Naalimpungatan ako dahil sa pagkakangawit ng leeg ko. Sinubukan kong iunat ang kamay ko pero hindi ko magawa. Iminulat ko ang mata ko pero wala akong makita kundi puro itim.
"Sa wakas, nagising na rin ang isa pang prinsesa."
Kaaagad na tumindig ang balahibo ko nang marinig ang isang malamig, malalim, at malagom na boses ng isang lalaki.
Sinubukan kong pakiramdaman ang paligid. Nararamdaman kong madami ang nasa lugar kung nasaan ako. Marami ang humihinga na nakapaligid sa amin. May ilang yapak din ng paa akong naririnig sa di kalayuan. May naririnig din akong impit at mahinang pag-iyak ng isang babae. Wala akong ibang maamoy kundi isang pang mayamang pabango. Alam kong hindi akin ang pabangong iyon dahil iba ang amoy ng pabangong ginagamit ko.
Pinakiramdaman ko ang buong katawan ko. Nakaupo ako sa isang metal na upuan at damang dama ko ang lamig ng bakal na iyon sa balat ko. Nakatali rin sa likod ng upuan ang dalawang kamay ko, maging ang dalawa kong paa. Hindi ko magawang sumigaw o tingnan man lang sila dahil binusalan nila ang mata at bibig ko.
"Hmm, ano sa tingin niyo? Alam na kaya ng magulang niyo na wala kayo sa party o hindi? O baka naman ang alam nila ay tumakas kayo?" Boses pa rin iyon ng lalaking nagsalita kanina.
Nagsimulang magtawanan ang ilang lalaking nakapaligid sa amin. Tama ang hinala ko na marami sila. Kahit wala akong nakikita ay ramdam kong madami sila at nakapalibot sila ngayon sa pwesto ko.
"Teka sandali, hindi pala aakalain na tumakas ang isa sa inyo dahil mabait ang isa, hindi ba?" Hinawakan ng lalaki ang mukha ko at marahang pinasadahan ng daliri ang buong pisngi ko. He said, dalawa kami, pero sino iyong isa?
Nagpumilit akong iiwas ang mukha ko mula sa kamay ng lalaking iyon na sa tingin ko ay ang leader nila. Halos mabali ang leeg ko para lang maiwasan ang paghawak niya sa mukha ko. Ngunit mahigpit niyang hinawakan ang baba ko at pilit pinaharap sa gawi niya ang mukha ko.
Hindi ako gumawa ng kahit anong kilos dahil hindi ko pa sila nakikita at hindi ko pa napagmamasdan ang buong paligid. I don't know where I am and what these assholes are capable of.
"Nakailang tawag na?" tanong muli ng leader na sa tingin ko ay ang mga tauhan ang kausap.
"Naka-sampu na bossing. Sa babaeng nakasilver iisa pa lang ang tumatawag pero nakailang ulit na rin," narinig kong sabi ng isa.
"Sino?"
"Timothy ang nakalagay boss." Fuck. He's looking for me now. He can't, baka mapahamak pa siya.
Sa wakas ay binitawan na ng lalaki ang mukha ko pero nararamdaman ko ang ilang bakas doon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Ilang saglit pa ay biglang may humila ng piring ko sa mata. Hindi agad ako nakamulat at nanatiling nakapikit dahil sa biglaang paghigit kaya't bahagyang naipit ang mata ko, idagdag pa ang nakabukas na ilaw na nagdudulot ng pagkasilam sa mata ko sa liwanag.
Nang makapag-adjust ang mata ko ay mabilis kong pinagmasdan ang buong paligid. Puno ng mga tinambak na kahoy, bakal, at mga barrel ang buong kwarto at iisa lang ang pintuan niyon. Sa tingin ko ay nasa mahigit bente ang lalaking nakapaligid at idagdag pa ang ilang naglalakad sa labas ng kwarto kung nasaan kami at lahat sila ay nababalutan ang mukha.
Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita si Shane na nakatali rin sa isang upuan sa tabi ko. May busal din ang kaniyang bibig at mata. Siya siguro ang narinig kong impit na umiiyak kanina.
Mabilis kong binalikan ang nangyari kanina bago ako nagising dito. Narinig ko si Shane na sumisigaw sa labas ng comfort room at pagkalabas ko ay dalawang malalaking lalaki na nakasuot ng uniform ng staff ang nandoon at tila naghihintay and the next thing happened, nandito na ako.
BINABASA MO ANG
Love In A Cruel World
ActionFive gunshots. That is what killed Zyrille Ann Santos, and as she was reborn as the Zyrille Angel Zabala-the long lost heiress of the Zabalas who have one of the biggest groups of companies in Asia. With money, power, men, and connections, she is re...