Special Chapter 1

5 0 0
                                    

Zyrille Angel's P. O. V.

Wala akong magawa maghapon kaya pilit kong pinirmi ang sarili ko sa panonood ng TV sa sala. Sabado ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho sa kompanya. May business meetings si Timothy Blake maghapon kaya kinailangan niyang pumasok at iwan ako rito sa bahay.

Pansamantala, si Timothy Blake ang nag-aasikaso ng kompanya ng mga Relish habang nasa bakasyon ang mga magulang niya at habang nasa hospital pa si Lie. Si Mom naman, ayaw niyang iwan ang Zabala Group Of Companies kaya hinayaan ko na lang din. Mas naiisip niya ang pagkawala ni Dad kung maglalagi lang siya palagi sa mansion. Tinutulungan ko na lang siya sa ibang gawain sa company especially sa mga meetings and troubleshootings because of everything happened and if some problems arise.

Madaming nagbago sa nagdaang taon. Sila Mama, nanatili sa Zabala mansion kasama si Mom so the light and happiness around the mansion will stay because of my siblings, especially Yanna. Si Lie, nasa hospital and she's currently in a comatose stage after that tragedy. Si Jhana, nasa mental hospital. Nailibing na rin ang mga dapat ilibing.

I leaned my back at the sofa and look for another interested channel. We bought a house, not a mansion. Dalawa pa lang naman kami ni Timothy Blake, sa ngayon, kaya hindi namin kailangan ng mansion gaya ng gusto ng mga magulang namin. A three story house is enough for now. Dito na kami umuwi noon ni Timothy Blake after our wedding last month. May mga maids, guard at driver din naman kaming h-in-ire even though we're busy at the company on weekdays.

Masaya ako, really. I'm happy that everything was already in the right place. Natahimik na ang buhay naming lahat and all we have to do is to wait for Lie. Ang alam ko ay nagsisimula rin ng negosyo si Paulo habang hinihintay niyang magising si Lie. Kung sana ay wala siya ospital, I'm sure nagpapalipat-lipat na siya ng bansa ngayon para magshopping ng kung ano-ano. Ganoon naman si Lie, basta magustuhan niya ay bibilhin niya kaagad kahit hindi pa nakikita ang presyo niyon.

Bumaling ang atensyon ko sa isa sa mga kasambahay namin nang lumapit siya. "Ma'am, ihahanda ko na po ba ang pagkain?" tanong niya habang bahagyang nakayuko.

Nakangiti akong umiling. "Mamaya na po. Hihintayin ko muna si Timothy Blake. Baka pauwi na rin 'yon dahil sabi niya rito siya magdi-dinner." Ako kasi ang nagluto ng dinner kanina bago ako manood ng kung ano-ano habang hinihintay si Timothy Blake at naghihintay na lang sila ng sasabihin ko kung kailan ihahanda ang pagkain.

Gabi na at paniguradong pauwi na siya. Kahit busy kaming dalawa sa trabaho, hindi niya nakakaligtaan na kumain kasama ko. Hindi niya hahayaang makauwi siya ng late dahil alam niyang naghihintay ako rito sa bahay.

"Sige po," sagot niya at bahagyang yumuko bago umalis.

Bumalik ako sa panonood ng TV dito sa sala ng bahay namin at hindi nagtagal ay narinig ko na ang tunog ng sasakyan sa labas at sigurado akong si Timothy Blake na iyon. Hindi ko mapigilang ngumiti nang maalala kong may sorpresa ako sa kaniya mamaya at sana magustuhan niya.

Pinatay ko muna ang TV bago nakangiti pa ring tumayo. Lumapit ako sa pintuan ng bahay at ngiting-ngiti na binuksan iyon. Agad namang sumalubong din sa akin ang nakangiting pagmumukha ni Timothy Blake. Halata sa mukha at ayos niya ang pagod marahil dahil sa dami ng meeting na inattendan niya ngayong araw.

Naramdaman kong mabilis niya kong hinapit palapit sa kaniya at mahigpit na niyakap. Niyakap ko rin naman siya. Ako na ang kusang umalis mula sa pagkakayakap niya dahil alam kong hindi siya bibitaw kahit abutin kami ng magdamag sa yakapan na iyon.

He leaned in and planted a soft, light, and quick kiss on my lips. "Dinner na tayo?" he suggested while smiling.

"Hmm," I nodded. Kinuha ko ang laptop bag niya na siyang tangi niyang dala at nagsimula na kaming maglakad. Ipinatong ko ang laptop niya sa sofa nang madaanan namin 'yon.

Love In A Cruel WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon