Chapter 4

330 1 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa mukha at sa buong katawan ko. Makulimlim ang langit na nagbabadya ng hindi magandang susunod na pangyayari.

Nadadala ng ihip ng hangin ang buhok ko na nakalugay lang pati na rin ang laylayan ng dress na suot ko. I'm hugging myself while standing behind my siblings as I look at the grave of my father.

In loving memory of

Roberto Santos

"Papa, alam mo po ba lilipat daw kami ng school ni Kuya. Tapos naging malaki na bahay po natin," sabi ni Yanna habang nakaupo sa mga damo at hinihimas ang lapida ni Papa.

Tahimik lang kami nila Mama at Xian habang si Yanna ay kinakausap ang puntod ni Papa. "May bagong Mama at Papa si Ate, Papa. Mabait sila, Papa. Binigyan nila ko candy," kwento pa ulit ni Yanna na mahinang ikinatawa ni Xian at Mama.

Nakita ko ang pasimpleng pagpunas ng luha ni Mama. Bata pa lang at halos wala pang naiintindihan si Yanna sa mundo noong binawi nila si Papa sa 'min.

Tatlong taon na. Tatlong taon na mula noong pinatay nila si Papa at hanggang ngayon wala pa ring nananagot sa nangyari.

Ilang minuto pa kaming nanatili sa sementeryo kung saan nakalibing si Papa. Patuloy lang sa pagkekwento si Yanna kay Papa habang kami nila Mama at Xian ay tahimik lang na nakatingin sa semento kung saan nakasulat ang pangalan ng una kong tatay.

"I promise to get justice for you, Papa. Pagbabayarin ko sila sa pagpatay nila sa 'yo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko sila nakikitang naghihirap," I silently talked to Papa.

Umihip ang malamig na hangin at nagbagsakan pa ang ilang tuyong dahon mula sa puno. Makulimlim ang langit na humaharang sa araw kaya halos madilim ang paligid.

"Miss Angel, handa na po ang sasakyan."

Napalingon ako kay Mang Rogelio, pinasama siya at ang ilang bodyguard namin nila Mom at Dad dahil hindi kami pwedeng umalis na kami lang. Tumango ako sa kaniya bago sinenyasan ang mga kapatid ko.

Nagpaalam kami kay Papa bago nagsimulang maglakad papunta sa van na nakaparada sa hindi kalayuan. Napatingin ako sa cellphone ko nang magring 'yon. It was Mom.

[Hey, my Angel! Pauwi na ba kayo? I have a surprise for you!]

"Yes, Mom. We're about to go home na po," sagot ko naman sa kaniya.

Nasa sasakyan na agad sila Mama at ang mga kapatid ko dahil malapit lang naman sa amin ang pinagparadahan niyon.

[Okay, see you later, my Angel.]

"See you, Mom. I love you," I said while smiling.

[Love you too, my Angel.] She then ended the call.

Tumingala ako sa makulimlim na langit at dinama ang malamig na ihip ng hangin. Pumikit ako at nakita ko ang mukha ni Papa. Nakangiti siya pero may kakaiba sa ngiti niyang 'yon.

"Maayos at tahimik na ang lahat, Pa. Tapos na, Papa," I whispered in the cold air.

Nasa maayos na ang kalagayan ng pamilya na iniwan niya kaya alam kong mapapanatag na si Papa dahil natapos na ang paghihirap namin.

Nagsimula na kong maglakad papalapit sa sasakyan pero biglang may batang tumawag sa akin. "Ate! Ate!"

Lumingon ako at nakita ang isang bata na sa tingin ko ay nagpapalaboy-laboy dito. Nakasuot siya ng lumang sando na may mga butas at dumi na, pati ang tsinelas na suot niya ay halatang luma na rin. May inabot siya sa akin na papel.

Naguguluhan man ay kinuha ko iyon. "Ano 'to?"

"Hindi ko po alam, e. Inutos lang po sa akin na ibigay sa inyo sabi nung lalaki sa kotse," sagot niya at umalis na rin kaagad.

Love In A Cruel WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon