"Are you sure na ito na iyon?"
Mapagduda ang tingin ni Timothy Blake as he look around. Hindi ko siya masisisi, dahil kahit ako naman ay bahagyang nagtataka.
Lumingon muna ako sa kaniya at ibinalik din kaagad ang tingin sa harapan. "Dito tayo tinuro ng waze, baka ito na."
Muli kong pinagmasdan ang mga mala-tore sa taas sa harap namin. Tore na gawa sa iba't ibang gamit na mukhang patapon na. Inilibot ko rin ang paningin ko hanggang sa dulo ng kaya kong tanawin. Puno ang junk shop na kaharap namin ng sobrang daming gamit at halos puro tore na rin ang bawat sulok na dapuan ng tingin ko.
Mula sa mga parts ng maliliit na gamit gaya ng electric fan, televisions, washing machines hanggang sa mga car parts. Wala ako masyadong alam sa ibang gamit na nasa loob ng malaking bakod ng junk shop pero alam kong gamit iyon.
"Diyan mo talaga iiwan 'yan?" tanong ko kay Timothy Blake habang nakaturo sa sasakyan niyang bago.
Taka siyang lumingon sa akin. "Yeah? Why?"
"Wala naman. Baka lang mapaglaruan 'yan habang wala tayo," sagot ko naman bago nagsimulang maglakad papalapit sa entrance ng malaking junk shop.
Hindi na umimik pa si Timothy Blake at sa halip ay sumunod na sa akin. Tahimik kong tinitingnan ang bawat gamit na nadadaanan at natatanaw namin.
Ang sabi sa impormasyon na galing sa mga pulis, car junk shop daw ito kung saan itinatambak ang mga sasakyan na nakuha nila na may iba't ibang kaso ngunit mas nananaig ang parte ng mga gamit dito kumpara sa mga sasakyan, bagaman may mangilan-ngilan sa gilid.
Abala ako sa pagsunod sa iisang daan nang may maapakan ako na kung ano. Ang heels ng sapatos ko ang nakaapak sa latang nakakalat kaya hindi ko nagawang balansahin ang katawan ko dala ng pagkabigla.
I was about to lose my balance at muntik nang matumba when someone's arms encircled my waist. He even pulled me closer to him.
"Careful," he whispered over my ears.
I gulped with the intensity of his voice. "T-Thank you," I replied to Timothy Blake at agad na tumayo nang maayos.
"Ano hong kailangan nila?"
Sabay kaming napalingon ni Timothy Blake sa nagsalita. Isa iyong binatilyo na mukhang nagtatrabaho sa junk shop na ito. May hawak siyang mahabang stick at salamin ng isang sasakyan habang nakatingin sa amin.
"Magandang umaga po. May hinahanap po kasi kaming sasakyan at sabi ng napagtanungan namin ay nandito raw po," magalang na sabi ko kahit pakiramdam ko ay mas matanda pa ako sa kaniya.
"Baka nga nandito ho iyon. Tara, tara. Sumunod kayo sa akin." Inilapag muna ng binatilyo ang hawak niya at naunang maglakad paalis.
Akmang susunod na ako pero pinigilan ako ni Timothy Blake gamit ang kamay niyang nasa bewang ko pa rin pala, kaya't taka ko siyang nilingon.
"Are you sure about this?" he asked. I gulped before I forced myself to nod bago sumunod sa binatilyo.
"Ano ho bang hanap niyo?" tanong ng binatilyo habang patuloy kami sa paglalakad at sa gilid namin ay ang mangilan-ngilang sasakyan na bagaman buo pa, ay mukhang napabayaan na rin.
"Jeep na may plakang..." Binanggit ko rin ang plate number ng jeep ni Papa.
Tumango-tango siya habang tinitingnan ang ilang jeep at pagkaraan ng ilang minuto ay lumapit siya sa isang jeep at may sinipa sa may bandang baba niyon, at kasunod niyon ay ang pagliparan ng ilang gabok at 'saka namin nakita ang plaka ng sasakyan ni Papa.
"Ito ho ba iyon?" tanong pa niya sa akin.
I felt Timothy Blake lightly gripped my waist at doon ko lang napansin na nandoon pa rin pala ang kamay niya and he was guiding me sa paglalakad kanina pa. I looked at him and I saw his questioning look na para bang nagtatanong ng kaparehong tanong ng binatilyo.
BINABASA MO ANG
Love In A Cruel World
ActionFive gunshots. That is what killed Zyrille Ann Santos, and as she was reborn as the Zyrille Angel Zabala-the long lost heiress of the Zabalas who have one of the biggest groups of companies in Asia. With money, power, men, and connections, she is re...