Chapter 21

71 1 0
                                    

Ipinarada ko ang sasakyan sa parking area ng mansion namin. Kinuha ko lang din ang bag ko sa passenger's seat bago lumabas at ni-lock ang baby ko.

I stretched my arms and back while walking through the hallway, papasok sa mansion. It's already eight in the evening kaya siguradong nakain na ng dinner silang lahat. Wala naman ako masyadong ginawa bukod sa pagtse-check ng application form mula sa HR department.

Tuwang tuwa pa ko sa pagpapalagutok ng braso pati leeg ko until my phone rang. Kinuha ko 'yon sa loob ng bag at kaagad na sinagot ang tawag when I saw the caller's ID.

"Hmm?"

[Are you home?] Bahagya akong napangiti dahil sa bungad na tanong ni Timothy Blake.

"Yeah. Kakauwi ko lang. Why?" Binuksan ko na ang pinto ng mansion.

[Nothing. Just checking on you.]

"Ate!" Napalingon ako sa may bandang kusina nang marinig ko ang boses ni Yanna.

[Get some rest. I'll call you again later.]

Pinatay na rin ni Timothy Blake ang tawag pagkatapos niyon. Wala pa rin kaming nakukuhang tamang chance para makapunta sa Cebu at hanapin ang Bernard Cruz na sinasabi ni Mr. Hacker. Hindi naman ganoon kadali na umalis at pumunta sa Cebu dahil mata-track kami ng parents namin.

Kaagad akong sinalubong ni Yanna ng yakap at hinila na papunta sa kusina kung nasaan ang iba. Nakita kong puno pa rin ng pagkain ang lamesa at tila malilinis pa ang plato ng lahat.

"She's here. Let's eat," I heard someone said.

"You're not eating yet?" takang tanong ko.

"Hinihintay ka namin, Ate," sabat ni Xian. Tumango na lang ako at umupo sa upuan ko sa tabi ni Lie. Nagsimula na rin kaming kumain as soon as we all sat.

"Anyway, here's some good news. Listen kiddos," sabi ni Dad sa gitna ng pagkain namin kaya bumagal kami sa pagkain at tumingin sa kaniya.

"You see Zabala Group of Companies have this annual - I mean, mayroong celebration ang Company natin at nagaganap iyon bawat year to celebrate the good sales for the past year." Kinailangan pang baguhin ni Dad ang ibang words dahil hindi iyon ang mas maiintindihan ni Yanna.

Halos sabay sabay kaming napalingon kay Yanna na takang nakatingin kay Dad bago lumingon sa akin. Gawain na namin 'to every time wala siyang maintindihan sa mga sinasabi ng mga tao rito sa bahay.

"May celebration dahil magaling ang mga nagtatrabaho sa kompanya," sabi ko dahil mas naiintindihan niya kung gano'n. Tumango tango na lamang siya.

"Dad, ngayon agad? Parang maaga naman masyado? Hindi ba dapat next month pa 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Lie.

"Well, the company, as well as the employees' sched are full next month. We have a lot of deals to close and demands to reach," Dad explained.

"Okay, ahmm, what's happening?" tanong ko because I don't really know what's happening bukod sa maiingay na hallway kanina sa company.

"Like what I'm saying, kada taon may celebration na nagaganap para sa-what do you call this," Dad stop to think and clears his throat. "Para sa tagumpay na nagawa ng kompanya sa nakaraang taon. And this coming weekend, we'll be celebrating it in Davao."

My eyes secretly shine with what I heard. "This weekend, Dad?"

"Yes, Angel. Kadalasan isinasama ng mga empleyado ng kompanya natin ang pamilya nila kaya kasama kayo. Wala naman kayong pasok kapag weekends, 'di ba?" Bumaling din siya kila Xian at Yanna.

"Opo, Tito," nakangiting sagot ni Xian kay Dad.

"Great! Ihanda niyo na ang gamit niyo ha." It was Mom and she giggled afterwards.

Love In A Cruel WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon