Kisses
Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay mula sa labas ng bahay. Paulit-ulit niyong tinatawag ang pangalan ko, pamilyar na pamilyar ang boses.
“Kisses!”
Sa huling banggit nito sa pangalan ko ay napabalikwas na ako bigla ng higa.
Is that Gisselle?
Sa paggalaw kong iyon ay nagising si Hunter sa tabi ko. Agad ako nitong niyakap at ambang hihilahin pabalik sa pagkakahiga nang baklasin ko ang mga kamay nito.
“Hey,” anito at bumangon.
Inalis ko ang kumot sa katawan, ngunit agad ding naibalik nang mapansin na wala akong suot na saplot sa ibaba. Namilog ang mga mata ko, lalo na nang maalala ang ginawa nito sa akin kagabi.
Gosh! Ginawa niya akong napakasarap na ice cream, dinila-dilaan na parang gutom na bata!
“May problema ba, honey?”
“Honey?” Lumabas ang aking dila at umaktong nandidiri. “Ayaw ko ng honey, ’di ko pinangarap maging pulot. Ganda na lang,” suhestiyon ko na ikinatiim ng tingin nito sa akin. Hilaw akong ngumiti at inabot ang pajama ko sa gilid at isinuot iyon. “Nariyan ang kapatid ko, Hunter. Bababa lang ako,” paalam ko rito bago humarurot pababa.
“Kisses! Tang—Bungol ka ba? Halika nga rito at nang makalbo ko ’yang kilikili mo,” galit na galit na bungad sa akin ng babaita na nakasakay sa isang boat.
Wow. Siya lamang mag-isa, pero may kasama itong basang-basang aso sa bangka niya na hindi ko alam kung kanino.
“Nagto-tour ka? Or nagre-rescue?” parang tanga kong tanong bago lumusong sa baha palapit dito.
“Tanga! Pinapasundo ka sa akin ni Dad!”
Grabe, hanggang baywang na ang lalim ng tubig. Hindi na umuulan pero napakadilim pa rin ng langit.
Nang makalabas ako ng gate ay saka ko lamang naalala si Hunter na nasa tabi ng pinto at pinapanood kami ng kapatid ko na banas na banas ang mukha. Tila kagigising lang din nitong bruha.
Lumapad ang ngiti ko sa lalaki at kinawayan ito. “Sama ka, Hunter?”
Hindi ito umimik ngunit lumusong din palapit. Saka ko lamang napansin ang mga bagong gising na kaibigan na sumilip sa bintana sa itaas.
“Hi, Gisselle! Uuwi na kayo?” anang Bea.
“Yep, puputok na sa galit ang ama nito kaya kailangan nang iuwi. Good morning pala sa inyo,” tugon ni Gisselle at inalalayan ako pasakay ng boat niya. Naramdaman ko pa ang pagpalibot ng mga malalaking kamay ni Hunter sa baywang ko upang iangat ako.
“Sige, ingat kayo, a! Kisses, iuwi mo na rin si Kuya Hunter!” hiyaw ni Lucy na binelatan ko lamang. Sa huli ay nagpaalam ako sa mga ito at kumaway.
“Saan mo nakita itong aso, Selle?” tanong ko nang maupo sa harapan ni Hunter na sumampa rin.
Masungit lamang ang mukha ng kapatid ko habang nagsasagwan. “Nakita ko lang na lumalangoy habang papunta rito at lumapit sa akin kaya kinuha ko na. Mukhang naiwan ng may-ari. Hindi rin ata napansin ng mga sundalong nagsasagawa ng rescue operation sa mga natitirang naririto na hindi nagtungo sa evacuation area,” seryosong aniya kaya dagliang natunaw ang puso ko. “Anyway, kaunti na lang daw ang mangyayaring pag-uulan ngayon at pinapababa na lang itong baha. Hmm, let’s check the canal here, baradong-barado ata,” anito at itinabi ang sagwan. Bigla na lamang itong bumaba sa baha at gamit ang paa ay kinapa-kapa ang daluyan ng tubig sa gilid ng kalsada.
Desisyon talaga itong kapatid ko. Siguro noong isinama ko ito rito ay kinabisado talaga ang bawat kanal, alam na alam kung nasaan nakapuwesto banda, e.
BINABASA MO ANG
The Deadly Hunter
Ficción GeneralMontehermoso Series 5 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Kisses Monday Montehermoso and Hunter Noah Saavedra WARNING: Mature content. Read at your own risk. October 8, 2021 - November 24, 2022