Timothy Blake's P. O. V.
I keep on walking back and forth outside the emergency room. My hands are shaking and my knees are trembling yet I don't want to sit. Whenever I sit down on the nearby chair, I feel someone's burning my butt and making me stand up again.
Pakiramdam ko ay gusto kong manuntok ng kahit na sinong dumadaan sa hallway kung nasaan ako dahil sa matinding kaba. Sino bang hindi kakabahan if your wife is giving birth now? I clenched my fist when I heard her shout again inside the emergency room.
Mag-isa pa lang ako rito sa labas ng emergency room kaya walang pumipigil sa akin sa malikot na paglalakad. Ang mga nurse sa paligid ay hinayaan lang ako, maybe because this scene is normal to them.
Dapat ay nasa loob ako kasama ni Zyrille pero hindi nangyari dahil iba ang schedule namin kumpara sa araw na 'to. Nagkataon naman na wala rito sa Pilipinas ang may-ari ng hospital na 'to who happened to be my friend kaya hindi nila ko nagawang papasukin. We requested na nasa loob din ako kapag nanganak na ang asawa ko pero nag-iba ang lahat. Hindi ko nadala si Zyrille sa hospital na pagmamay-ari ng pamilya nila because it's too far from our house.
It's already midnight kaya wala rito ang mga magulang namin. I tried to call to their mansions pero mukhang tulog na lahat ng tao. Dapat bukas pa kami pupunta rito ni Zyrille sa hospital para nakahanda na ang lahat before she gave birth to our baby dahil next week pa dapat ang kabuwanan niya or whatever they call that.
But, fuck! We were sleeping earlier nang gisingin niya ko at sinabing nananakit daw ang tiyan niya. At first we thought it was normal dahil minsan ay humihilab ang tiyan niya o sumisipa ang anak namin sa loob niya. But earlier was different kaya agad ko siyang sinugod dito sa ospital. I had to compose myself dahil nagpa-panic na siya and she said that our baby's coming out so I really had to rush. And the rest is history. Ni wala man lang kaming nadalang gamit ng baby kaya pinasunod ko na lang sila yaya dahil nagmamadali kami kanina.
"Blake!" Napalingon ako sa nagsalita and I saw Paulo rushing towards me.
"Pasensiya na ngayon lang ako, hinintay ko pa kasing magrounds ang doctor ni Liar," agad niyang paliwanag as soon as he got near me. "How's your wife?"
"She's inside. Hindi ako makapasok dahil dapat next week pa siya manganganak," I said habang hindi pa rin tumitigil sa pagpapabalik-balik na paglalakad.
"Ano bang nangyari? Bakit lumabas agad ang bata?" he asked curiously.
And fuck it! 'Yon nga ang kanina ko pang iniisip. Zyrille is healthy as well as our baby. Wala namang problema sa kanilang dalawa. I even worked at home para lagi ko silang nakikita and I never leave my sight from them. That's why I'm nervous as fucking hell here!
Nakakadagdag pa sa kaba ko ang panaka-nakang sigaw ni Zyrille sa loob as she tries to push and gave birth to our little angel.
"Chill, p're. Everything's gonna be fine. Malakas ang mag-ina mo," Paulo tried to comfort me while tapping my shoulder at nakatulala lang akong napatango sa kaniya. Good thing that he's here. Binabantayan niya si Angelique na hanggang ngayon ay natutulog pa rin but he comes late dahil hinintay pa raw niya ang rounds ng doctor.
Natigil ako sa pagiging pagkabalisa nang marinig kong tumigil na ang halos paulit-ulit na sigaw ni Zyrille mula sa loob. Naninigas ang buong katawan ko at hindi makagalaw mula sa pagkakatayo ko habang nakatingin sa nakasaradong pintuan ng emergency room, hinihintay na bumukas iyon.
And I'm not wrong. Bumukas ang pintuan ng emergency room at lumabas doon ang isang babaeng doctor. I really requested na babae ang magpaanak sa asawa ko. Halos nagkagulo pa nga kanina kaya nahirapan pa sa paghihintay ang asawa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/265786633-288-k178400.jpg)
BINABASA MO ANG
Love In A Cruel World
AcciónFive gunshots. That is what killed Zyrille Ann Santos, and as she was reborn as the Zyrille Angel Zabala-the long lost heiress of the Zabalas who have one of the biggest groups of companies in Asia. With money, power, men, and connections, she is re...