Ikapitong Kabanata

194 11 8
                                    

Umuwi pa ring buhay si Courtney mula sa gubat. Lahat ng tangka niyang pagpapakamatay ay bigo. Pero hindi pa rin siya tumigil nang sumunod na mga araw. Sinusubukan pa rin niyang kitilin ang sariling buhay. Iyon nga lang, parati talagang pumapalpak.

Parang may invisible force na pumipigil sa bawat pagtatangka niya. Kalaunan, naubusan na siya ng ideya. Mukhang wala na siyang magagawa kung hindi hintayin na lamang ang oras na siya ay makabalik sa totoong katawan niya sa panahon na pinanggalingan niya.

Guess I have to be Manawari for the meantime. Sa isip-isip niya habang nakaupo at nagmumuni-muni na naman sa batuhan sa likod bahay nila. I wonder kung anong nangyari sa kanya. Nilibing ba siya ng buhay doon sa gubat? Nino? Sana balikan ako nung murderer kapag nalaman niyang bigo siya sa kanyang misyon.

Ang pasyang ito ay gusto niyang bawiin agad nang maalala kung anong buhay mayroon ang totoong Manawari. Isa itong Aliping Sagigilid. Bagay na hindi niya kayang sikmurain.

Nagkaroon siya ng chance na mabago ang katayuan niya pero kailangan naman niyang maging Katulunan. Dumalaw kasi ang Punong Katulunan isang umaga pagkatapos mabalitaang nakakausap na siya ng matino kahit paano at tinanong siya nito kung interesado siyang maging katulunan.

"Wala na ba akong ibang pagpipilian? Ayaw ko ring maging Katulunan," hirit niya. Hindi pang shaman practitioner ang beauty ko 'no. I don't even believe in shamans.

"Siya. Hindi kita pipilitin," wika ng Punong Katulunan. "Nasa iyo naman ang pagpapasya. Ngunit ngayon pa lamang ay sinasabi ko na sa iyo. Sakali ngang ikaw ay tinatawag ng pagiging Katulunan, hindi titigil ang mga anito hangga't hindi nila nakukuha ang iyong pahintulot o pagsang-ayon. Madalas kang magkakasakit hanggang sa tuluyan mo nang tanggapin ang iyong tadhana."

"Hayaan niyo munang pag-isipan ko itong mabuti," tugon niya na hindi malaman kung ano ang pipiliin. Pareho kasing ayaw niya na maging alipin at katulunan.

"Wala kang dapat na pag-isipan, Manawari," anang babae na biglang sumulpot sa pinto nila. Ayon sa pananamit nito, isa itong Aliping Sagigilid. "Hindi papayag si Binibining Adhira, lalo na ang ating Poon na si Gat Bantula na ikaw ay magpanggap na tinatawag ng pagiging Katulunan upang makaalis sa pagiging alipin." Tapos ay bumaling ito sa Punong Katulunan at lumuhod tsaka yumukod. "Swasti, Punong Katulunan. Ang ngalan ko'y Hignawan. Punong tagapaglingkod ni Binibining Adhira." Agad namang sumenyas ang Punong Katulunan na siya ay maupo sa kawayang sahig.

Napakunot ang noo ni Courtney na ngayon ay si Manawari na nang matitigan ang bagong dating na dalaga. Tila pamilyar sa kanya ang mukha ng babae. Napasinghap pa siya nang maalala agad kung sino ang nakakahawig nito.

"Yaya Anita?" Bulalas niya. "You looked very...young." Napakabata pa kasi nitong tingnan keysa sa Yaya Anitang kilala niya. Hula niya'y mga nasa early twenties pa lang ang edad nito.

"Anong mga dayuhang salita ang lumalabas sa iyong bibig?" tanong ng nagpakilalang Hignawan sa kanya.

"Ganyan na siya buhat nang magbalik sa magdamag na pagkawala, Hignawan," sabat ni Lalangyian. Ang Ina niya sa panahong ito. "Kung anu-anong mga kakaibang salita ang kanyang namumutawi. Nawalan din siya ng alaala. Maging kami ay kanyang nalimot."

Napansin ni Manawari na tinititigan siyang mabuti ni Hignawan na para bang inoobserbahan nito kung may katotohanan nga ang sinabi ng kanyang Ina.

"Ang ganitong hindi maipaliwanag na pangyayari ay nagpapahiwatig na siya ay tinatawag ng pagiging Katulunan," anang Punong Katulunan.

"Huwag kayong nagpapaniwala sa kanya," giit muli ni Hignawan. "Tulad nga ng aking tinuran, gagawin ng babaing iyan ang lahat, makalaya lamang sa pagiging alipin. Huwag niyo na siyang pag-aksayahan ng sandali."

Ang Tampalasang AlipinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon