Kabanata 21

1.7K 62 17
                                    

Kisses

Sa sinabi nitong iyon ay pinanlamigan ako. Iyon na nga ang ilang araw ko nang iniisip at ikinababahala. Natatakot na ako kay Hunter dahil sa nakita kong trabaho ng mga kapatid at pinsan niya. Hindi naman ako pinagbuhatan ng kamay ng lalaki, pero hindi ko masasabi ang kinabukasan. Wala nga lang sa kaniya ang nangyaring pagpatay sa mga lalaking iyon, e!

Napatakip ako ng mukha at napahikbi dahil sa matinding takot na nitong mga nakaraang raw ko pa kinikimkim.

Matatanggap ko pa kung pagiging bounty hunter lang ang trabaho nilang magpapamilya, pero ang pagiging mamatay-tao? Hindi ko kaya, at mas lalong hindi kaya ng konsensiya ko.

Tiyak din ako na mas lalong hindi papayag si Dad kapag nalaman niyang pagpatay sa tao ang trabaho ng pamilya ni Hunter. 

Hindi tuloy ako umuwi sa bahay nang sumapit ang gabi. Napahaba kasi ang kuwentuhan namin ni Selle.

Nagpaalam naman ako sa parents namin ni Gisselle na sa bahay muna ako ng kapatid ko makikitulog at pumayag naman ang mga ito.

Wala namang pasok bukas kaya okay lang. Ayoko rin namang umuwi ng palubog na ang araw o madilim na dahil baka may biglang patayan na naman sa kalsada.

“Hello, Kuya,” bati ko sa malaking mama na pumasok na kagagaling lang sa trabaho.

Hating-gabi na at halata sa mukha nito ang pagod. Tulog na si Gisselle sa kuwarto nila at ako lang ang naiwan dito sa sala dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Nabigla pa ito nang makita ako, kalaunan ay napangiti. “Naririto ka pala, Kisses. Ayaw mo pa bang matulog? Doon ka na sa kuwarto.”

Mabait naman itong lalaki kaya botong-boto ako. Matino pa. Napakasuwerte naman ng kapatid ko. Naks!

“Okay lang po ako rito. Ayaw rin naman akong katabi ng kapatid ko, e,” pabirong saad ko ngunit totoo naman. At saka masiyado itong pagod sa trabaho, baka hindi ito makatulog nang maayos sa sofa.

“Ikaw ang bahala,” aniya at may kinuhang maliit na fan sa tabi. “Malamok dito. Baka sirain ng insekto ang balat mo,” dagdag pa niya na ikinatawa ko nang mahina. Nagpasalamat pa ako rito bago ito umakyat sa kuwarto nila ng kapatid ko.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin sa dalawang iyon.

Ngunit ang nararamdamang iyon ay agad na naglaho nang maalala si Hunter.

Ilang araw ko na siyang iniiwasan. Pati ang mga text nito ay hindi ko nire-reply-an. Driver ng pamilya namin ang palaging naghahatid-sundo sa akin kaya hindi na ito nagkakaroon pa ng oras sa akin. Malamang ay busy rin ito sa buhay.

Mulat na mulat ako hanggang madaling araw. Natatakot ako na baka mapanaginipan ko na naman iyong eksena na iyon. Napakaraming tumatakbo sa isipan ko sa mga oras na iyon at nananakit na ang ulo ko dahil nais kong magpahinga pero hindi ko magawa.

Napabuga ako ng hininga at nagmulat ng mga mata. Sumalubong sa akin ang kadiliman.

Sa ganoong ayos biglang tumunog ang phone ko. Napatingin ako sa mesa sa tabi ko bago bumagon.

It was Hunter.

Agad na rumagasa ang kaba sa sistema ko dahil doon.

Susunduin kita mamayang umaga, Kisses. May regalo ako para sa iyo.

Susunduin? Saan naman kami pupunta?

Alas ocho ako nagising ng umagang iyon. Naabutan ko pa ang kapatid ko na naglilinis na ng bahay at tapos nang magluto ng almusal.

Pinagmasdan ko ito na nagva-vacuum ng sahig. Ganito ba siya araw-araw simula nang magsama na sila? Ang ganda talaga ng naidulot ni Mister Guevarra sa kapatid ko.

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon