Kabanata 7

2.3K 85 27
                                    

Kisses

Araw ng Lunes ay iginugol na naman namin ang oras sa pag-aaral. Gusto ko pa sanang makipagbiruan sa kapatid ko pero mukhang seryoso ito sa buhay at hindi puwedeng guluhin.

Pero nang mag-lunch ay nilambing-lambing ko ito para makahingi ng pera.

“Letse! Tantanan mo na nga ako!” gigil nitong anas at mariing binaklas ang mga kamay ko sa braso niya. “Magtrabaho ka kasing kupal ka. Puro ka asa at hingi, e,” nababanas na anito habang dumudukot ng pera.

Napanguso tuloy ako habang naghihintay. “Huwag mo namang pagdamutan ang sister mo. Parang hindi kapamilya, a,” pangongonsensiya ko rito at lihim na napangiti nang makitang dumukot ito ng tatlong libo.

Padabog niya iyong ibinigay sa akin at saka inis na isinukbit ang bag sa balikat. “Kapatid nga kita pero buwisit ka sa buhay ko minsan. Kung marunong ka lang kumita ng pera ay hindi ka magiging mukhang kawawa tingnan ngayon,” inis na inis nitong sambit na lalo kong ikinanguso.

“Hayaan mo, kapag nagkaroon na ako ng negosyo ay ikaw naman ang ililibre k—”

Agad ako nitong pinutol. “Haist, Kisses! Tigilan mo na nga ako at baka matadyakan kita sa noo,” iritadong anito at iniwan ako roon.

Mabilis ko itong hinabol upang magpasalamat. Hindi ako nito pinansin na ikinakibit-balikat ko lang. At least may pambili na ako ng burger.

Tinungo ko ang canteen upang hanapin ang dalawa. Nakita ko pa roon si Gisselle na umo-order ng makakain kaya nagtungo ako sa likod nito upang makadagit ng pagkain.

“Ehem! Hindi ka kakain sa shop mo, twinnie?”

Bagot ako nitong nilingon at agad na inismiran. “Hindi, at wala ka nang pakialam doon, Lunes.”

Tinaasan ko ito ng kilay at napapaypay pa ng mukha. “Gosh! It should be Friday, I hate Monday,” arte ko na hindi naman nito pinansin. Napanguso na lamang ako at dumikit lalo rito para makalibre. “Ano ang bibilhin mo, sis?” tanong ko matapos nitong dumukot ng pera.

“Kunwari ka pa. Gusto mo lang magpalibre ng pagkain,” blangkong anito at um-order ng dalawang rice at ulam.

Napangiti ako dahil doon. Hindi naman ito maramihan kumain kaya tiyak na akin ang isa. “Salamat, Leanne. Ang bait mo talaga sa akin. Mahal na mahal mo talaga ako, ano?” lambing ko rito matapos nitong ibigay sa akin ang isang plate.

Hindi na naman ako nito pinansin kaya naupo na lamang ako sa table nina Lucy at Bea.

“Si Kisses lang ang kilala kong anak ng mayaman pero walang pera,” puna ni Lucy na nginisian ko lang, kahit pa nai-stress ako sa kaalamang wala akong pera. Mabuti na lang talaga at binigyan ako ng pera ng kapatid ko, nakalibre pa ako ng pagkain.

Nilantakan ko iyon at nang mabusog ay ganado na ulit. Nilingon ko ang kapatid ko na tapos na ring kumain at tulala na lamang sa kawalan. Nilapitan ko ito at naupo sa tapat nito.

Dinukot ko ang keychain na nabili ko noong nakaraan at inabot dito na ikinatingin nito roon. “Pasasalamat ko sa iyo kasi binigyan mo ako ng pera,” ngingiti-ngiti kong turan na ikinatigil nito.

Ilang saglit niya pa iyong pinagmasdan bago kunin. “Ang cute naman nito. Salamat.”

Ang hinahon ng boses. Bihira lang ang ganitong side niya...

“Ganito na lang kasi ang gawin mo, Kisses. Kapag malapit na siya, abutin mo agad at halikan! Hindi naman iyon papalag!” pangungulit sa akin ni Lucy na kanina ko pa sinisimangutan.

“Ayoko nga! Pagagalitan ako ng Dad ko kapag nalaman niya na gumagawa ako ng kalokohan sa ibang tao.”

Humalukipkip ito at napahinga nang malalim na tila suko na. “Edi sige, bahala ka. Pero huwag ka nang umasa pa na kakausapin ka pa niyon. Naku, kanina ngang umaga ay masama na ang mukha niyon. Parang bubuga ng apoy,” pananakot pa nito na ikinanguso ko na.

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon