Maikatlong Anim na Kabanata

139 9 0
                                    

Ilang araw na namang animo may rayuma si Manawari kung maglakad pagkatapos ng parusa sa kanya ni Adhira. Pero as usual, naging excuse naman niya ito upang hindi siya mautusan ng kinapopootang Binibini. Tumulong kasi ito sa paghahanda sa gaganaping pag-iisang dibdib ng kapatid kay Agnaya kaya't paroo't parito ito sa kanilang tahanan.

Nang araw naman ng kasal ng dalawa ay hindi rin siya pinasama ni Adhira. Bagay na hindi rin naman niya alintana.

"Ikaw ay maiwan dito," ika ni Adhira. "At hindi ka maaring umalis. Mamaya ay iyo pang guluhin ang pag-iisang dibdib nina Balasik at Agnaya."

Mentally ay napa-roll eyes si Manawari. "Huwag kang mag-alala, Binibini. Kahit sampung ulit pa silang mag-isang dibdib ay wala akong paki!"

"Pa-ki?"

"Ah ang ibig kong sabihin ay..." Damn! Ano ba ang old tagalog word for walang pakialam? "...ay...ay walang halaga!" Bulalas na lamang niya. "Walang halaga sa akin ang kanilang pag-iisang dibdib kaya't malayo na ako'y manggulo roon. Duh."

"Ako'y huwag mong maduh -duh diyan. Wala akong tiwala sa salita ng isang mapaghangad na aliping katulad mo!" ani Adhira. "Duklaw!"

Biglang pumasok ang isang kawal. "Narito, Binibini."

"Bantayan mo itong si Manawari. Hindi siya maaring umalis dito sa Dalam hangga't hindi kami nakakabalik. Maliwanag?"

"Maliwanag, Binibini," tugon naman ng kawal na si Duklaw.

Pag-alis ni Adhira kasama sina Hignawan at Liway ay nagtungo si Manawari sa kanilang silid. Sinundan naman siya ng kawal na si Duklaw at nagbantay ito sa labas ng pinto. Buong umaga siyang nagkulong roon at lumabas lamang upang kumain ng tanghalian. Nangtungo siya sa silid kainan ng mga alipin kabuntot si Duklaw. Nagtaka tuloy ang ibang alipin na nakasabayan niyang kumain. Ang iba ay nagtawanan pa.

"Bakit naman ika'y mahigpit na binabatayan ng isang kawal, Manawari?" Tanong ng isang kapwa niya alipin sa pahaba at mababang hapag na gawa sa kawayan.

Napatingin si Manawari sa pintuan kung saan ay tikas na tikas sa pagkakatayo si Duklaw hawak ang isang sibat sa labas nito.

"Utos iyan ni Binibining Adhira," sagot ni Manawari tsaka binalingan ang pagkain. Sabik siyang sumubo. Natakam kasi siya sa inihaw na karne ng usa na ulam nila.

"Bakit? Gaano ba kasama ang iyong ginawa sa pagkakataong ito't kailangan pang kawal ang magbantay sa iyo?" Usisa ng isa pang alipin.

"Batid ko ang tunay na dahilan," ika ni Mapaway. Ang alipin na madalas pasimuno ng mga sitsit sa Dalam ng Lakan.

Biglang humaba ang leeg ng mga marites na alipin sa hapag. "Ano ang kadahilanan, Mapaway?"

"Dahil kailangang tiyakin ni Binibining Adhira na hindi siya makakaalis dito sa Dalam ngayong araw ng pag-iisang dibdib nina Gat Balasik at Binibining Agnaya," wika ni Mapaway. "Maari kasing hindi matuloy ang pag-iisang dibdib ng dalawang Ginoo."

"Bakit naman?" anang isang alipin. "Ano ang magagawa ng isang alipin na tulad ni Manawari upang pigilan ang kanilang pag-iisang dibdib?"

"Si Manawari lang naman ang babaing pinakatatangi ni Gat Balasik at ang ibig sana nitong maging kaisa-isang kabiyak," tugon ni Mapaway.

"Totoo ba iyon, Manawari?" tanong ng mga kasamahang alipin ni Manawari sa kanya.

Napailing-iling si Manawari. "Daig mo pa ang lupa, Mapaway."

"Lupa?" Takang mutawi ni Mapaway. "Paano kong nadaig ang lupa?"

"May talinga ang lupa, may pakpak ang balita," wika ni Manawari ng isang salawikain na alam niya sa modernong panahon. "Sa iyong walang kapantay na kakayahang mangalap ng mga sitsit, dinaig mo pa ang lupa."

Ang Tampalasang AlipinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon