Kisses
Hanggang sa ang gabing iyon ay nakuha na naman niya ako. Makailang ulit, halos ayaw akong tigilan na para bang ngayon niya ibinubuhos ang matagal na panahon na pagtitimpi niya sa akin.
Nanginginig ang aking mga binti nang matapos ito sa loob ko. I was still in deep shock. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng isang taon mahigit na paghihigpit sa akin ng pamilya ko ay ganito lang ako kadaling nakuhang muli ng lalaki. At nagustuhan naman iyon ng katawan ko, kahit pa ang isip ko ay nagtatalo dahil alam ko na naman ang kahihinatnan nito.
Nangatal ang aking mga labi nang alalayan ako nito para pahigain nang patagilid at saka ako mahigpit na niyakap. Nakaunan ang ulo ko sa braso nito, habang ang isang braso ay nakayakap sa aking tiyan.
"You're shaking, hmm," puna nito at sapilitan akong pinaharap. Natigilan ito nang mapansin ang namumuong luha sa mga mata ko. "Bakit?" Napabangon ito at sinapo ang mukha ko.
Isang hikbi ang umalpas sa bibig ko na lalo nitong ikinataranta. Hanggang sa makuha ko ang lakas ng loob na bayuhin ang dibdib nitong malapad dahil sa inis.
"Mabubuntis na naman ako dahil sa ginagawa mo! Mabuti sana kung ikaw ang pinagagalitan ng pamilya, e! I hate you!" Tuluyan na akong napaiyak dahil alam kong makakatikim na naman ako ng galit ni Daddy.
Paano kung dalhin na naman ako sa ibang bansa? Baka sa kabilang panig ng mundo na ako dalhin dahil nauulit na naman ang nakaraan. I don't want to suffer loneliness again!
"Kisses," masuyong anito at hinuli ang mga kamay ko. Natigilan ako nang muli nitong sakupin ang bibig ko. Ilang segundo iyong mariing nakalapat sa akin, tila ba pinapakalma ako sa pamamagitan niyon.
Nang mawalan ng lakas ang mga braso ko ay kusa iyong napahawak sa mga balikat nito. Pinutol nito ang halik at mataman akong pinagmasdan.
Umiwas agad ako ng tingin dito at tahimik na lumuha.
"U-Uuwi na ako."
Nagtagis ang bagang nito. "Walang uuwi ngayon, Kisses."
"What? I really need to go! M-My family's waiting for me," nangangatal kong turan na ikinatawa nito nang mahina.
"Really? Paano naman ako? I've been waiting you for so long. May karapatan din naman ako sa iyo," matigas niyang turan na ikinatigil ko.
Inipon ko ang lakas na magsalita para kontrahin ito. "W-Wala kang karapatan. Hindi naman tayo kasal, at matagal nang wala."
Pero imbis na magalit ay nilingon lang ako nito at nginisian. "Nanay ka ng anak natin. Hindi pa ba sapat na dahilan iyon?"
Sapat na iyon para matuptop ang bibig ko. Hindi ko ito magawang kontrahin dahil para akong lalong nawalan ng lakas.
"Matulog ka na. May aasikasuhin pa tayo bukas . . ."
Nagising ako kinabukasan na tirik na ang araw. Daglian akong napabangon, lalo na nang matagpuan ko ang hubad na sarili na nag-iisa sa may kalakihang kuwarto.
Pinanlamigan ako ng katawan, saka naalala na pinapauwi nga pala ako kagabi ni Mommy. Naku naman! Tiyak na nagtataka na ang mga iyon!
Sa pagkataranta ay bumagsak pa ako pagkababa ng kama. Mabuti na lang at naitukod ko agad ang siko ko sa sahig. Iyon nga lang ay tumama ang balakang ko sa sahig. Ngingiwi-ngiwi tuloy akong bumangon.
Pinilit ko ang sarili na bumangon para hanapin ang mga gamit ko. Maski underware ko ay hindi ko makita kaya ginapangan ako ng kahihiyan at kaba.
Sa bedside table ko napansin ang phone ko kaya agad ko iyong dinampot upang tingnan kung may text ba.

BINABASA MO ANG
The Deadly Hunter
Ficción GeneralMontehermoso Series 5 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Kisses Monday Montehermoso and Hunter Noah Saavedra WARNING: Mature content. Read at your own risk. October 8, 2021 - November 24, 2022