Mabigat, sobrang bigat. Pakiramdam ko hindi ako makahinga at may sobrang bigat na nakadagan sa dibdib ko. Pakiramdam ko may sumasakal sa leeg ko na pumipigil sa paghinga ko. Nananakit ang lalamunan ko habang walang tigil sa pagpatak nang kusa ang mga luha ko.
This feeling feels déjà vu. Lahat ng sakit na naramdaman ko noong nawala si Papa, lahat ng 'yon ay naulit. But it's more painful now, knowing that this is the second time I lost my father at hanggang ngayon, ako pa rin ang dahilan at wala man lang akong nagawa.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit ang nararamdaman ko habang nakatingin sa maamong mukha ni Dad na parang natutulog lang habang nakaunan sa hita ko. Sobrang sakit. Walang kahit na anong ingay na lumalabas sa bibig ko ngunit hindi mauubos-ubos ang luhang bumabagsak mula sa mata ko.
I gripped his cold hands as I remember the short period of time that I've been with him. How he smiles and laughs when we're having a late night talk at the balcony. How he covers me up against Mom whenever I'm drunk or tipsy. How serious his face was when he was giving me advice. How warm his kisses and hugs every time he wants to be sweet. How he saved me from the freaking engagement suggested by the board of members, even if it will put the company to jeopardy. How his eyes met mine when he pulled me and received the bullet who was meant to be mine.
Mom keeps on brushing Dad's hair with her fingers. Nakangiti siya habang nakatingin kay Dad. Her tears keeps on dropping as she look at her husband. Nakangiti siya habang nakatingin kay Dad, as if she's remembering and reminiscing all of the memories they had together.
Lie keeps on sobbing habang nakahawak sa kamay ni Dad sa pisngi niya. Punong puno pa rin ng luha ang mukha niya at may bahid na rin iyon ng dugo ngunit hindi man lang siya nag-abalang punasan iyon. Sa aming dalawa, siya ang mas nakakasama ni Dad dahil lagi siyang pinapagalitan ni Dad for everything that she did against his will.
Tahimik na nakaupo si Timothy Blake sa tabi ko habang nakaakbay at marahang hinihimas ang balikat ko. Hindi siya nagsasalita o kung ano man, he just sat there beside me. He faced me and put a light kiss on my temple and stayed his lips on it.
Nakaupo si Tita Blee sa tabi ni Mom habang marahang hinihimas ang likod ni Mom. Umangat ang luhaang mukha ko at tumingin kay Mr. Relish nang marahan niyang hawakan ang kamay ko na nakahawak sa isang kamay ni Dad. Malabo man ang tingin ko dahil sa dami ng luha roon, nakita ko pa rin ang bakas ng awa at lungkot sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
Hindi pa rin tumitigil ang maiingay na putok ng baril sa paligid. Nanatiling nakatayo sila Jacob at Paulo at buong tapang na hinaharangan kami sa likod nila habang pinapaulanan ang mga lalaking nakaitim. Nababawasan ang bilang ng mga lalaking nakaitim pero hindi sila nauubos. Himala nga siguro na hindi man lang nababaril ang human cover namin.
Bahagya akong napalingon sa pintuan ng warehouse na medyo malayo sa gawi namin nang may malakas na ingay ang nanggaling doon na para bang sinisira ang pintuan. The next thing I know, nakatumba na lahat ng mga lalaking naka-itim dahil sa sunod sunod na malakas na tunog ng baril.
Mabilis, sunod sunod, at nakahanay na pumasok ang madaming lalaking nakasuot ng kulay dark blue na jacket at lahat sila ay armado ng mahahabang baril at nakasuot ng itim na mask kaya kalahati ng mukha lang ang kita.
Nakatutok ang mga baril nila sa mga lalaking nakahandusay na at sinisigurong hindi na makakabangon ang mga 'yon. Akmang papaputukan nila Jacob at Paulo ang mga lalaki dahil nakaamba pa rin doon ang mga baril nila kaya mabilis na tumayo si Timothy Blake at binaba ang baril na hawak nila.
"Don't shoot. They aren't wearing black," Timothy Blake said.
"Sino 'yang mga 'yan? Baka kalaban din 'yan," Paulo suspected.
BINABASA MO ANG
Love In A Cruel World
AcciónFive gunshots. That is what killed Zyrille Ann Santos, and as she was reborn as the Zyrille Angel Zabala-the long lost heiress of the Zabalas who have one of the biggest groups of companies in Asia. With money, power, men, and connections, she is re...