Chapter 31

21 1 0
                                    

Inabot ko kay Mang Rogelio ang bag ni Mom nang tuluyan kaming makalabas sa mansion. Imbis na kumalas ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Mom sa bewang ko at alam kong ganoon din kay Lie.

"I'll miss you both," mahinang sabi ni Mom na may bakas pa ng pagkalungkot.

"We will miss you too, Mom," bahagyang nakangusong sabi ni Lie.

Tumayo sa harap namin dalawa ni Lie si Mom at pilit na ngumiti pagkatapos ay hinawakan ang tig-isang kamay namin. "Call us every time, okay?" bilin niya.

"Hon, we can't do our stuffs as well as them if every time sila tatawag," natatawang sabat ni Dad sa likod namin habang inaabot kay Mang Rogelio ang ilang gamit niya.

"Call me still, okay?" bilin pa ni Mom at bakas sa mukha naming tatlo nila Lie ang bahagyang lungkot.

Ngayon ang alis nila Mom and Dad along with their business partners and investors. I don't know if the board of members will come too, but who cares? May business trip sila sa Singapore and we're bidding goodbyes now.

Nandito kaming lahat ngayon sa labas ng mansion sa tapat ng sasakyan nila Mom. Abala si Dad sa paglalagay ng mga gamit nila sa sasakyan katulong si Mang Rogelio. Wala akong ibang alam na details about sa business trip nila bukod sa Singapore iyon gaganapin.

Bumaling si Mom kila Xian at Yanna na nakatayo lang din malapit sa 'min para ihatid sila Mom and Dad. "Anong gusto niyong pasalubong?" nakangiting tanong ni Mom habang bahagyang nakayuko kila Yanna.

"Hmm," tumigil at nag-isip si Yanna. "Wala po akong maisip, e. Kailan po kayo uuwi?" sa halip ay tanong niya.

Mom chuckled. "Gusto mo ba ng bagong laruan? Madaming toys doon."

"Madami pa po akong laruan na bigay niyo noong pasko at bagong taon, e. Gala na lang po tayo pagka-uwi niyo," nakangiting sagot ni Yanna kay Mom.

"Saan mo gustong pumunta?" Mom asked while leaning to Yanna.

"Sa playground na may ice cream po," Yanna then answered.

"Ikaw Xian? Anong gusto mong pasalubong? May kailangan ka ba sa school niyo? New laptop? Computer set? Cellphone?" Bumaling naman si Mom kay Xian.

"Wala naman po. Bumalik na lang po kayo agad dahil mainipin si Yanna," natatawang sagot ni Yanna na mahinang ikinatawa rin ni Mom.

Sakto namang lumabas si Mama mula sa loob ng mansion. "Teka, ito oh. Nagluto ako. Baka magutom kayo sa daan," sabi ni Mama habang inaabot kay Mom ang isang maliit na lunch box na puno ng pagkain.

"Salamat, Mare," Mom said to Mama at nagsimula na ang pag-uusap nila na laging hindi natatapos.

Bahagya akong napatingala kay Dad nang tumayo siya sa tapat namin ni Lie. "Will you be okay here?" Dad asked.

I smiled. "We will be fine, Dad. And please be fine too. Yanna wants to go on an ice cream date pagkabalik niyo."

"Are you sure we don't need to come along, Dad?" bahagyang nakangusong tanong ni Lie. She wants to go to Singapore to do some shopping, ano pa ba?

"Hindi na. Baka awayin mo pa sila," Dad said while laughing.

"Dad naman!" Lie's lips pouted.

"Kidding." Dad laughed even more.

"Anyway, if ever something happens, call me immediately, okay?" he said while looking at us.

"Hmm." We both nodded.

"We'll only bring four bodyguards and Mang Rogelio to drive. The rest will stay with you here. High security is on for the whole mansion while I'm away. You also don't need to come to the company while we're not here, Grace will take care of everything," bilin pa ulit ni Dad.

Love In A Cruel WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon