Chapter 12

302 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa malambot na kamay na humahaplos sa pisngi ko. Kaagad kong naalala ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay.

Nanatili akong nakapikit at pinakiramdaman ang paligid. Wala akong naririnig na kung ano mang ingay. Wala rin akong ibang maramdaman mula sa presensya ng taong marahan at paulit-ulit na humahaplos sa may pisngi ko.

Alam ko naman kung sino siya dahil kahit gaano katagal at gaano kadaming buwan ang lumipas, iba pa rin ang nararamdaman ko kapag alam kong nasa paligid ko lang siya.

I opened my eyes at kaagad na sumalubong sa mata ko ang view ni Timothy Blake from his lap. Nakatingla siya habang nakasandal ang ulo sa pader na katabi namin. He's hand on my cheek while the other one is on his tummy. Habang ako naman ay nakahiga sa sahig at ginamit na unan ang hita niya.

I can see his damn adam's apple. His natural red lips and his jawline that every girl at the campus would die for. At dahil nakatingala siya, I can't see his emotionless yet sweet eyes.

Nang maramdaman kong wala na ang hilo na iniinda ko kanina, dahan-dahan akong umupo dahilan upang makuha ko ang atensyon ni Timothy Blake. He even guides me para makaupo nang maayos sa tabi niya.

Hindi ko rin naiwasang pagmasdan ang paligid. Puno ng mga nakatambak na gamit ang dulo ng malaking kwarto na kinalalagyan namin. May isang maliit na bintana sa may bandang taas niyon at sa tingin ko ay mabilis lang din iyong basagin base sa salamin na ginamit.

May isang manipis at maliit na kutsyon ang hinihigaan ko kanina at inuupuan ni Timothy Blake. Walang hangin na pumapasok sa loob ng kwartong ito pero hindi naman ganoon kainit dahil maluwag sa may banda namin. Sa may bandang gilid naman ay ang isang malaki at kinakalawang na pintuan.

"Hey," Timothy Blake called me.

Kinuha ko ang bag ko na nakapatong lang sa may lapag at 'saka umayos ng upo sa tabi niya. He worriedly looking at me habang nakahawak pa rin sa tiyan niya.

I held his hand na nakahawak rin sa tiyan niya. "Okay ka lang?" I worriedly asked nang maalala ko na nasuntok nga pala siya roon kanina.

"Hmm, yeah," sagot niya at bumalik sa kaninang posisyon.

Inayos ko ang nagusot kong jacket nang may makapa ako sa bulsa ko. I took it and saw the two candy na binigay niya sa akin kanina noong nasa eroplano kami bago pumunta sa Albay.

I handed back the candies that he offered earlier. "This might help," I said while looking directly at his eyes.

He looked at me in the same way, then he held my hand and formed it on a fist, keeping the candies inside. "That's yours," he said in a low yet manly voice.

I just nodded and kept back the candies in my jacket. Silence filled the whole room. I can only hear our breathing sound. Timothy Blake tried to sit into an indian sit kaya medyo nagalaw ang tiyan niya that makes him groan.

"Are you sure na okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko, I even moved closer.

"Yeah, I'm fine," he just said with a cold tone.

Nag-iwas ako ng tingin at bumalik sa pagkakasandal sa pader. "I'm sorry," I almost whispered.

"For what?" he asked.

"Sorry dahil nadamay ka pa. Ako lang naman ang balak nilang kuhanin, nadamay ka pa." I felt sorry about it.

"Oh, I thought you were sorry for what you did before," he said, then chuckled, causing me to look at him again.

"Ha?" I uttered cause of shock, he just shook his head.

Hindi na lang ako nagtanong ulit. Umayos ako ng upo at niyakap ang tuhod ko as I put my chin on it.

Love In A Cruel WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon