Chapter 2

325 2 0
                                    

"Mom! Ate!"

Napatingin ako sa taas na bahagi ng mansion dahil sa tumawag sa akin. Kaagad akong napangiti nang makita ko si Angelique na ngayon ay mabilis naglalakad pababa ng hagdan. Kaagad siyang yumakap kay Mom nang makalapit siya sa amin bago nakangiting mahigpit na yumakap sa akin.

"Careful, Lie," paalala ni Mom.

"Ay, sorry," mabilis na sabi ni Lie at kumalas sa yakap sa akin.

"Can we share a room?" nakangiti at umaasang tanong niya.

Napangiti na lang din ako dahil sa masayang pagsalubong niya sa amin dito sa mansion. "Oo naman," sagot ko.

"Great!" nakangiting sabi pa niya bago lumingon sa dalawang kapatid ko. "Hi, kiddos."

"Hi rin po, Ate Ganda," nakangiting sabi ni Yanna.

Yumuko si Lie at marahang ginulo ang buhok nito. "Do you want to see your rooms na?" tanong niya kila Yanna at Xian.

"Kwarto po 'yon, 'di ba?" inosenteng tanong ni Yanna na mahinang ikinatawa ni Lie bago tumango.

Lumingon si Lie kay Mom, obviously asking permission. "Mom?"

"Sure, Lie, you can bring them to their rooms," nakangiting sabi ni Mom.

"Let's go, let's go," Lie said, she's excited based on her tone.

Naunang maglakad papunta sa hagdanan si Lie habang nakahawak sa kamay niya si Yanna. Naiilang man, sumunod na rin si Xian sa dalawa.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin kay Angelique. Malayong malayo sa babaeng nakilala ko noon sa labas ng convenience store, umiiyak at halos wala sa sarili na si Angeli. Angelique is her real name, Angeli as a business name or a usual name she use, and Lie for family only.

She may use three names but there's one thing I am sure of, she is my sister.

Nauunang maglakad sina Lie at Yanna habang nakasunod kami ni Xian sa kanila, sa likod namin ay sina Mom at Mama na may kung anong pinag-uusapan.

Pagdating sa second floor ng mansion, may mga hallway na hindi ko alam kung saan patungo. Bawat daan ay may mga kasambahay na nakaabang at tila naghihintay sa amin.

Lumiko kami sa may kaliwang hallway. May mga maliliit na lamesa na pinapatungan ng vase at paintings na nakasabit sa pader ang hallway na nadadaanan namin.

Nang makarating sa may tapat ng unang pinto, lumingon si Lie kay Mama na nasa likod namin. "Mom made sure that your room po was beside the kids'," magalang na sabi ni Lie kay Mama bago binuksan ang pintuan.

Unang bumungad sa mata namin ang isang may kalakihang kama sa gitna. Nangunang pumasok si Yanna sa loob at kaagad tumalon sa kama ni Mama. Maaliwalas ang buong kwarto. Simple ngunit mukhang mamahalin ang ilang decoration at details sa kwarto na ito.

"You like it?" tanong ni Mom kay Yanna na mukhang masaya na sa malaking kama.

"Opo! Anlaki!" masayang sagot ng kapatid ko.

"Let's go, kiddo. You might like your room too," anyaya ni Lie kay Yanna.

"Hindi pa po ba ito iyon?" takang singgit ni Xian na nakatayo sa tabi ko.

"You have your own room, as well as Yanna," nakangiting sagot ni Mom.

"Ho? Hindi po ba pwedeng dito na lang kaming tatlo?" tanong naman ni Mama, halatang nahihiya pa rin dahil sa pagsama nila rito. Mabuti na nga lang at napilit ko sila na sumama sa akin sa mga Zabala, sa tulong na rin ng cute na cute naming bunso.

"The house is too big, why not give you a solo room?" Mom interrupted.

"Nakakahiya naman. Pwede namang dito na lang kaming tatlo, ang laki laki ng kwartong ito," sabi naman ni Mama matapos niyang pasadahan ng tingin ang buong kwarto.

Love In A Cruel WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon