Kabanata 10

2.4K 87 25
                                    

Kisses

Nagmartsa ito palabas ng mall kaya agad kaming sumunod. Binuksan nito ang likod ng sasakyan at hinayaan si Hunter na ipasok sa compartment ng sasakyan ang ilang plastik ng pinamiling grocery. Bago nito iyon isara ay kinalkal ko pa upang hanapin ang isang balot ng chocolate drinks ko.

Nang makuha ay masaya akong pumasok sa loob ng sasakyan at agad iyong binuksan. Hinintay ko si Selle na kinausap saglit ang lalaki bago ito pumasok.

“It’s already five o’clock. Kakain muna tayo sa restaurant bago umuwi,” imporma nito na ikinalaki ng mga mata ko.

Binitiwan ko ang straw at napa-yehey sa tuwa. Nang buhayin nito ang makina ng sasakyan ay nilingon ako nito.

Kita ko kung paano ako nito taasan ng kilay. “Gusto mo ngayon pa lang i-umpog na kita sa dashboard?”

“Ay!” bulalas ko nang makalimutan ang seatbelt na ikabit.

Ilang minuto lang naman ang nagdaan bago kami makasumpong ng restaurant. Ipinarada nito ang sasakyan sa gilid at hinayaang bukas ang makina para sa pusa na hanggang ngayon ay tulog sa kabusugan.

Magkatabi kami ni Hunter sa upuan habang ang babae ay nasa harapan ko lang. May ka-text ito sa phone kaya ipinatong ko ang mga kamay sa table at ngumiti kay Hunter na nakatingin na naman sa akin.

Napaisip pa ito sandali bago dukutin ang kung ano sa bulsa nito. Napangiti ako nang makitang panyo ko iyon na kulay peach na nakalimutan ko sa bahay ni Lucy. Naku!

“Salamat, Hunter. Maraming salamat,” wika ko rito. Tumango lamang ito at ngumiti nang tipid, saka nag-iwas.

Nang walang magawa habang naghihintay ng in-order namin ay kumapit ako sa braso nito at dinama ang muscles nito.

Kita ko pa ang pag-angat ng tingin sa amin ng kapatid ko at nasusukang umirap.

“Ano’ng ginagawa mo sa braso ko? Hindi naman iyan stuffed toy para panggigilan mo,” anang lalaki ngunit hindi naman binaklas ang mga kamay ko sa braso niya.

“Dinadama ko, siyempre. Ang laki at tigas, e.” Pinagmasdan ko ang braso nito at napansin ang tattoo nito sa upper arm. Hindi naman iyon kalakihan at para bang logo ng kung ano. Hindi ko na ini-angat pa iyon nang tuluyan nang alisin nito ang kamay ko sa banda roon.

“Aware ka ba sa ginagawa mo, Kisses?” Nagseryoso ang mukha nito na ikinatigil ko. Mabilis akong napabitiw sa braso nito at nanahimik sa kinauupuan, takot na baka magalit na naman ito sa akin.

Sa harap ko ay si Gisselle na itinigil ang pagtitipa sa phone at nangalumbaba. “May gusto ba kayo sa isa’t isa?” aniya ngunit walang nagtangkang sumagot. Marahan kong kinagat ang ibabang labi at bahagyang kinabahan. Ano na naman kaya ang iniisip nito? Makaraan ang ilang sandali na paghahari ng katahimikan ay mahina itong humalakhak. “Ah, so, wala? Puwede ko pala ibenta itong si Kisses sa lalaking kausap ko ngayon. He likes you, Kisses,” ngising dagdag nito at ipinakita sa akin ang litrato ng kausap daw nitong lalaki. Pati si Hunter ay nakisilip.

Namilog ang mga mata ko nang mamukhaan ang lalaking nasa litrato. Isa iyon sa mga anak ng trabahador sa amin na palaging nasa farm namin. “H-Huy, seryoso ka riyan?” maang kong tanong dito matapos nitong alisin sa harap ko ang phone.

“Uh-um. Matagal ka nang crush nito. Hindi lang makalapit kasi takot kay Dad. Ngayon ay nag-chat siya sa akin at kinukumusta ka,” mapanuya nitong turan na ikinasandal ko sa sandalan ng kinauupuan.

“Sino naman ang isang iyan?” sabat ng katabi ko na masama ang tingin sa nilalaro nitong tissue.

Sabay namin itong nilingon. Tumawa pa nang pang-asar ang kapatid ko at humalukipkip.
“Bakit ko naman sasabihin sa iyo? Hindi mo naman gusto ang kapatid ko, so dapat wala kang pake,” mapang-asar na turan ng kapatid ko na halatang gustong sagarin ang pasensiya ng lalaki.

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon