Kisses
“Kisses anak, samahan mo naman ako sa palengke, please,” anang Mommy na ikinatigil ko sa pagsusulat sa papel. Agad kong binitiwan ang pen at tumayo. Hindi na ako nagpalit pa ng damit dahil kaliligo ko lamang.
“Okie dokie. Let’s go!” Isinuot ko ang sandals kong ankle strap bago tumakbo upang sumunod sa aking ina na nauna na sa labas. Pagsakay ko sa kotse ay naroon na ang aking ina’t ama, saka si Ate Melda.
Napangiti ako nang umandar ang sasakyan. Malapit na ring dumilim ang paligid, tiyak na mag-e-enjoy na naman ako sa pamamalengke.
Pagdating namin sa bayan ay medyo marami-rami na rin ang mga namimili. Tumalon ako pababa ng sasakyan bago kumapit sa braso ni Dad para sa proteksiyon.
Ngunit nanlaki bigla ang mga mata ko nang makitang may bagong bukas doon na bilihan ng ice cream. Wow!
Agad kong kinuha ang atensiyon ng ama ko na ikinababa nito ng tingin sa akin.
“Father, father,” tawag ko rito na ikinahalakhak nito. Itinuro ko ang bilihan ng ice cream bago ito hinila papunta roon.Wala itong nagawa kundi ang mapailing-iling.
“Isa pong chocolate na ice cream, Sir,” agad na sambit ko habang dumudukot ng pera si Dad. Nang makakuha ng pera ay inilapag ko iyon at saka nakangiting pinagmasdan kung papaano ito maglagay ng ice cream sa cup.
“Si Kisses dalaga na, pero ang kilos ay parang noong kinse anyos pa lang siya,” dinig kong sambit ng aking ina na hindi ko pinansin.
Matapos iabot sa akin ang binili ko ay natigilan ako sa malalim na boses na bigla na lang sumulpot.
“Isa rin sa akin, pre.”
Kung hindi ko lang napigilan ang bibig ko, tiyak na malilintikan ako kay Daddy kapag nagkataon.
Natulala ako habang nakatingala sa lalaking diretso ang tingin sa mga mata ko habang nakayuko sa akin.
Ano kaya ang ginagawa niya rito? Pansin ko pa na may mga bitbit itong pagkain ng pusa niya. Oh...
Ngumiti na lamang ako rito nang palihim bago tumalon pababa mula sa pagkakatungtong sa sementadong tapakan. Agad akong kumapit sa ama ko na seryoso ang mukha habang sinusuri si Hunter na agad tumalikod.
“Kilala mo ba iyon? Bakit ganoon iyon kung makatingin sa iyo?” nangungunot na noong tanong ni Dad na lihim kong ikinatigil. Umiling lamang ako rito, kahit pa bahagya akong kinabahan sa reaksiyon nito. Naku! Napaka-istrikto talaga. “E, sino naman ang taong nanglibre sa iyo ng mga pagkain ng hayop noong nakaraan?” usisa pa nito nang maalala iyon.
Tiningala ko ito bago hilaw na natawa.
“Secret.”Agad na naningkit ang mga mata nito.
“Anong secret, Kisses? Huwag mo akong loko-lokohin dito at hindi ako nagbibiro. May nanliligaw na ba sa iyo?”“Hala! Wala, Dad!” react ko at napailing-iling pa. Sabi ko na nga ba, ganiyan agad ang iniisip niya.
Hindi na ito umimik kaya tumahimik na lamang ako. Wala naman akong naging ambag doon sa pamamalengke nila. Sumusunod lamang ako sa kanila at kapag may natipuhang pagkain ay nagpapabili.
Naisip ko rin na magpabili ng keychains kay Mommy nang makasumpong niyon.
Dalawang mushroom iyon kaya naisip ko na ibigay kay Gisselle ang isa. Itinago ko iyon sa sling bag ko bago muling kumapit sa braso ni Dad.
Ngunit tadhana nga naman dahil nakita ko na naman si Hunter sa hindi kalayuan. Seryoso lamang ang tingin nito habang nakasandal sa motor nito at umiinom ng bottled water.
BINABASA MO ANG
The Deadly Hunter
General FictionMontehermoso Series 5 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Kisses Monday Montehermoso and Hunter Noah Saavedra WARNING: Mature content. Read at your own risk. October 8, 2021 - November 24, 2022