Kabanata 5

3.1K 95 14
                                    

Kisses

Nang maisuot ko ang uniporme ay nanahimik lamang ako roon sa sofa. Hindi ko pinansin ang mga pang-aasar nila sa akin.

Hindi ko alam, pero hanggang ngayon ay napakalakas ng tibok ng puso ko. Ang tigas ng katawan niya kanina, lalo na ang braso niya na mabato at kung buhatin ako ay tila isa lamang akong magaang bagay. Kung ganoon ay malalakas ang mga braso niya.

Lihim akong napapikit nang mariin at agad iyong iwinaksi sa isip.

Nabulabog lamang muli ang sistema ko nang bumaba si Hunter at dumeretso sa telebisyon nila. Binuhay niya iyon at saglit pang napasulyap sa akin bago nagtungo sa kusina.

Pansin ko na kahit nasa bahay ay todo sumbrero ang lalaking iyon. May poknat kaya siya? Laging itinatago ang ulo.

Ibinaling ko na lamang sa TV ang atensyon. May palabas doon na horror movie kaya na-engganyo kaming manood.

Mula sa sala ay naaamoy kong may niluluto roon na hapunan si Hunter. Amoy tinola. Tiyak na rito ako makikikain ngayong hapunan.

Nilinis at binalatan namin ang mga manggang nakuha habang nanonood. Kumain lamang kami nang kumain hanggang sa bahagyang dumilim ang paligid.

Nag-text na lamang ako kay Daddy upang ipaalam na male-late ako ng uwi. Pumayag naman ito basta tawagan ko lang daw siya kapag uuwi na ako. Tiyak na ipapasundo ako niyon sa driver ko.

Lumitaw mula sa kusina ang lalaki at pinagmasdan kami. “Huwag muna kayong umuwi. Kumain muna kayo rito,” anito na lihim kong ikinatuwa.

Agad akong tumayo dahil kanina pa ako natatakam kumain. Nagtawanan ang mga kaibigan ko sa pagtayo ko ngunit sumunod naman at tila takam na takam din sa bango ng ulam.

Pagdating namin sa kusina ay tama nga ako. Tinola iyon.

Walang imik ang lalaki habang nakain. Kami lamang ang maiingay dahil panay ang kuwentuhan habang nakain.

Hindi ko nga alam kung nabubuwisit na sa amin si Hunter, seryoso lamang kasi ang mukha nito at tila may sariling mundo.

Napailing-iling ako nang maalala na naman ang nangyari kanina. Ang awkward tuloy.

“Kuya Noah,” biglang pukaw ni Lucy sa lalaki na tuloy lamang sa pagkain. “Baka naghahanap ka ng taga-masahe riyan,” dagdag nito na siyang nagpalaki ng mga mata ko.

Muntik ko nang maibuga ang kinakain sa pagkagulat. Salubong ang mga kilay ko nang harapin si Lucy na ngingisi-ngisi sa akin.

“Bakit?” tanong ng lalaki at napasulyap sa akin dahil sa reaksiyon ko.

“Baka puwede mo raw kunin si Kisses bilang taga-masahe. Kailangan niya ng per—”

“Lucy!” agad na pigil ko at napatakip ng bibig. “Wala akong sinabing ganiyan!” Grr! Sabi niya ay hindi niya iyon sasabihin! Nagtawanan ang dalawa sa naging reaksiyon ko.

Tuloy ay napanguso ako lalo.

Awtomatiko akong dinagundong ng kaba nang tumigil sa pagkain ang lalaki at matiim akong pinagmasdan. Ilang segundo niya iyong ginawa bago ipagpatuloy muli ang pagkain.

Tuloy ay lihim kong sinamaan ng tingin ang dalawa na patawa-tawa sa tabi ko.

Nang matapos kami sa pagkain ay ang kuting naman ang pinakain ni Hunter. Nakamasid lamang ako sa ginagawa nito, pati sa pusa na napakaliit ng boses.

“Babae po iyan?” pagtatanong ko upang basagin ang nakakabinging katahimikan sa kusina. Iyon ang bagay na nakalimutan kong i-check sa pusa kaya naisipan kong itanong.

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon