Chapter 22

63 1 0
                                    

I tied my shoelace at siniguradong mahigpit iyon before I put my jacket on. I also got my phone and put it in my pocket behind my pants.

Palabas na sana ako ng kwarto para umalis ng mansion to meet Timothy Blake, like how I used to do for the past weeks, pero napatigil ako nang malampasan ko ang vanity table ko. Paataras akong tumapat sa salamin at tumingin sa reflection ko sa salamin. I smiled and tied up my hair.

I took a glance on my wrist watch at nang makita kong it's already ten in evening, kaagad akong lumabas ng kwarto because it's our call time. I only have fifteen minutes para makarating sa unang kanto mula sa mansion namin kung saan naghihintay si Timothy Blake.

Tahimik at maingat akong bumaba ng hagdan. Madilim na rin ang paligid dahil siguro pinatay na ng mga maid ang ilaw dito sa baba at tanging ilaw mula sa buwan na tumatagos sa bintana ang nagsisilbing ilaw para makita ko ang daan.

Maingat ang bawat hakbang ko hanggang sa marating ko ang pintuan ng swimming pool area. Bahagya akong nagtaka nang makita kong walang nagbabantay sa tapat ng swimming pool ngunit kaagad akong naglakad papunta sa likod ng mga puno ngunit nasa kalahati pa lang ay tumigil ako sa paglalakad.

"You're really going, huh?"

Mabilis at gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. I saw Lie sitting on a beach chair beside the swimming pool while holding her wine glass.

"Lie? What are you doing here?" kunot noong tanong ko habang nanatiling nakatayo kung saan ako tumigil kanina.

Ibinaba niya ang wine glass na hawak at ipinatong 'yon sa damuhan bago tumayo at humarap sa 'kin. "You're going to meet him again?" taas kilay na tanong niya.

Hindi ako nag-iwas ng tingin sa kaniya at nagpanggap na walang naiintindihan. "What are you saying? I don't understand."

She laughed sarcastically. "Oh, come on. I already caught you and you're still denying it?"

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko sa kaniya pero pinilit kong maging kalmado. "What do you want? Why are you here? You should be sleeping right now."

"As well as you. You should be sleeping and staying in your room now instead of escaping just to meet the young Relish." She crossed her arms over her chest at walang emosyon ngunit taas kilay akong tiningnan.

Hindi ako nagsalita at sa halip ay mariin siyang tiningnan sa mata. Something is not usual and that is her. Hindi siya ganitong makipag-usap sa akin.

Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa akin and she stopped sa mismong tapat ko just to stare at me. Pagkatapos ay muli siyang naglakad at tumigil sa tapat ng tainga ko. "Kung ako sa 'yo, hindi na ko tutuloy."

She then left me dumbfounded. Hindi pa pumapasok sa utak ko lahat nang sinabi niya at nakakunot pa rin ang noo when suddenly, my phone rang. I immediately answered it when I saw it was Timothy Blake.

[Go back to your mansion. Dad caught me.] Kaagad din niyang pinatay pagkasabi niya noon at para bang he called secretly.

Timothy Blake was caught by his dad and I was caught by Lie. How did they know what we are doing every night? Who told them that we're seeing each other? Even the place and time they caught us is the same. Someone saw us meeting each other and who it was?

Si Lie. How did she know kung hindi alam 'to nila Dad? Dahil kung alam nila, they won't stop me, pero si Lie, she changed. May nag-iba sa kaniya.

Halos wala ako sa sarili habang naglalakad sa hallway papunta sa office ni Dad to give this papers na inuutos ng marketing department. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang nangyari noong isang linggo.

Love In A Cruel WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon