"Bakit ba kasi kayo nagmamadaling umalis? Iyan tuloy. Natapilok si Liway," ika ni Palaba kay Manawari. "Hiwagsay, siya ba ay napilay?"
"Oo, Gat Palaba," sagot ni Hiwagsay na nakabend over his knee sa harap ng nakaupong si Liway sa madahong sahig ng gubat. "Wari ko'y hindi naging maganda ang bagsak ng kanyang kaliwang paa."
"Paumanhin, Liway. Hindi ko sinasadya," ani Manawari.
"Huwag kang mag-alala. Gagaling din ito," napapangiwing sagot ng napakabait na si Liway.
"Maari ko itong hilutin pagkatapos ay tapalan na lamang ng dahon ng katakataka o mayana. Ikaw ba ay papayag?" wika ni Hiwagsay kay Liway.
Napataas bigla ang kilay ni Manawari. Napansin niya kasi ang mga titig ni Hiwagsay kay Liway. There's tenderness on it. Even the way he speaks to her. Si Liway naman, kahit halatang iniinda ang na-sprain na paa ay mukhang nagpipigil ng kilig.
Aba. Aba. Anong meron? Sa isip-isip ni Manawari habang palipat-lipat ang titig sa dalawa. Don't tell me, may something ang dalawang ito?
"Alalaong," ani Palaba. "Maghanap ka ng dahon ng katakataka o mayana sa paligid."
"Masusunod, Gat Palaba,"sagot ni Alalaong at agad na umalis.
Sinimulan namang hilutin ni Hiwagsay ang paa ni Liway. Napahiyaw pa ang dalaga ng biglang ibalik ni Hiwagsay ang nadislocate niyang bukong-bukong. Si Manawari na nakatingin lamang ay napaigtad at napangiwi. Animo paa niya ang biglang ginanun. Mangiyak-ngiyak naman si Liway pagkatapos.
"Patawad at kailangan kong gawin iyon kung hindi'y iindahin mo ang sakit nito ng matagal," paliwanag ni Hiwagsay kay Liway then he cupped her face and gently caress it. And to Manawari's utter astonishment, he also smiled at her.
Biglang nameywang si Manawari at tinuro isa-isa ang dalawa. "Ikaw?" Turo niya kay Hiwagsay. "Ikaw?" Turo din niya kay Liway. "Huwag niyong sabihing--"
Hindi na naituloy ni Manawari ang sasabihin dahil biglang dumating ang humahangos na si Alalaong at sumisigaw ng "Narito na ang mga dahon ng katakataka! Narito na ang mga dahon ng katakataka!"
"Akin na!" Agad na abot ni Hiwagsay sa mga dahon at sinimulan itong dikdikin sa itaas ng bato na naroon gamit ang ulo ng sandata nitong Kalis. Tapos ay tinapal ang mga dahon sa bahagi ng paa ni Liway na na-sprain tsaka tinalian ng telang pinunit mula din sa tapis ng dalaga.
"Ipahinga mo iyan ng ilang araw at huwag babasain hanggang sa tuluyang gumaling," payo pa ni Hiwagsay.
"Tinatanaw kong utang na loob ang iyong pagtulong sa akin, Gat Hiwagsay," wika ni Liway.
"Hindi na kailangan. Maliit na bagay lamang ito," tugon naman ni Hiwagsay. Then they smiled with each other. Yung ngiting kulang na lamang ay langgamin sa sobrang tamis.
"Ehem!" Tikhim bigla ni Manawari. "Paumanhin kung kailangang kong gambalain ang inyong tila pulot sa tamis na ngitian ngunit kami ay uuwi na ni Liway, Gat Hiwagsay. Hindi ba, Liway?" May diin pa niyang mutawi sabay ng nagbabadyang mga titig. Baka makarating to kay Demonyetang Adhira.
"A-ah oo. Oo!" ani Liway na nakuha naman agad ang ibig niyang sabihin. "Kailangan na naming umuwi, Ginoo."
"Mamaya na kayo umuwi. Ipahinga mo na muna sandali ang iyong paa," ani Hiwagsay.
"Siya nga naman," ika ni Palaba. "Masakit pa iyan iapak ngayon."
Hindi na, Gat Palaba. Mauuna na kami," tugon ni Liway at tumayo na.
BINABASA MO ANG
Ang Tampalasang Alipin
Historical FictionIto ay kwento ng isang 21st century rich girl at sobrang malditang si Courtney Gale Lorenzana na nagising sa katawan ng isang Aliping Sagigilid sa Pre-colonial era pagkatapos itulak sa hagdan ng kanyang inaping kaklase. Ano kaya ang mangyayari ngayo...