Kabanata 18

2.3K 67 8
                                    

Kisses

Hilaw akong ngumiti kay Daddy bago paupuin si Hunter sa couch at tumabi rito, na siya namang ikinagulat ng parents ko. Si Gisselle ay naupo sa tabi ni Mom na nakamasid lamang sa amin.

“A-Ah, si Hunter po. Isang dato . . .”

“What’s this? Mukha ba akong nakikipagbiruan sa iyo, Kisses?”

Kumunot lalo ang noo ni Dad sa amin kaya marahang pinisil ni Hunter ang kamay kong pasimple niyang hinawakan.

“Forget the dato, Sir. Narito ho ako para pormal na magpakilala at manligaw sa anak ho ninyong si Kisses. Ako ho si Hunter . . .”

Ho? Puro ho. Ho! Ho! Ho!

Bumaha ng katahimikan sa pagitan namin. Ilang segundo iyon, napakurap-kurap ako, bago maunang makahuma ang aking ama na nabalot ng matinding pagtataka.

“W-What? Ligaw agad? Kailan pa ba kayo nagkakilala ng anak ko? What the fuck?” namamanghang anito bago sila magkatinginan ni Mommy.

Napayuko na lamang ako at hinayaan si Hunter. Kung aamin ako sa totoong nangyari, tiyak na magagalit sila. Na kahit wala pa kaming label ni Hunter, may nangyari na sa aming kababalaghan.

Nagkatinginan kami saglit ng kapatid ko na nginisian pa talaga ako upang pakabahin lalo.

Nawala lamang ang atensiyon ko rito nang manggalaiti bigla ang mukha ng ama ko.

“Kisses and Gisselle, go back to your room and do not go out until I say so,” mariing utos ng aking ama. Nagkatinginan tuloy kami ni Hunter na nanatiling matatag, samantalang ako ay nanlalambot na sa kaba. Tumango ito at binigyan ako ng tipid na ngiti kaya naman agad akong humabol sa kapatid ko na umaakyat na ng hagdan.

Pagdating sa itaas ay sumama pa ako sa kuwarto ng kapatid ko na isang matalim na tingin agad ang ibinato sa akin. Napatigil tuloy ako sa ambang paghiga sa kama nito na maayos na maayos.

“Why are you here?”

“Eto naman. Parang hindi tayo magkapatid, a.” Lagi na lang mainit ang ulo sa akin.

Napanguso ako nang hindi ito sumagot. Naupo na lang ako sa tabi ng malaking glass window nito at inilabas ang phone upang makausap ang mga kaibigan.

Lucy: Punta kayo sa amin. Birthday ng Papa ko!

Me: What time ba? Not available right now.

Bea: Hindi rin ako puwede ngayong umaga. Hapon puwede pa.

Lucy: Okay, sige. Hapon na lang kayo pumunta. Hindi pa kasi kami tapos sa pagluluto. @KissesMontehermoso, sama mo kapatid mo, ah.

Nag-angat ako ng tingin sa kapatid ko na naabutan kong gumagawa ng schoolwork matapos mabasa ang mensahe ni Lucy. 

“Gusto mong sumama sa handaan? Birthday ng Papa ni Lucy.”

Inaantok ako nitong nilingon at kumunot ang noo.

“Tinatamad akong umalis at may gagawin pa ako,” tipid nitong tugon at humikab.

Napatayo tuloy ako. “Sige na, Selle. Sama ka na. Papa naman ni Lucy iyon, e.”

“Anong oras ba? May interrogation pang nangyayari between Dad and your suitor sa ibaba, a.”

Nakakita ako bigla ng pag-asa nang tanungin nito kung anong oras. “Hapon, Selle. Sama ka, ha? Sakay tayo sa car mong maganda,” ngingiti-ngiti kong sambit kahit na wala itong naging reaksiyon sa sinabi ko. Ibinalik lang nito ang atensiyon sa ginagawa.

Tuloy ay napangiti ako lalo. Yes!

Agad akong nag-reply sa group chat namin bago ako lumabas ng room para manilip ng mga kaganapan sa ibaba.

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon