Kabanata 27

2K 61 16
                                    

Kisses

“Happy birthday, Kristina Cypress!”

Sabay-sabay ang naging pagbati namin habang buhat ni Hunter ang bata. And as usual, walang reaksiyon ang bata.

Ako na ang nag-ihip sa cake na may kalakihan, saka napangiti sa tuwa. Nagpalakpakan ang aking pamilya, tuwang-tuwa lalo na sina Mommy at Daddy. Tanging sina Mommy, Daddy at pamilya ni Gisselle lang ang kasama namin. Siyempre, hindi rin mawawala ang dalawa kong kaibigan.

Nang balingan ko ang paslit ay lalo akong napangiti. Nakakatuwang isipin na napakabilis lumipas ng panahon, lumalaki na lalo ang aking baby girl.

“Yehey!” tuwang sambit ko at agad na humiwa ng cake. Nilantakan ko iyon at inabala ang sarili sa pagkain.

Nilapitan ko si Gisselle na kain na nang kain sa gilid habang kalong ang anak. Lumapad ang mga ngiti ko rito at agad itong tinabihan. “Tiyak na magiging friends ang mga anak natin paglaki nila,” excited kong turan na ikinatigil nito sa pagkain.

“As if Josephina had a choice,” ismid niyang biro na ikinasimangot ko.

Sarap batukan. Tsk.

“Sungit mo, e, nakikikain ka naman sa handa ng anak ko.”

Hindi pa rin ito nagpatinag at pabiro pa akong inirapan. “Tsupi. Busy ako.”

Inismiran ko ito at ipinagpatuloy ang pagkain. Inunat ko ang mga binti nang makaramdam ng pangangalay niyon. Mula umaga kasi hanggang hapon ay nagluto kami ng handa. First time kong makitulong sa pagluluto dahil inspired na inspired ako. Samantalang noon ay tagakain lang ako sa mga handaan dito sa bahay.

Si Hunter ay nagdala ng fried chicken with special gravy na siya pa ang may gawa dahil request ko. Ang sarap niya kasi talaga magluto. Nakakainggit dahil wala man lang ako masiyadong alam pagdating sa pagluluto.

“Kisses,” pukaw sa akin ni Mister Guevarra na ikinaangat namin ng tingin pareho ni Gisselle.

Nang mag-abot ito ng naka-paperbag na regalo ay kunwari pa akong nagulat. Kanina ko pa iyon minamatahan at nacu-curious ako kung ano ang regalo niya para kay Cypress.

“Thank you, Kuya Joseph! The best ka talaga!” tuwang-tuwang sambit ko pagkabukas ng paperbag.

Isang ternong bestida na kulay pula na may kasama pang hikaw. Hikaw na pearl ang disenyo at kulay puti. Para sa amin iyon ni Cypress kaya excited akong isuot.

“No problem,” kiming anito at itinuloy na ang pagkain.

Tuwang-tuwa tuloy ako nang mailagay ang paperbag sa lamesa na lalagyan ng mga regalo para sa may birthday.

Sunod kong binalingan si Hunter na nakaupo sa gilid at kumakain. Wala na sa kaniya ang bata at na kay Daddy na.

“Pupunta pa ba ang family mo ngayon?” pukaw ko rito nang maalala kung anong oras na.

Ang sabi niya kasi ay pupunta iyon, pero nang malamang nandito si Kuya Joseph na pulis, biglang parang nag-alinlangan.

Umiling ang lalaki at bumuntong hininga. “Hindi na raw talaga pupunta ang mga iyon. Ewan ko kung nasaan na namang lugar ang mga iyon namamalagi,” iiling-iling na aniya at napasulyap sa asawa ni Gisselle.

Napangiti na lang tuloy ako nang malungkot. Gets ko na. Alam kasi nilang ilegal ang trabaho nila, at ang awkward kung magkakadaupang-palad sila ng isang pulis dito sa Zambales.

SA SUMUNOD na buwan ay nangyari ang kasalan. Naging ganap na ang pagiging Mrs. Saavedra ko. Civil wedding ang pinili namin dahil hindi ko rin naman gusto na maging engrande pa at pahabain. Noong araw rin na iyon ay na-meet namin sa unang pagkakataon ang family ni Hunter. Familiar na ako sa hitsura ng mga kapatid niya at pinsan. Tanging ang mga magulang na lang niya ang na-meet ko sa unang pagkakataon.

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon