Kabanata 24

1.7K 65 18
                                    

Kisses

KASABAY ng paglaho ko sa Pilipinas ay ang paglaho rin ng aking social media accounts. Para akong bula na naglaho roon nang walang pasabi sa mga kaibigan at ibang kakilala.

Malamang ay masama ang loob sa akin nina Lucy at Bea. Hindi ko naman sila masisisi, kaya ipinangako ko na oras na makauwi ako roon ay babawi ako.

Napailing-iling tuloy ako sa sarili.

Hoy! Tingnan mo sina Josephina at Cypress, o! Ka-cute!

Itinutok ni Gisselle ang camera sa dalawang bata na hindi nalalayo ang edad sa isa’t isa. Napangiti tuloy ako nang wagas nang masilayan ang dalawang paslit. Si Josephina na isang taon mahigit na, at si Cypress na mag-eeksaktong isang taon na ngayong buwan.

Nasa bahay ng parents namin ang sister ko, kasama ang anak nito at asawa upang malibang sa dalawang paslit. Ngingiti-ngiti naman sina Mommy at Daddy dahil tuwang-tuwa sa dalawang paslit na parehong babae.

“Ang bilis nila lumaki, ano? Parang kailan lang. Ngayon ay gumagapang na at panay ang bungisngis,” puna ko habang tuwang-tuwa na nakatingin sa dalawang paslit. Ngiti lang ang itinugon sa akin ng kapatid ko na ganoon pa rin, hindi man lang tumaba noong magbuntis hanggang ngayon. “Oh! May mga binili pala akong mga bestida para sa kanila. Super cute, sis!” kuwento ko nang maalala iyong mga pinamili ko para sa mga bata.

Terno iyon kaya nae-excite akong ipasuot sa dalawang paslit.

Really? Can I see?” anito at ibinalik na sa mukha ang camera.

“Nakasilid na sa bagahe, e. Saka na lang pag-uwi ko.” Hindi pa rin mapuknat ang mga ngiti ko sa labi.

Nabuburyong na ako rito pero kahit papaano ay excited na akong makabalik sa pamilya ko makalipas ang isang taon mahigit. At least ngayon ay may kasiguraduhan na ako na makakauwi ako, hindi katulad noon na nangangapa pa ako sa lahat ng bagay.  Hanggang third year college lang ang itatagal ko rito dahil nais kong ipagpatuloy ang pag-aaral sa dati kong school, para sabay kaming ga-graduate ni Gisselle sa iisang school lang din.

Isa pa, magbi-birthday si Cypress ngayong week kaya kailangan ay naroon ako.

Oo nga pala. Libre mo ako pag-uwi mo rito, a? Maraming fries at ice cream!

Napasimangot ako sa narinig at inismiran ito. “Ako pa talaga ang manlilibre? Ikaw itong mayaman dito, e!” reklamo ko.

Nagbelat ito sa akin bago ibigay kay Mommy ang hawak na phone para hindi na ako makaangal pa. Loko talaga iyong babaeng iyon.

“Mommy!” Lumapad ang ngiti ng aking ina nang marinig ang tinis ng boses ko.
“Pasaway po ba masiyado si Cypress?” dagdag ko.

Agad itong umiling nang nakangiti. “Hindi naman. Miss ka na niya, kaya dalian mo na ang pag-uwi rito. Pati si Josephina ay hinahanap ka.

“Oo na, My. Basta susulpot na lang kami riyan. Ha-ha!”

Kasama mo ba sa pag-uwi ang mga pinsan mo?

Sa sinabi nito ay napalingon ako sa dalawang bugnutin sa harapan ko na abala sa pagce-cellphone. Itinutok ko roon ang camera at humalakhak. “Uy, smile naman!” tudyo ko sa dalawa na ngumiti naman, tipid nga lang.

Mabait naman ito at nakikisama—minsan, istrikto lang talaga. Isang tingin pa lang sa akin, tiklop na agad ako. Lalo na kapag may mga kaklase ako noong iba-iba ang lahi na nagpaparamdam sa akin ng pagkagusto. Hatid-sundo ako ng sarili kong driver na hindi rin namamansin, takot din doon ang schoolmates ko. Mayroon ding ilang bodyguards kaya kahit minsan ay hindi ko naranasan at magawa-gawa dito ang mga nagagawa ko roon sa Pilipinas. Mas mahigpit pa sila kaysa sa Daddy ko.

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon