Kisses
Galit nga ito at hindi maganda ang mood.
Nanlalata tuloy ako nang makapasok sa room. Busy ang kapatid ko sa pagre-review habang pangiti-ngiti kaya hinayaan ko na. Maganda siguro ang nangyari sa kanila ng asawa niya.
Dumukdok ako sa armchair at napahinga nang malalim. Mabuti pa siya, masaya ngayon. Samantalang ako, problemado.
“Kiss, patingin-tingin si Diana rito, o. Daan nang daan, parang tanga.”
Hindi ko pinansin si Bea na kinakalabit ako. Wala naman akong interes sa Diana na iyon.
“Parang tanga nga. Sino na naman kaya ang pinagseselosan niyon dito?” Si Lucy na biglang nairita.
“Si Kisses ata. Dito banda natingin, e. Pogi kasi ng pinsan mo, be!”
“Hay nako! Tigil-tigilan niya nga ang pinsan ko, ha! KissNoah lang ang isi-ship ko forever!”
Mariin kong ipinikit ang mga mata.
Nang sumapit ang uwian ay wala pa rin akong kagana-gana. Nagyaya pa ng libreng meryenda si Gisselle sa SeLeanne kasama ang friends niya at friends ko, pero hindi ko pa rin magawang ngumiti.
“Sarap ng bagong tinapay, Selle. Favorite ko pa naman ang ube,” dinig kong usal ni Jasmine na friend ni Gisselle.
Tatango-tango naman ang buntis na si Thea na panay ang kain. Naglilihi ata sa tinapay na may palamang ube.
“Yep, mabili nga iyon ngayon dahil bago,” anang kapatid ko.
May bago kasing labas na tinapay rito sa SeLeanne. Ube ang palaman sa loob na may cheese. Masarap naman iyon, kaso hindi ko halos pansinin dahil nais ko lamang tanawin ang paligid. Sabaw ang utak ko ngayon.
“Hala! Si Hunter, Kiss!” gulat na bulalas ni Lucy na kalaunan ay kinilig. Inalog-alog ako nito ngunit hindi ko pa rin magawang ngumiti man lang.
Nang tangkain kong sulyapan ay nakita kong papasok din sa SeLeanne ang lalaki na kabababa lang ng motor. Suot nito ang sumbrerong itim at seryoso ang tabas ng mukha.
Nasa akin na agad ang mga mata nito kaya daglian akong nag-iwas, ni hindi ko na tinangka pang tapunan itong muli ng tingin.
“Mukhang may away ata,” bulong ni Bea kay Lucy na nakikiramdam.
Nagpanggap lang ako na bingi dahil sa lakas ng kabog ng puso ko.
“Kisses.”
Imbes na pansinin ni Hunter ang mga kasama ko ay sa akin nito itinutok ang atensiyon.
“Ihahatid na kita pauwi,” aniya pa na ikinatikhim ko.
“Si Dad ang susundo sa akin,” salat sa emosiyon kong tugon at hindi na muling ibinuka ang bibig.
“Then kumain na lang tayo sandali bago pa dumating ang papa mo,” pangungulit pa nito na ikinalapat nang mariin ng mga labi ko.
Hindi ko na tinangka pang sumagot. Ni hindi ko pinansin kahit pa nakatayo ito sa gilid ko habang hinihintay ang tugon ko.
Nakaramdam ata ang kapatid ko dahil tiningala nito si Hunter at nginisian.
“You can’t be with Kisses, Saavedra. I’m sorry pero hindi na puwede, and that’s my Dad’s order.”
Sukat ay napaangat ako ng tingin kay Gisselle. Lahat kami ay napatanga sa kaniya. Para akong pinanlamigan ng katawan sa narinig at napaawang ang bibig.
N-Nag-usap na ba sila ni Dad? Ano ang nalaman ng aking ama kaya nagkakaganoon siya kay Hunter? Samantalang noong nakaraan lang, nang araw na dalhin ako ni Hunter sa bahay niya ay nag-uusap pa sila nang matiwasay.
BINABASA MO ANG
The Deadly Hunter
General FictionMontehermoso Series 5 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Kisses Monday Montehermoso and Hunter Noah Saavedra WARNING: Mature content. Read at your own risk. October 8, 2021 - November 24, 2022