na sampahan ng kaso ang namamahala sa hospital. Hinding-hindi ako papayag na ganoon-ganoon na lang iyon. Anak ko ang nawala sa akin, pati na ang karapatan ko na alagaan siya.
But despite everything we did, kung sino-sino na ang nilapitan namin at hiningian ng tulong, ni anino ng anak ko ay hindi nahagilap.
Nahuli man ang nagpanggap na nurse na kumuha sa anak ko at naipakulong, hindi na namin ma-trace kung saan na napunta ang bata. Dinala niya ang bata kung kaninong tao, at ang tao namang pinagbigyan niya ay ipinasa sa ibang tao ang bata. Ngayon ay hindi na nila ma-trace dahil ang huling tao na pinasahan nila ay hindi na mahagilap. Wala na.
Halos hindi na ako nakakatulog nang maayos gabi-gabi dahil laging lumilipad ang isip ko sa bunso ko.
Sobrang galit ang namumuo sa puso ko dahil parang bagay na ipinagpasa-pasahan nila ang batang dinala ko sa tiyan nang ilang buwan.
Tinanggalan nila ako ng karapatan na makasama ang anak ko. Tinanggalan nila ako ng karapatang sumaya, ng lakas, ng katinunan. Lahat iyon kinuha sa akin ng babaeng laspatangan na kumuha sa anak ko.

BINABASA MO ANG
The Deadly Hunter
General FictionMontehermoso Series 5 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Kisses Monday Montehermoso and Hunter Noah Saavedra WARNING: Mature content. Read at your own risk. October 8, 2021 - November 24, 2022