Chapter 38

28 1 0
                                    

Mahigpit kong niyakap ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Bahagya akong napangiti habang patuloy akong niyayakap ng liwanag mula sa papalubog na araw at ng malamig na hangin na tumatama sa mukha ko habang nakatayo sa balcony kung saan kami lagi nakapwesto ni Dad. But unlike today, tinitingala ko na lang sila ni Papa sa magkakahalong kulay na kalangitan.

"Pa, Dad, kamusta kayo riyan? Ang daming nangyari rito," panimula ko habang nakatingala sa makulay na kalangitan dala ng papalubog na araw.

"Dad, alam mo ba si Lie, I think she's starting to forget the man who hurt her. Nakikita ko na siya laging ngumingiti at tumatawa, thanks to Paulo. Pa, si Yanna at Xian, ganoon pa rin, pag-aaral pa rin ang inuuna. Hindi madaling makalimot si Yanna pero hindi na siya laging umiiyak. Unti-unti na niyang natatanggap na wala na kayong dalawa. Pa, Dad, 'wag kayong mag-alala kila Mama at Mom, akong bahala sa kanila. Hindi ko sila pababayaan," pagkekwento ko pa habang maliit na nakangiti sa kalangitan na para bang kaharap ko lang silang dalawa.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa sarili at pagkakakapit sa sleeves ng bathrobe ko dahil sa malakas na ihip ng hangin. "Oo nga pala, Dad, madaming p-in-ull out si Mom na company sa Zabala Group Of Companies pero madami rin ang gustong pumalit kaso hindi pa namin maasikaso ngayon ni Mom dahil sa valentine's grand ball night. Tonight will be the valentine's grand ball night and Mom decided to still sponsor the event para makasali pa rin ang mga scholars."

I decided to talk to my fathers while waiting para sa valentine's grand ball night mamaya. Si Mom ang nag-asikaso ng lahat. She said she wants to feel how to settle those things para sa ball na pupuntahan namin mamaya. Mom will be there too dahil sponsor pa rin ang Zabala ng valentine's ball ngayong taon.

"Ate."

Lumingon ako sa likod ko when I heard Lie's voice. "Hmm?"

Lumapit siya sa akin at tumayo sa tabi ko. She's still wearing pajamas dahil hindi pa kami naaayusan para sa ball mamaya. Hinihintay pa namin ang mga mag-aayos sa amin and they have our gowns na hindi man lang namin alam ni Lie kung anong design but it's already given na kulay pula.

"Paulo called. He said he had nahiram na car daw kaya susunduin niya ako here mamaya," Lie said while showing her phone to me.

"Siya ang date mo?" tanong ko habang hinuhuli ang mata niya.

"Uhm, yeah." Nag-iwas siya ng tingin at paharap na sumandal sa railings ng balkonahe. "How about Timothy? Will he pick you up later?" she asked.

I shook my head. "No. Doon na lang kami magkikita. Sasabay ako kay Mom."

Bahagya siyang lumingon sa akin habang dinadama niya ang malamig na ihip ng hangin. "Oh really? Maybe I should sabay with you two na lang."

"Hindi na, sayang naman ang kotse na hiniram ni Paulo. I'm sure hiniram niya 'yon dahil gusto ka niyang sunduin and he wants to make you feel special." I know Paulo, I'm sure nahirapan siyang manghiram ng kotse but he still did that for Lie.

"I don't know. Parang napipilitan nga ata siya. E' di don't na lang," umiirap na sabi ni Lie.

I chuckled. "You know Paulo, makulit siya-sobra. Kung sasabihin at ipapakita niya sa 'yo na parang biro lang lahat, na he's not worried or he doesn't care for you, that is totally the opposite of the reality. Malokong tao si Paulo kaya lahat dinadaan niya sa biro, but deep inside he totally cares for you."

"But he's too annoying kaya minsan!" reklamo pa niya and she almost had tantrums.

I can't help but to laugh. "You're really happy with him, aren't you?" I asked while smiling.

"Hmm." A sweet smile formed at her lips as she nodded. "All his stupid acts, his corny jokes, his cheesy moves and lines, and even his lame nickname for me-all of those things always makes me laugh and forget everything. I used to hate him because you know, he's so always epal to the highest level like duh! Wala naman akong ginagawa sa kaniya dati but he's always asar-ing me and that's so nakakainis!" reklamo pa rin niya at halos wala akong maintindihan sa mga sinabi niya dahil sa ka-conyo-han niyang taglay.

Love In A Cruel WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon