Chapter 1

333 4 1
                                    

Three months ago...

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang bahay na kinalakihan ko.

Isang linggo na ang dumaan simula nang malaman namin na ako ang nawawalang Zabala at halos isang buwan na ang lumipas mula noong huli ko siyang makita, and I still couldn't believe that he really said goodbye.

Nakaupo ako sa malalaking ugat ng puno habang sinusundan ng tingin ang mga lalaking nagpapabalik-balik sa loob ng bahay namin at sa maliit na truck na nakaparada hindi kalayuan sa amin.

"Pwede ba sayo ang umupo nang ganyan kababa?" Napalingon ako kay Paulo nang tumabi siya sa akin ng upo.

"Wala rin namang sinabi na bawal daw," mahinang sagot ko.

Pasimple at marahan kong kinapa ang peklat na dala ng mga operasyon na ginawa sa akin dahil sa mga bala na nakuha ko noong nakaraan.

Nabalot kami ng katahimikan ni Paulo. Nakatingin lang din ako sa mga langgam na naglalandian malapit sa paa ko.

"So, anong plano mo?" biglang tanong ni Paulo.

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Huh?"

"Huhtdog," sagot niya. Hindi pa rin siya nagbabago, epal pa rin.

Sabay kaming napalingon sa kotseng bagong dating. Pumarada iyon sa mismong tapat ng gate namin. Lumabas doon ang driver at pinagbuksan ang nasa backseat.

"Tita Angela!" masayang sigaw ni Yanna mula sa loob at sinalubong si Mom mula sa sasakyan.

Nakangiting sinalubong ni Mom si Yanna. Nakita ko namang lumapit din si Mama kila Yanna at Mom. Mula sa kinauupuan namin ni Paulo, nakita kong nag-uusap sila Mama at Mom pero hindi ko sila naririnig dahil malayo sila sa amin.

"Tumayo ka bilis!" biglang utos ng katabi ko. Nagtataka ko lang siyang nilingon dahil baka isa na naman ito sa kabaliwan niya.

"Hinahanap ka ata. Baka magalit 'pag nakitang nakaupo sa ugat ng puno ang anak nila," utos pa ulit niya at nauna pang tumayo sa akin.

"Napaka OA mo," simpleng sagot ko at nanatiling nakaupo.

"Baka nga kasi bumuka na naman 'yang tahi mo," makulit na sabi ni Paulo habang inis na bumalik sa pagkakaupo.

"Magaling na nga. Tuyo na nga, 'di ba," may diing sabi ko.

"Parang ikaw? Amoy tuyo?" natatawang tanong niya.

Seryoso ko siyang tiningnan at sinamaan ng tingin. "Alam mo, wala ng sense mga sinasabi mo. Tuyo na ata utak mo," I said.

"Aba may entry ka rin, ha," natatawang sabi niya kasabay ng pag-akbay sa akin.

"Syempre," natatawang sagot ko rin.

Sabay lang kaming natawa kahit wala naman masyadong nakakatawa. Mahina lang ang tawa ko habang siya naman ay halos kasya na ang kamay ko sa laki ng bibig katatawa.

Hindi pa ako pwede sa sobrang emosyon dahil sa ilang ulit na operang ginawa sa akin kaya hangga't maaari, ayokong mag-isip ng kahit ano na makakaapekto sa emosyon ko at sa sitwasyon ko ngayon.

Sumasabay muna ako sa agos at kapag okay na ako, hindi na ulit ako mananahimik sa isang tabi.

"Mamimiss kita," Paulo said out of nowhere.

Gulat akong napalingon sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nakasandal siya sa puno at nakatingin lang sa mga dahon sa itaas pati na rin sa asul na langit habang ang kamay niya ay nananatiling nakaakbay sa akin.

Hindi vocal na tao si Paulo at kadalasan dinadaan niya lahat sa biro. "Alam mo ba kung bakit wala rito sila Mama?" tanong niya.

Hindi ako umimik dahil hindi ko naman alam ang sagot. Sumandal din ako sa puno na may mga langgam na naghaharutan kanina.

Love In A Cruel WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon