Kabanata 17

2.2K 83 17
                                    

Kisses

“Tumigil ka na nga. Haharapin mo pa ang mga magulang ko bukas,” pagpapaalala ko rito upang umiwas at baka magalaw na naman ako nito. Lagot ako nito sa kapatid ko at parents ko. “Teka, para saan pala ’yong limpak-limpak na pera na naroon kanina?”

Mabuti naman at umayos ito ng upo. Nagseryoso ang mukha nito bago mahiga sa kama at hinila ako.

“May nahuli kaming kriminal na may patong na pera sa ulo. Bigay sa amin ng mga pulis ang pera na iyon. Hinati-hati namin at sa akin ang nakita mo kanina,” anang lalaki na ikinaawang ng bibig ko.

Talaga ngang malaki ang kitaan sa pagiging bounty hunter. Instant yaman ang peg ni Hunter. Pero mahirap naman ang trabahong iyon. Hindi ko kaya na makipagtagisan sa mga delikadong tao.

Diretso ko itong tiningnan sa mga mata, saka nagtaas-baba ng mga kilay. “Puwedeng umutang si Kisses?”

“Sure. Kahit hindi mo na ibalik.”

Ako naman itong nabigla sa padalos-dalos nitong desisyon. Pinaningkitan ko tuloy ito ng mga mata dala ng panghihinala.
“Really? Hindi ko na ibabalik?” Binibiro ko lang naman siya sa utang-utang. Wala naman akong balak mangutang.

Nang tumango ang lalaki at ngumisi ay nangunot ang noo ko. “Kapag naikasal na tayo, saka mo lang babayaran. And of course, malaki na ang interes n’yon so better prepare yourself.”

“What?” Ngek! Budolero. May bayad pa rin pala. “Huwag na lang. Solohin mo ang pera mo,” biro ko pa bago takpan ng unan ang mukha nito.

Agad din namang nakaalis ang lalaki at hinuli ang mga braso ko habang hindi ko mapigilan ang malalakas na tawa. Bakit ba, e, trip kong mang-trip ng mga tao, e! Iyon na ang isa sa mga kaligayahan ko.

Walang nagawa ang lalaki kundi ang mapangiti habang napapailing. Bilib din ako rito dahil alam kong marami itong problema sa buhay, tapos dinadagdagan ko pa at tila wala lang sa kaniya iyon. Hay, buhay!

“Para namang hindi mo mae-enjoy ang kabayaran.” Nangunot ang noo nito, sabay suklay sa buhok ko.

Nangasim tuloy ang mukha ko dahil binahiran na nito ng karumihan ang isip ko noon pa. “Bakit ko naman e-enjoy-in? Hindi mo pa ba ramdam na pera lang talaga ang habol ko sa iyo? Nais kong kamkamin ang yaman mo, Dato Hunter Noah.”

Muling umangat ang sulok ng labi nito habang nakamasid sa akin. “Kung pera lang ang habol mo, pakasalan mo na ako para maipamana ko sa iyo ang yaman ko. Sabihin mo lang na oo at idideretso na kita sa simbahan. Dalian mo at naghihintay ako, Kisses.”

Bumakas ang disgusto sa mukha ko at bahagyang lumayo rito. “Ayoko nga. Papatayin na lang kita para madalian. Ang bantot mo kaya, amoy tikbalang ka. Ayokong makasama ka sa iisang bahay.”

“What the fuck, Kisses?” reaksiyon nito sa sinabi kong amoy tikbalang. “Ano ba ang amoy ng tikbalang? Ngayon ko lang narinig iyon.” Tila nahiwagaan ito bigla.

Ako naman ay napahalakhak nang lapitan ang bintana sa gilid. “Wala, asaran lang namin iyon ng sister ko noong mga bata pa kami. Sabi niya, ang amoy ng tikbalang ay amoy baskil, putok at kung ano-ano pa.”

Napatango-tango ito habang inaamoy ang sarili. Pinigil ko ang tawa bago bumalik sa kama at nahiga sa tabi nito.

“Naniniwala ka naman sa tikbalang?”

“Oo, nasa harapan ko na nga ang buhay na ebidensiya, e,” pangbabanas ko pa na mukhang hindi naman nito sineseryoso.

“Ang lakas mong mang-asar ngayon, a,” puna nito sa mababang tono, saka ako pinagmasdan sa mahalay na paraan. “Marami ka pang enerhiya, Kisses. Dapat ubusin natin ang energy mo para makatulog ka na agad,” suhestiyon nito na may malokong ngiti sa mga labi.

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon