"Ate! Matagal ka pa ba? We're going na raw!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Lie mula sa hallway. Mukhang hindi na siya nakapaghintay na makarating sa kwarto ko.
"Wait up, Lie!" sigaw ko pabalik kahit nakasarado ang pintuan ng kwarto ko.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng ilang gamit na dadalhin ko. Tomorrow is the Christmas day and since hindi pa tuluyang gumagaling si Xian, our parents decided na sa ospital na lang kami magpasko para namomonitor din ng doctor ang kalagayan ni Xian.
Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at alam ko na agad na si Lie iyon. "Ate, still not done?" tanong niya, a bit annoyed.
"Almost. Just need to take my bag outside from my walk-in-closet. Wait here," I said at diretsong pumasok sa walk in closet ko para kuhanin ang bag na hinanda ko kanina.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Lie na nakahiga sa kama ko at malapad ang pagkakangiti niya. I've never seen her smile that wide. "You excited?" tanong ko
"Yeah. This is awesome! I never experienced spending Christmas at a hospital. It's weird that I like it, but at least I'll experience something new." She looks really excited.
They always have a fancy and elegant celebration at every event and they even go out of the country during this season which is also our plan but something came up so we end up celebrating at the hospital.
Someone knocked at my door but since Lie didn't close it, we already saw that it was Dad. "Girls, not finished yet? The car is waiting."
"We're finished, Dad. Are the foods finish?" tanong ni Lie at yumakap pa kay Dad.
"Yes and they are packing it now. What's with you Lie?" takang tanong ni Dad at bahagya pang nakakunot ang noo niya.
"She's excited to have a different Christmas celebration, Dad," natatawang sabi ko na ikinatawa lang din ni Dad na ikinabusangot ng mukha ni Lie.
"Are you guys, ready?" biglang singgit na tanong ni Mom who appeared from nowhere.
"Ready!" sabi ni Lie habang nakataas pa ang kamay at nakakuyom ang kamao na ikinatawa ng lahat. She's always been the bubbliest among all of us lalo na kapag excited siya.
Pinakuha ni Dad lahat ng gamit namin ni Lie sa mga tauhan at ipinalagay sa mga sasakyan. May dala kaming mga damit at ilang pagkain para sa simpleng salo-salo mamaya.
"Ma, naisakay na po ba lahat ng pagkain?" tanong ko kay Mama nang makalabas kami ng mansion.
"Oo, naipalagay ko na lahat. Pwede na tayong umalis," aniya at sumakay sa van.
Nang masigurong nakahanda na lahat ay umalis na ang tatlong magkakasunod na sasakyan papunta sa ospital. Nandoon ngayon si Xian at Yanna kasama si Timothy Blake bilang bantay. Magaling na si Yanna at si Xian na lang ang may iniindang sakit ngunit ang sabi ng doctor ay malapit na rin siyang makalabas kailangan lang namin hintayin ang resulta ng mga test sa kaniya. Pagkatapos ay theraphy.
Hindi nagtagal ay nakarating na agad kami sa ospital. Dumiretso na kami ni Lie sa elevator para agad makapunta sa hospital room habang sila Mom naman ay abala sa pagtataas ng pagkain kasama ang ilang guards ng mga Zabala.
Pagkabukas ko ng pintuan ay kaagad na bumungad sa 'kin sina Yanna at Xian na nakikipaglaro at tawanan kay Timothy Blake. Nakahiga pa rin si Xian sa kama niya pero hindi kagaya nung dati na nakataas at nakasabit ang paa niya, habang sina Timothy Blake naman at si Yanna ay magkatabing naka-indian sit sa kama ni Yanna.
Tatlo pa rin ang kama rito sa kwarto dahil hindi na pinaalis ni Dad ang dalawa pang kama. About sa paso ko, tuyo na iyon ngunit may naiwang marka na bakas ng pagkakalapnos ng balat ko. May ipinapahid din akong cream para mabilis na maalis iyon. May pinag-uusapan silang tatlo at patuloy naman sa pagtawa sina Xian at Yanna. Nakatayo lang ako roon habang bahagyang nakabukas ang pinto at nakatingin sa ganda ng tawa ng tatlong mahal ko.
BINABASA MO ANG
Love In A Cruel World
ActionFive gunshots. That is what killed Zyrille Ann Santos, and as she was reborn as the Zyrille Angel Zabala-the long lost heiress of the Zabalas who have one of the biggest groups of companies in Asia. With money, power, men, and connections, she is re...