Kabanata 20

3K 78 12
                                        

Kisses

Sinulyapan ko muna si Hunter sandali bago muling harapin si Manong Oliver na may mga ngiti sa labi.
“O-Oo, okay lang po. Kayo po?” sakay ko na lang kahit na hindi ko naman ito ka-close. Ngayon ko nga lang ito nakausap.

“Okay lang din, Kisses. Kailan pa pala kayo nakabalik dito?” anito na kilala pala ang name ko. Nilingon nito ang mga anak niyang lalaki na nakatingin ngayon sa akin habang umiinom ng palamig. “Mga binata ko nga pala. Sina Josh at Joshua. Nasaan na pala ang kakambal mo?”

Alanganin akong ngumiti sa mga ito sa pagkailang. Parang updated na updated sa buhay namin ang lalaking ito, a.
“Nasa Zambales pa rin ho ang kapatid ko at busy. Kanina lang po kaming umaga nakarating dito, e,” turan ko bago ngitian ang dalawang lalaki sa likod nito. “Hello, nice to meet you,” bati ko.

Isang tango at ngiti ang isinukli sa akin ng dalawa. Mukhang nahihiya pa.

“Ganoon ba? Teka, sino pala ito? Boyfriend mo?” baling naman nito kay Hunter na kita kong pasimpleng umigting ang panga.

Dahil doon ay hinawakan ko sa braso ang katabi bago ngumiti sa mga ito. “Opo. Si Hunter . . .”

“Kisses, tara na!” Natigil ako sa pagsasalita nang dumating bigla ang mga pinsan ko. Makahulugan akong tiningnan ni Alessandro na agad humawak sa ulo ko upang ilayo roon, saka nito binalingan ang tatlong lalaki. 
“Uwi na kami, ’Kol.”

Nang tumango ang matanda ay dali-dali naming nilisan ang lugar na iyon. Tawa nang tawa ang magkapatid na Armando at Alessandro habang tinatahak namin ang tahimik na kalsada. Halos puro palayan pa naman ang nakapalibot sa amin.

“Kita mo na? Expected ko nang lalapitan ka ng mag-amang iyon, e. Ang lagkit pa ng tingin sa iyo ng isang anak niya. Mukhang may Oliver II na, a. Ingat ka na lang doon,” tatawa-tawang wika ni Armando habang nakaakbay sa akin.

Naiinis na ako dahil ang bigat-bigat nito pero kung makaakbay sa akin ay tila ba magkasing-height lang kami.

“Hayaan mo na nga sila. Tigilan na natin iyon at wala akong interes sa kanila,” sambit ko habang pilit na inaalis ang braso nitong batak sa trabaho sa farm.

Mukhang napansin niya iyon dahil hinigpitan niya lalo ang akbay sa akin. “Namumuti ka lalo, a. Para kang bampira,” puna nito na ikinaasik ko.

“Ikaw nga nangitim lalo. Para ka kasing daing na laging nagbibilad,” pang-aasar ko rin dito na tinawanan lang nito. Hindi naman siya pikon dahil talagang moreno silang magkakapatid na lalaki. Sa palayan kasi naglalagi kapag walang pasok para tumulong.

Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin ang mga tita’t tito na nag-uusap. Agad namang nagkuwento si Armando tungkol sa nangyari kanina kaya ang ending ay puro kantyaw patungkol sa nakaraan nina Mommy at Daddy ang nangyari. At alam kong hindi iyon nagustuhan ng ama ko. Ayaw na kasi nito pag-usapan pa ang nakaraan. Maybe because of guilt. Hindi naman kasi maganda ang ginawa niya para lang makuha si Mommy. Kung hindi pa dahil sa amin ni Gisselle, hindi pa sila tuluyang magkakapatawaran.

“Stop it.” May himig ng iritasiyon sa tinig ng aking ama na ikinatawa ko na lamang habang naiiling.

“Pero paano kung ligawan ng binata ni Oliver ang isang dalaga mo? Papayag ka ba?” hirit pa ni Uncle Steve na tuwang-tuwa sa pambabanas sa ama ko.

Hindi na bago ang ganoong ugali ni Uncle sa amin. Kahit sino namang kakilala nito ay hilig niyang asarin. Ang hindi niya lang kayang pikunin nang husto ay ang Lolo Dark ko dahil takot siya roon at nahihiya. Paano, hindi naman siya gusto ni Lolo para kay Aunt Thylane noon. May pagkabarumbado kasi.

“As if I will let any of my daughter in their hands,” tugon ng aking ama na halos gusto nang umalis ng sala. Napipikon na kasi ito.

“Iyon naman pala, e,” ngising turan ni Uncle Steve at inakbayan ang panganay na anak na si Alessandro. “Kaya ikaw, bantayan mo palagi ang mga pinsan mong babae kapag lalabas kayo. Baka madagit pa ng lahi ng Oliver na iyon . . .”

The Deadly HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon