Chapter 24

66 1 0
                                    

Madumi ang paligid at tila nililipad ng hangin ang mga maliliit na lupa. Madaming tao ngunit nananatiling pribado ang nangyayari ngayon. Nasa sementeryo kami, sa may puntod ni Tiffany. Napagdesisyunan ng dalawang pamilya-Zabala at Relish na hukaying muli ang labi ni Tiffany Aubree Relish at sumailalim kami sa DNA test.

Kakadating lang namin at halos kakasimula lang din nang paghuhukay. Nasa harap mismo ng puntod ang pamilyang Relish habang kami naman ay tahimik na nakatayo hindi kalayuan sa kanila.

"Stay here so you're free from dirt. Don't remove your glasses so you'll not be puwing." It was Mom, and she's right dahil masyadong mahangin kaya baka mapuwing kami.

"We're just right there so don't worry about anything," Dad said.

I know he's pertaining to some people who are also here. Nandito rin ang ilang mga empleyado sa company at ang ibang board of members. Kapag talaga mga chismis, ang daming time ng mga tao.

Umalis sa tabi namin ni Lie sila Mom and Dad at lumapit sa mga Relish na tahimik na pinapanood ang muling paghuhukay sa labi ng anak nila, kung anak nga ba talaga nila si Tiffany. Nakita ko pa ang pagtapik ni Dad sa balikat ni Timothy habang nakaalalay si Timothy kay Tita Blee at nakahawak sa bewang ng ginang.

"Are you okay?" mahinang tanong ni Lie sa tabi ko.

"Of course, I am," I confidently said even though I know inside me that I'm not.

"Aren't you scared or something? You're just chilling, huh?" We're talking to each other while still facing what's in front of us.

"Why would I? I mean, even if I'm a Zabala or a Relish, I will still inherit a company." Totoo naman, even if I'm a Zabala or a Relish, I'll be the one to take over the company dahil ako ang panganay.

"So, is it fine with you to be Timothy's sister?" mataray na tanong niya, I even see her smirk.

"And you'll be the only Zabala, again," I said instead of answering her answer. She just shrugged kaya nanahimik na lang kami.

Pasimple kong inikot ang mata ko sa buong paligid and because I'm wearing shades alam kong hindi nila nakikita ang mata ko. Dumarami na lalo ang mga tao at may mga bagong sasakyan din ang nakaparada sa gilid. Hindi rin nakatakas sa mata ko ang mga nakatagong kamera sa likod ng mga sasakyan.

Nang ibalik ko ang tingin ko kila Mom sa unahan, napansin ko ang isang lalaki sa may bandang kanan ko. Nakatayo iyon sa puno malayo sa amin. He's also wearing a full black outfit. From his cap, to his hoodie down to his pants. And the strange part is, he's wearing a mask and shades. Balot na balot siya and which made him suspicious.

Tumingala ako and pretended to stretch my neck. Pasimple ko ring inalis ang shades ko habang binebend ang leeg ko sa kaliwang side pero habang ginagawa ko iyon ay palihim kong sinusulyapan ang lalaking nasa puno sa bandang kanan namin. Kaagad kong ipinilig ang ulo ko sa kabilang side nang biglang gumalaw ang lalaki at magtago sa likod ng malaking puno. I had to put back my shades so he wouldn't think that I saw him.

"What's wrong?" kunot-noong tanong ni Lie.

"Nothing. Medyo nangangawit lang," palusot ko. Kumunot lang ulit ang noo niya pero hindi na nagtanong pa.

I secretly opened my phone. Hawak ko lang naman iyon kaya hindi na ako nahirapan. I had to send a text to Timothy Blake.

To: Timothy Blake

Text: The man in black, behind the tree, 12 o'clock.

Timothy Blake is facing the direction of that man in black under the tree. After I hit the send button, I got to act normal again. Seconds had passed nang makita kong inilabas ni Timothy Blake ang cellphone niya at kaagad din niya iyong ibinalik. Nang inangat niya ang tingin niya, alam kong pasimpleng dumiretso iyon sa direksyon na sinasabi ko. Timothy Blake is not wearing any glasses unlike me so he should act nothing as well.

Love In A Cruel WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon