Kisses
Umuwi rin kami nang mabayaran na ni Gisselle ang in-order niyang vanity table. Ide-deliver na lang daw iyon kinabukasan.
Sa bahay ay sumama ang dalawa kong kaibigan dahil nais pa akong maka-bonding. Walang katao-tao noong hapong iyon sa bahay kaya nagkuwentuhan lamang kami sa sala at ngumatngat ng kung ano-ano.
Sa dami ng chika ng dalawa ay inabot kami ng alas seis ng gabi, hindi pa rin matapos-tapos sa kuwentuhan. Pinatulog ko na rin ang bata dahil kanina pa inaantok. Samantalang si Gisselle at ang asawa’t anak niya ay namamahinga sa kuwarto.
Hanggang sa makauwi ang parents ko na kasa-kasama pala ang dalawang Hapon.
“Magandang gabi po, Tita, Tito, at sa inyo rin po!” magiliw na magkapanabay na bati ng dalawa. Sabay na sabay.
“Magandang gabi rin sa inyo, mga hija. Huwag muna kayong uuwi, ha? Dito na kayo mag-dinner.”
Ang inaakala ko na hindi magugustuhan ng dalawa ang mga pinsan ko ay hindi rin nangyari. Biglang natahimik ang mga babaita at nagsikuhan, ngingiti-ngiti nang pasimple.
Umalsa tuloy ang kilay ko. Akala ko ba ayaw nila ng masungit? Bakit kinikilig sila?
Actually, kaya ko nais ibugaw ang dalawa sa mga pinsan ko ay dahil baka pupuwede sila roon. Ni minsan kasi sa buhay ng mga lalaking iyon ay hindi pa sila nagkakaroon ng nobya dahil masiyadong c-in-areer ang pagiging suplado at ilag sa mga tao. Deep inside ay halata namang nahihiya sa mga babae na hindi nila kilala. Ayaw mag-first move, kahit halata naman na gusto nang magkapamilya. Pinagpapraktisan nga si Cypress, e.
At tulad ng inaasahan ko, naging ilag lalo sina Kuya Gabriel at George nang mapansin na may ibang tao sa bahay.
“Where’s Kristina?” baling sa akin ni Kuya Gabriel gamit ang mahina at seryosong tinig.
Inginuso ko naman ang itaas, sa kuwarto ko na ikinatango nito ng tipid.
Nang mawala sa paningin namin ang mga pinsan at magulang ko ay binalingan ko ang dalawa na parang kiti-kiti.
“Ang hot pala tingnan ng masusungit. By the way, ano name ng nakasalamin na iyon? Iyong nagtanong sa iyo,” ani Lucy na ikinahalakhak ko . . .
SA pagka-miss ko sa lugar na kinalakihan ay naglibot-libot ako. Tapos ko nang libutin at kumustahin ang mga alaga ko sa farm, at doon sa ilog, kaya naisipan kong gumala naman kasama ang mga kaibigan. Hindi ko na dinala ang paslit dahil nais ng magulang ko na maka-bonding na naman ang bata. Umalis na kasi ang pamilya ni Gisselle sa bahay dahil may pasok na sa trabaho ang asawa niya bilang pulis.
“Marunong ka na pala mag-drive? New car mo?” Nagningning ang mga mata ni Lucy nang makitang may dala akong kotse. Puti iyon at bagong-bago dahil ngayon ko pa lang gagamitin.
“Yeah, pinag-aral ako ng driving ng mga pinsan ko noon. Kaya nang makaipon ako, bumili agad ako nito,” ngingiti-ngiti kong turan.
Hindi pa ako nakakabili ng sariling bahay dahil malulungkot sina Mommy at Daddy kapag tuluyan na kaming bumukod ni Cypress. Sa ngayon ay nais nila na laging nakakasama sa bahay ang paslit, para naman may kasiyahan sila roon.
“So, ano? Saan tayo?” baling sa akin ni Bea matapos sipatin ang kotse ko.
Dito ko sila sinundo sa lungga ni Lucy, and as usual, nasa trabaho na naman ang ama ni Lucy kaya hindi ko makita.
“Saan pa ba? Edi roon sa lugar kung saan tayo noon huling nagkasama!” excited na turan ni Lucy kaya nangunot ang noo ko.
“Bakit naman doon? Gusto mo bang magpakalasing? Kasi ako, ayoko na.” Kanda iling ako sa pagtutol.

BINABASA MO ANG
The Deadly Hunter
General FictionMontehermoso Series 5 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Kisses Monday Montehermoso and Hunter Noah Saavedra WARNING: Mature content. Read at your own risk. October 8, 2021 - November 24, 2022