Kabanata 11

2.4K 86 24
                                    

WARNING: ESPEGE! May makasalanang mga daliri. 🤞
May dagdag panggatong na naman ako sa impyerno.

Kisses

“Wala. Layuan mo at huwag mong hahayaan na ligawan ka ng ungas na iyon. Bawal ka pa . . .”

“Edi bawal,” sabi ko na lamang at ipinagpatuloy ang pagdiin ng kamay sa likod nito.

Mayamaya’y napunta ang mga daliri ko sa bandang braso nito at tumigil doon. Marahan kong hinaplos ang tattoo nito roon sa upper arm na umabot pala sa hanggang sa likod nito. Isa iyong ahas na tila ba handang umatake sa kalaban. Not only that, may mga kung ano-ano pa roon na disenyo na hindi ko naman maintindihan.

“Hunter, ano ito? May meaning ba ito?”

Ngayon ko lamang nakita nang maayos ang itinatago nitong tattoo. Maganda naman at bagay sa kaniya. Mas malala pa nga rito ang kay Uncle Steve. Nagkibit-balikat ako at inalis ang palad doon.

Napatingin ako sa lalaki nang lingunin ako nito nang bahagya. “Yes, it has. Hindi ko nga lang maaaring sabihin sa iyo,” aniya na ikinanguso ko. Ilang minuto ko pa itong minasahe bago ito bahagyang umahon.

“Pati harapan ko pa . . .”

A-Ano? Pati harapan? May ganoon ba?

Hilot na ata ang gusto nito at hindi lang masahe. “Huh? Ano naman ang sakit niyan? Pinasok ng lamig?” takang tanong ko at umalis sa pagkakapatong dito. Muntik pa akong matumba nang hilahin ako nito pagkatihaya nito. Tuloy ay naitukod ko ang kamay sa tiyan nitong may mga umbok. Ito ata ang sinasabi ng iba na pandesal sa hapon at gabi. “Huy! Ano ba? Matutumba ako.”

Ngumisi ito at hindi binitiwan ang kamay ko. “Umupo ka ulit. Imasahe mo pa ako,” turo nito sa dibdib at tiyan na nakabalandra sa paningin ko.

Alanganin ko itong tiningnan at napasulyap sa ibabang bahagi ng katawan niya. Doon niya ako nais paupuin at hindi na iyon tama. Iba na ang matatamaan ko roon.

“Ayoko nga,” mabilis na angal ko.

“Pinasok ng lamig ang tiyan ko. Hilutin mo nga, Kisses. I need your warm and soft hands,” tila paos niyang turan at bahagyang umupo sa kama at sumandal sa headboard. Nagpantay ang mga tingin namin nang hilahin niya ako paupo sa kaniya na ikinanigas ko.

“H-Hunter,” naiilang at kinakabahan kong turan ngunit wala itong reaksiyon.

Makaraan ay nagseryoso ang mukha nito at hinuli ang mga kamay kong nanginginig na. Ipinatong niya iyon sa dibdib niya na ikinanigas ko lalo.

“Gusto mong pakainin kita mamaya, hindi ba? Magluluto ako ng spicy seafoods. Malalaking shrimp at lobster, ayaw mo ba?”

Natigilan ako at natulala sa mukha nito. S-Spicy seafoods? At malalaking shrimp at lobster?

Dahan-dahan akong napalunok at agad na naglaway sa sinabi nito. “Seryoso ka, ’di ba?” paninigurado ko rito dahil baka binubudol lang ako nito.

Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi nito nang makita ang pagkatakam sa mukha ko. “Oo, bumili ako kaninang tanghali ng seafoods sa bayan.”

Natagpuan ko na lamang ang sarili na ganadong hinihilot ang harapang katawan nito. Tahimik lamang ito at hindi ako tinatantanan ng matiim na tingin kaya hinayaan ko na lamang.

Iniisip ko tuloy ang boodle fight namin palagi kapag umuuwi kami sa Iloilo, either kina Uncle Steve or Uncle Zach. Hindi mawawala sa hapag ang seafoods na may sawsawang maanghang.

“Kisses Monday,” marahang tawag nito sa pangalan ko. Halos mahigit ko ang hininga nang masuyo nitong hinaplos ang pisngi ko, dahilan para matigilan ako.

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon