Chapter 36

27 1 0
                                    

Tahimik ang buong paligid na para bang bawat taong nandito ay nahihiyang gumawa ng kahit na anong ingay. Mabigat ang pakiramdam sa paligid kahit pa maluwag naman at madami pa ang espasyo. Madami ang mga tao ngunit hindi masaya ang ekspresyon ng mukha nila.

Nakatingin lang ako sa bago at makipot na kama ni Dad habang nakaupo. He looks so handsome while comfortably sleeping. He's wearing a black tuxedo at maayos din ang pagkakaayos ng buhok at mukha niya. Puno ng mababangong bulaklak ang magkabilang dulo ng kama niya. It looks like everyone's wearing a color coding uniform dahil lahat kami nakaputi except kay Dad.

Nakatayo si Mom sa harap niya at halos hindi siya iniiwan simula nang matulog siya. Nanatili rin si Tita Blee sa tabi ni Mom kahit anong mangyari habang bahagyang nakayakap kay Mom on her waist. Tahimik lang si Mom habang pinagmamasdan si Dad matulog. Walang ingay, walang salita, walang luha pero puno ng sakit.

May lamesa sa likod ng malaking kwarto at may mga pagkain na nandoon para sa lahat ng bisita. Madami ang mga mahahabang upuan sa paligid na nakapwesto paharap kay Dad. He is the star now. All of his friends since high school and all of his business partners are here to mourn.

Tonight is the first night ng burol ni Dad.

After what happened yesterday, madaling naayos ni Hacker ang lugar na 'to para maging maayos ang tulog ni Dad. Siya ang nag-ayos ng lahat simula kahapon and I owe him a big time now. Masyado na siyang madaming naitulong sa amin at nahihiya na ako. But what can I do? I can't even sleep or eat properly.

Magkakatabi kaming nakaupo nila Lie, Paulo, at Timothy Blake sa unahan at pinaka malapit na upuan kay Dad. Nakaakbay sa aming dalawa si Timothy Blake. Lie and I both leaned our heads on Timothy Blake's shoulder and he didn't bother kung nangangawit na siya. He even insist earlier to let us lean on him.

"They are here," Timothy Blake whispered.

Umangat ako mula sa pagkakasandal sa balikat ni Timothy Blake at lumingon sa pintuan ng malaking kwarto. Pumasok doon sila Mama at mukhang alam na nila ang nangyari. Pinasundo ko na kaagad sila kahapon pero medyo mahaba ang byahe kaya ngayon lang sila nakarating and I didn'tt say anything dahil hindi ko alam kung paano sasabihin.

Halos magkakasabay kaming tumayo nila Lie. Bakas ang lungkot at pagkagulat sa mga mata nila Mama at Xian habang nakatingin sa paligid, si Yanna naman ay nakangiti at hindi ko siya masisisi dahil hindi niya pa alam at hindi niya maintindihan kung anong nangyayari sa paligid niya.

Yumuko ako para buhatin si Yanna nang makalapit na sila sa amin. "Bakit ka po naiyak, Ate?" nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa mga luha sa mukha ko.

Pinilit kong ngumiti. "Kamusta ang bakasyon niyo? Okay ba?" I asked instead. Hindi ko siya pwedeng biglain.

"Okay naman po kaso malungkot kasi kulang, wala po kayo," she answered while smiling.

I smiled kasabay ng pagpatak ng luha ko. Habambuhay na kaming kulang, dahil wala na si Dad. Nagtataka pa rin ang mukha ni Yanna nang iangat niya ang dalawang maliliit na kamay at pinunasan ang mukha kong puno ng luha.

"'Wag ka na pong umiyak, Ate. Pupunta pa po tayo sa park para kumain ng ice cream, 'di ba po?" She still smiles as bright as the sun, pero walang araw ngayon dahil gabi na. Parang buhay namin ngayong wala na si Dad, madilim.

I just smiled at her dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang sinabi ni Dad na hindi na siya makakasama. Naramdaman kong tumabi sa akin si Mom at nakangiti niyang kinuha sa akin si Yanna para buhatin at yakapin.

Yinakap ako ni Mama nang mahigpit at dahil doon, sunod-sunod na namang pumatak ang mga natutulog kong luha. She keeps on hushing me habang inaalo ang likod ko. Umangat na rin ako kaagad mula sa pagkakayakap niya at pinigilang 'wag umiyak then forced a smile on her. Nilapitan din ni Mama sila Lie at Mom.

Love In A Cruel WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon