Kisses
“Who’s that, Kisses? Boyfriend mo?”
Tumigil ako sa paglalakad sa hallway ng school at nilingon ang schoolmates ko na sinusundan ako ng tingin.
Daglian kong inilingan ang babae na siyang nagsalita. “Hindi pa. Manliligaw pa lang . . .”
“Oh, really? May nanliligaw pa pala sa isip-batang tulad mo?” putol nito sa sinasabi ko, dahilan upang matigilan ako.
Who is she?
Pansin ko na kanina pa siya nakatingin sa akin simula nang ihatid ako sa gate ng school ni Hunter. Actually, sa ilang buwan na ginagawa iyon ni Hunter, lagi kong napapansin na naka-abang ang babaeng ito sa gate tuwing papasok ako. Pero ngayon lang ito naglakas ng loob na kausapin ako.
Pamilyar sa akin ang mukha nito ngunit hindi ko maalala dahil hindi ko naman kaklase. Ang taray ng tabas ng mukha.
“Ano naman ang pakialam mo kung nililigawan niya ako? You’re not relevant in my life, Miss. Excuse me,” sabi ko na lamang at ambang aalis ngunit humarang ito sa daraanan ko. Pati ang apat na kasama nito ay humarang, tuloy ay nakuha na namin ang buong atensiyon ng lahat ng estudyante na naririto sa hallway.
“No, not yet. Hindi naman kayo bagay, Kisses. Bakit mo hinahayaan na manligaw sa iyo ang lalaking iyon? Stay away from him,” talak pa nito kaya nangunot ang noo ko.
Interesado ba siya kay Hunter? Kaya palaging nag-aabang sa gate ng school?
“You like my sister’s suitor, kaya tinitira mo ang kapatid ko. How pathetic, Diana.”
Sabay-sabay kaming napalingon sa gilid nang lumitaw ang kapatid ko na suot-suot pa ang jacket nitong may sariling pangalan. Nakasuksok sa bulsa niyon ang mga kamay nang lapitan kami at tumabi sa akin, at saka matapang na hinarap ang babae sa harapan ko. Tinaasan nito ng kilay ang babae na tila lalong nainis sa pagdating ni Gisselle.
“Selle, tara na,” awat ko rito dahil nasa mukha nito ang panghahamon ng away. Naku, ayaw kong maparusahan.
“Bakit ka ba nangingialam dito, Gisselle? Ikaw ba ang kinakausap ko?”
“Grow up, girl. Bakit ba napakaselosa mo pa rin hanggang ngayon? Hindi ka naman papatulan ng manliligaw ng kapatid ko, kaya huwag mo nang tangkain pa na mang-agaw . . .”
“Selle, hayaan mo na iyan. Baka mapa-away ka pa,” pigil ko sa kapatid na gusto pa ata ng sakit sa katawan. Hindi ko alam kung ano ang isyu sa pagitan nilang dalawa at parang parehong masama ang loob sa isa’t isa.
“Huwag mong hahayaan na bastusin ka lang ng babaeng iyon sa susunod, Kisses. Masasapok ko na talaga iyon,” maangas na turan nito habang nasa classroom kami.
Pinalibutan kami nina Lucy, Bea at Althea na naintriga sa nangyari kanina sa hallway.
“Sino ba iyon, sis? Bigla na lang kasi akong kinausap kanina,” nagtatakang sambit ko, and at the same time ay naiinis dahil tinawag pa akong isip-bata ng babaeng iyon.
Umismid si Althea sa harapan ko at ikinumpas ang kamay. “Si Diana, KM! Naalala mo noong binoto si Gisselle para mag-represent ng school last few months para sa contest? Gusto ni Diana na siya ang sumali sa beauty and brain contest, pero mas gusto ng school si Gisselle. Besides, hindi naman qualified si Diana para sa ganoong contest. She has a poor comprehension and hindi rin maganda ang mga sagot niya kaya nanggagalaiti kasi mas bet ang kapatid mo. Pa-boyish lang kumilos itong si Gisselle pero magaling ito sa rampa at question and answer portion. Angat din ang beauty kaya bitter na bitter ang lola mo hanggang ngayon,” anito kaya natuptop ko ang bibig. “Alam mo naman na isa si Gisselle sa mga pride ng angkan natin. Mabuti nga at hindi pa nalalagutan ng hininga ang Diana na iyon sa sobrang nakamamatay na inggit.”
BINABASA MO ANG
The Deadly Hunter
Ficción GeneralMontehermoso Series 5 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Kisses Monday Montehermoso and Hunter Noah Saavedra WARNING: Mature content. Read at your own risk. October 8, 2021 - November 24, 2022