Chapter 7

305 1 0
                                    

I was busy roaming my eyes all over the party area of our mansion while holding a champagne glass in my right hand.

Nakatayo ako sa second floor ng bahay kung saan nakikita ko lahat ng bisita at buong party. I couldn't help but to grasp the handrail in front of me because of the urge to let someone pay for all the mess they brought to our family.

Alam kong nandito ang nagpadala sa 'kin ng sulat noong nasa sementeryo kami. By the way he composed the words, alam niya ang sinasabi niya. Bakas sa mga salitang ginamit niya na nagmamanman siya at inoobserbahan niya kami. Dahil kung hindi, hindi niya malalamang may nagtatraydor.

At kung sino man ang tinutukoy niya, sisiguraduhin kong handa ako bago kayo magsimula.

Napatigil ako sa pag-iisip pero nanatili ang mata ko sa party na nagaganap sa baba. "Ayoko ng gulo, Shane." I said, emotionless.

"I'm not looking for that, too," she said and I saw her smiled from my peripheral vision,

"Talaga ba? Kaya pala nakatanggap ako ng madaming tama ng bala the same night na pinakawalan ko ang taong mahal ko because of your threats," may diin kong sabi.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. I know and I can feel the rising anger inside me.

"That's not my fault. Kasalanan ko bang madaming galit sa 'yo kaya ka pinupuntirya?" she asked, then mischievously smirked.

I smirked, too, and took a step towards her. "Ang mga namumuntirya, hayop. Hayop ka ba?" I asked while raising my eyebrow.

"Come on." She scoffed and smiled. "I told you I didn't come here to fight with you."

Akala niya ba maaasar niya ko? Nasa mansion ko siya. And she doesn't have any rights here.

"Oh dear, I'm asking. Magkaiba ang nagtatanong sa nakikipag-away ha. Take note of that," I said and gave her a smile.

I hope that smile will visit her nightmares every night.

"Ugh, whatever," inis na sabi niya. I won.

"Please go downstairs. Bwisitors are not allowed here," I said with class and turned my gaze to the party again.

"Nah. I'm waiting for your sister," she said, which confused me.

"My sister?" I surprisingly asked. Kailan pa sila naging close?

"Yes, she's my bestfriend," she then smiled.

"If you're pertaining to me, I'm sorry but you're not my bestfriend, because I don't have and want one. You're not even a friend of mine. Kakilala lang kita and that's all," Lie said out of nowhere.

Mahina akong natawa when I saw Shane controlling her anger. Lumapit at tumabi rin sa 'kin si Lie and we're now both facing Shane while both raising our eyebrows.

So, she really went up here just to have a catfight with me? Sorry to say pero hindi ako pusa para patulan siya sa mga catfight na hinahanap niya.

Kitang-kita ko ang pagpipigil ni Shane habang nakatingin sa 'min ng kapatid ko. Mahigpit din ang pagkakayukom ng dalawa niyang kamay.

The elegant and fabulous Shane was gone. Kaharap namin ngayon ang mukhang toro na nagpipigil ng galit.

"Miss Angel, Miss Lie," napalingon kami sa isang maid namin nang tawagin niya kami.

"Bakit ho?" tanong ko.

"Pinapahanap ho kayo nila Ma'am Angela, puntahan niyo raw ho sila sa baba," sabi nito.

"Sure po. Salamat," Lie thanked.

"Ahh, Ate." Akmang aalis na 'yon nang tawagin ko siya.

Mabilis itong napabalik sa kaninang pwesto. "Ho?"

Love In A Cruel WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon