Wakas

3.3K 94 12
                                    

Hunter

I never thought na darating ang araw na may makikilala akong babae na makakapukaw ng atensiyon ko. That one girl who is very bubbly, innocent, and has childlike features. Malayong-malayo sa isang tulad ko na nabuhay sa mundo ng karahasan.

Hindi sumagi sa isip ko noong mga panahon na iyon na may magpapatibok ng puso ko sa kakaibang paraan. Ang alam ko lang ay nagpapahinga ako nang hapong iyon matapos maghanap ng taong may patong na pera sa ulo. Wala akong intensiyon na umibig pa dahil trabaho ang priority ko. Hunting fugitive is what I do for a living, it’s my life since I was twenty. Pero bakit parang ako naman ngayon ang hina-hunting? Why is my heart beating like this?

I can still clearly remember that one afternoon when I first met Kisses. Wala akong ideya na magdadala pala ng kaibigan ang pinsan kong si Lucy sa bahay.

Abala ko sa pinapanood nang marinig ko ang kalampag sa gate, followed by a soft and sweet voice.

“Lucy! Lucy Saaved—ay!”

Sino naman itong mga ito?

“Sino kayo?”

Naghilahan ang mga ito, hanggang sa maiharap sa akin ang babaeng nagmamay-ari ng boses kanina. Sandali akong natigilan at napatitig sa mukha nito. Hindi lang pala boses niya ang maganda, pati tabas ng mukha niya ay kaakit-akit. Maputi ito, hindi masiyadong katangkaran, at tama lang din ang kapayatan ng katawan.

But what really caught my attention was her face. Ang gaganda ng pares ng mga mata nito na namimilog, parang mata ng manika na nakikita ko. Her eyebrows are as perfect as she is. May korte iyon at katamtaman lang ang kapal. Ang ilong nito ay tama lang din ang tangos, and, oh, damn her lips. Singpula iyon ng rosas. She really looks like a doll, a beautiful doll.

Kanino bang anak ito? Mukhang anak ng mayaman, base pa lang sa hitsura nito at gamit. Dapat hindi pinalalabas ito nang walang kasamang mas nakatatanda.

“Sino kayo?” pag-uulit ko ng tanong.

“S-Si Lucy ho ba ay nariyan? Kami po ang mga kaibigan niya at kaklase. Nagsabi po kasi siya na puntahan namin siya rito at bibigyan niya kami ng mga bulaklak na tanim.” Magalang din na babae.

Nang pagbuksan ko sila ay nauna na ako sa loob. Nakakapanghina ng loob ang taglay na ganda ng babaeng iyon.

Bumalik ako sa panonood ngunit wala na roon ang buong atensiyon ko. Nililipad na kung saan.

“Baka mali itong bahay na napasukan natin. Baka mamaya pa ay gawan tayo ng krimen ng lalaking iyon,” dinig kong wika ng manika kaya halos gusto kong matawa.

Really? Ganoon na ba talaga ako kasama tingnan?

Nang dumating si Lucy ay pinaakyat ako nito sa taas. Nais ko pa sana na mapagmasdan nang matagal ang babae pero alam kong hindi magiging komportable ang bonding nila kung naroon ako.

Walang imik akong naupo sa tabi nang makaakyat ako ng hagdan. Nais ko lang marinig ang usapan nila, hindi naman nila ako makikita rito.

Wala sa sariling napangiti ako. Mukhang nagustuhan niya ang kuting ko.

“Kisses, hindi ka pa ba hahanapin sa inyo? Tambay muna tayo rito kahit ilang oras lang.”

“Hindi naman. Nagpaalam naman ako nang maayos sa parents ko kaya walang problema.”

Ang lambing talaga ng boses nito. Ang hinahon.

“Mabuti talaga pinapayagan ka ng parents mo na lumabas-labas, ano? ’Yong ibang mga anak ng mayayaman ay hindi makalabas nang walang bantay.”

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon