Chapter 25

87 1 0
                                    

Kasalukuyan kong tinatali ang sintas ng sapatos ko habang nakaipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat ko.

[Are you sure you can go?]

"Don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko. Just wait for me. I'll be there in ten," I said as I fixed my hair.

[Okay, I'll be waiting.] He then ended the call.

It's been almost a month since the first DNA test result has come. All the Relishs and Zabalas flew all the way to States to perform the second wave of the DNA test. All of us undergo an operation, except Timothy Blake and Lie. Kahapon lang kami nakabalik from the States because we need to stay there for quite a long time for recovery since sa buto namin kinuha ang DNA test.

Hindi pa rin lumalabas ang resulta ng panibagong DNA test na ginawa namin. Father of both parties wants to know the result once all the test results have come out. We all decided to go back here in the Philippines while waiting for the results dahil hindi rin pwedeng iwanan ang company, especially in this situation.

Tahimik kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Maingat ang bawat hakbang ko habang naglalakad sa hallway pababa ng mansion. Hindi na ako nagtaka nang makitang mas dumami ang mga guard na rumoronda sa loob at labas ng mansion because Dad told them to.

As usual, nagtago ako sa likod ng mga puno at halaman sa gilid ng swimming pool area. Maingat at tahimik ang bawat hakbang hanggang sa makatagos ako sa kabilang side ng pader. About last time, noong nahuli si Timothy Blake at binalaan ako ni Lie about sa pagkikita namin, hindi pa rin namin napag-uusapan because of those new problems na patuloy nadadagdagan.

Inangat ko ang zipper ng jacket na suot ko hanggang sa leeg dahil sa patuloy na pag-ihip ng malakas na hangin. Madilim din ang paligid ngunit sa tulong ng liwanag ng buwan, nakikita ko pa rin ang daan patungo kay Timothy Blake.

Malayo pa lang ay naaninag ko na ang sasakyan niya. Nang makalapit ako, unti-unting naging malinaw sa mata ko ang pagkakangisi niya. Nakasandal siya sa hood ng sasakyan niya habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa with his mischievous smile while meeting my gaze.

"What's with that smile?" takang tanong ko na bahagya pang nakakunot ang noo.

He shrugged and smile even more. "Admit it, you misses me kaya gusto mong magkita tayo tonight."

"You're still full of yourself, huh," natatawang sabi ko bago siya tinalikuran at sumakay sa passenger seat ng kotse niya.

Nakita ko lang siyang ngumiti lalo bago dumiretso sa driver's seat. Kaagad din niyang pinaandar ang sasakyan and we're now not going to that secret place of ours because we have a new hideout.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinatahak namin ang pamilyar na daan. It's been a long time since I left this place and this will always feel like home for me. Bawat tambak ng basura sa mga kanto na nadadaanan namin, pati na rin ang mga tambay na may hawak na empi ay tandang tanda ko.

Ilang sandali pa ay itinigil ni Timothy Blake ang sasakyan sa di kalayuan sa kanto namin. Hindi niya pwedeng iparada ang sasakyan sa mismong tapat ng pupuntahan namin because it will be too obvious. Akmang lalabas na si Timothy Blake ng sasakyan nang makita ko ang pamilyar na talyer na malapit sa kanto namin.

"No," pigil ko sa kaniya.

"What?" gulat na tanong niya.

"You can't park here. Baka makita 'to ni Paulo and worst, baka tayo ang makita niya." Paulo might be here since he said to me last time that he's working here after his shift at the cafe.

"Then where?" takang tanong niya.

"I know the shortcut papunta sa amin but I think you can't park it there. Sa kabilang kanto mo iparada."

Love In A Cruel WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon